top of page

Chapter 2: Alice

[Eah’s POV]

 

“Ay Ryan!!”

sumigaw agad ako nung maalala ko yung isang importanteng bagay. Hindi pa nakakalayo si Ryan kaya lumingon siya agad at ngumiti sakin.


“Sunduin mo ko bukas ah?”

Alam kong sabado bukas kaya malamang magtataka siya. I looked at him knowing na wala siyang kaalam alam sa kung anong balak ko pero he’s just smiling at me na para bang normal lang na magpasundo ako kahit sabado. I smiled back. Bahala na si Batman.


Nagising ako sa ingay na narinig ko from downstairs. Ano na naman bang meron sa baba at bakit nila kailangang mag-ingay? Grabe! Ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako. Parang magkakasakit ata ako. Pinilit ko yung sarili kong dumilat at tumingin ako sa paligid. Nalaglag ako sa kama ko nung bigla na lang may gumalaw sa gilid ko kung saan may kumakalkal ng closet ko. Sumilip ako at nakita ko si Claire na busy sa paghalungkat ng mga damit sa pobreng cabinet.


Nagulat siya nung nakita niya akong nakatitig sa kanya. Nabitiwan niya yung deadly weapon na hawak niya. Uhm…sapatos pala yun. Hawak niya yung blue dress ko na ginamit ko nung gumanap akong Alice sa school play naming Alice in Wonderland.


“Ahh…eh…gising ka na pala? Teka? Gising ka na pala pero hindi ka man lang nagsasalita? Tingin mo tama yan Ej? Eh kung may sakit ako sa puso at nagulat ako? San ako pupulutin?”

nagalit pa siya? Siya na nga tong nangangalkal ng closet ng may closet at may gana pa siyang magalit? Tinitigan ko siya ng masama pero di niya ko pinansin. Hinagis niya yung dress sa kama ko at dumiretcho sa pinto.


“Ligo na, masamang pinaghihintay ang mga bisita.”

Sabi niya sabay ngiti.

Bisita?


“Happy Birthday Bunso!”

sigaw ni Dexter na biglang binuksan yung pinto kaya tumama yung doorknob sa braso ni Claire. Uh oh… nakakaamoy ako ng away. Itinulak ni Claire yung pinto kaya naipit yung mukha ni Dex na tumawa lang. Payatot si  Cle kaya wala lang kay Dex yung pagipit niya. Minsan talaga solb na ko sa panonood pa lang dito sa kambal na to.


Oo nga pala, birthday ko nga pala. Naginvite pa nga pala ako. Bigla ko na lang naalala yung pagimbita ko kay Ryan kagabi. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko. Ano ba yan Eah Joy? Ang landi landi mo talaga.
Sabay na tumingin sakin sina Claire at sabay rin silang tumawa.


“O.M. kambal! Nikikilig si bunso oh!”

sigaw nung Kuya kong nagpapakabakla na naman.

Tumawa ako pero hinagis ko yung unan ko sa kanila. Mokong na to, ipagsigawan daw ba?


“Maligo ka na! Ang baho mo!”

Sigaw ni Claire kay Dexter na tawa pa rin ng tawa. Tumawa rin ako.


“Isa ka pa! Diba sabi ko maligo ka na?”

Sigaw ni Claire sakin. Napatigil kami ni Dexter at sabay na sumaludo sa kanya.


“MAM, YES MAM!!”

sabay kami ni Dexter na tumakbo palabas para magunahan sa banyo na nasa taas. May tub kasi dun, sa CR sa baba, shower lang. At isa pa, kung may bisita man sa baba, ayoko pang makita sila. Kaso nga lang, kahit pa runner ako sa Track & Field, may head start naman sakin si Dex kasi sa pinto lang siya galing, ako sa kama. Nauna siya at nilock niya agad yung pinto. Halos masira yung pinto sa kakahampas ko.


“DEXTER!!! AYOKONG MALIGO SA BABA! BUKSAN MO ‘TO!!! BIRTHDAY KO NGAYON!!!”

bigla na lang niyang binuksan yung pinto kaya na-out of balance ako at natumba. Buti na lang nasa harap ko siya kaya nasalo niya ko. Niyakap ako ni Dexter ng mahigpit at niyakap ko rin siya. Sweet talaga ng kuya ko.


“Happy birthday ulit bunso. Bat ang init mo? May sakit ka ba?”

Sabi niya. Lumabas siya ng banyo at pumasok naman ako. Ngumiti ako at sumagot sa kanya.


“Thanks Dex. Oks lang ako, lagnat laki lang to. Birthday ko kasi eh. Alam mo Dex, tama pala si Claire.”

Nagtaka siya sa sinabi ko kaya tinilt niya yung ulo niya sa side. I grinned and closed the door.


“OY EAH! ANONG TAMA SI CLAIRE?!”

sigaw niya. Tumawa ako and he pound harder at the door.


“TAMA SI CLAIRE! ANG BAHO MO! MALIGO KA!”

Sigaw ko. Huminto siya sa paghampas sa pinto. Ano naman kayang trip nito? Narinig kong bumaba siya ng hagdanan at umakyat rin after a few moments. Hindi ko na siya pinansin. Naligo ako at wala namang umistorbo sakin. Maya maya lang, narinig kong may naglalakad sa tapat ng pinto. Hindi pa rin naliligo si Dexter? Naalala kong naiwan ko yung towel ko sa kwarto kaya tinawag ko si Kuya.


“Dex! Pakuha naman ng towel ko oh.”

Sabi ko sa kanya. Hindi man lang siya sumagot. Maya maya lang, kumatok siya sa pinto.


“Pakisabit sa doorknob tapos talikod ka!”

utos ko sa kanya. Gumalaw yung doorknob at narinig kong naglakad siya palayo sa pinto. Bat kaya di siya nagsasalita? Naoffend ko ba siya? OA niya ah! Binuksan ko yung pinto pero sumilip lang ako. Kinuha ko muna yung towel bago ako sumilip sa kanya.


Natulala ako sa nakita ko. May lalaking nakatalikod na naka-Madhatter costume pero hindi si Dexter to. Nakatitig pa rin ako sa kanya kahit sigurado na ko kung sino tong taong to.


Maya maya lang eh nagsalita siya pero hindi siya humarap sakin.


“Uhm…Jay, pwede bang pumasok ka na sa CR? Medyo awkward kasi yung ganitong nakatitig ka lang.”

sabi niya sakin.


Shit.

I’ll kill Dexter.

Agad agad kong sinara yung pinto at nilock yung knob. Shit Dexter. Pano mo nagawa sakin to? Shit talaga. Bakit naman si Ryan pa yung pinatambay niya sa pinto ng CR?


Teka lang, may alam kaya si Dex? Alam kaya niyang crush ko si Ryan? Shit talaga. Naramdaman kong tumulo yung luha ko dahil sa sobrang panic. Shit. Anong gagawin ko? Pano ako lalabas ng naka-towel lang? Pano ko haharapin si Ryan?


Shit Eah! Magisip ka na! Hindi na ko makahinga sa tindi ng panic na nararamdaman ko. Narinig ata ni Ryan na humihikbi ako kaya bigla na lang siyang kumatok.


“Ejay? Ok ka lang ba? Wag ka mag-alala, bababa na ko, sinabihan lang ako ni Dexter na abutan ka ng towel.”

Sabi niya. Ryan naman, kilala ko si Dex. Malamang pa sa alamang eh tinakot ka niya gamit yung malaki niyang braso. Shit. I hate Dexter so much.

Narinig kong bumaba na si Ryan kaya agad naman akong sumilip para i-sure na coast is clear. Lumabas ako at tumakbo papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pinto at humiga sa kama ko. Ano ba ‘to? Ano bang nangyayari sa birthday ko? Nagbihis na ko at sinuot ko na yung Alice in Wonderland costume ko.


Mukha na naman akong zombified version ni Alice. Pero kung sabagay, araw araw naman akong mukhang zombie. Ang payat ko kasi at ang putla putla ko. Minsan lang ako matulog ng maaga kaya may dark circles ako around my eyes. Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Pwede na! Mapagtsatsagaan na.


Hindi pa rin maganda yung pakiramdam ko kaya uminom ako ng paracetamol. Ayokong magkasakit sa birthday ko. Lumabas ako ng bedroom at bumaba na ng hagdan. Hindi ko alam kung anong meron pero tumambad sakin yung iba’t ibang tao na nakasuot ng costumes from different fairytales. Eto ba yung theme ng party ko?


Sumilip ako sa wall clock at napansin kong 2pm na pala. Hala ka?! Parang kakagising ko lang ah? Ibig sabihin past 12 na ko nagising? Lumapit ako kay Claire na naka-red queen na costume. Pambihira, hanggang sa costume ba naman kontrabida tong si Cle? Niyakap niya ko at binati ng Happy Birthday. Mas natuwa pa sana ako sa kanya kung nagcostume sila ni Dex na kambal dun sa Alice in Wonderland. Mas tanggap ko pa yun.


Sumunod na lumapit sakin si Hannah na naka-snowhite na costume. Ang ganda talaga ni Hannah. Bagay na bagay sa kanya yung dress niya. Kasama niyang lumapit si Dexter na naka-prince charming costume. Niyakap niya ko at kinurot ko siya sa tagiliran.


“ARAAAY!! Bakit na naman Eah?”

sigaw niya. Tinitigan ko siya ng masama kaya tumawa siya. Kamoteng to, ang laki ng kasalanan nya sakin tapos magmamaang-maangan pa.
Sunod sunod na yung iba na lumapit at bumati sakin. Huling lumapit sina Mark at Ryan. Naramdaman ko agad na namumula na ko. Hindi ko alam kung dahil ba to sa masama yung pakiramdam ko o dahil sa fact na binantayan ako ni Ryan habang naliligo.


“Happy Birthday Eah!!!”

bati ni Mark na nagabot sakin ng regalo. Mamaya ko na lang bubuksan yun. Ipinatong ko yung paperbag sa ibabaw nung iba pang regalo para sakin. Tinitigan ko si Mark. Parang may mali. Bakit siya naka-costume ng pusa? Ano to? Cats Musicale?


“Sino ka dapat?”

tanong ko sa kanya. He beamed a smile, so wide, kita na gums niya. Ah alam ko na.


“Cheshire Cat.”

Sagot niya. I smiled at him at buong tapang na hinarap yung lalaking katabi niya. Hindi ko siya matignan ng diretcho kaya tumingin na lang ako sa leeg niya. Madhatter. Bagay na bagay sa ugali ni Ryan. Baliw rin kasi siya minsan.


Bigla na lang akong niyakap ni Mommy na naka-pocahontas costume. ‘Tong nanay ko rin eh, nakikisali sa mga bagets. As usual, naluha luha kami pareho. Minsan lang kasing nandito si Mommy, lagi na lang kasi siyang nadedestino sa iba’t ibang lugar. Buti na lang talaga at nakahanap kami ng magandang lugar dito sa Manila. At least hindi na kami magpapalipat lipat.


Lumipas yung birthday ko na punong puno ng tawanan at kantahan. Nagset up pa ng stage si Dexter sa gitna nung sala namin at iginilid yung sala set. Nasa gitna nung makeshift stage yung karaoke set at ang trono ko. Kinantahan ako ng lahat, sing and dance pa nga si Dex. Super duper saya talaga nung party! To the point na halos nakalimutan ko nang masama yung pakiramdam ko.


“Ladies and Gentlemen.”

Sabi ni Dex na tumayo sa gitna nung stage at nagpropose ng toast (juice lang po.)


“Para sa baby ng buhay namin, sana buksan na niya yung mga mata niya at sana mapansin na niya yung mga nagpapapansin sa kanya. Pero bunso, wag mo muna sila sasagutin hangga’t hindi ko pa sila nakikilatis ah?”

sabi niya. Namula agad ako. Ano bang pinagsasasabi nitong mokong na to? Kung sinu-sino na yung sumunod na nagsalita at sunod sunod na yung mga pangaasar nila sakin about suitors. Wala ngang nanliligaw sakin eh. After ng toast eh yung games. Grabe yung mga games, puro pambata.
Sa sobrang saya, na-drain yung energy ko. Umupo ako sa isang tabi hawak yung juice na kanina ko pa tina-try ubusin pero di ko magawa. Lumapit sakin si Ryan at pinilit kong ngumiti kahit na pagod na pagod na ako.


“Uminom ka na ba ng gamot?”

tanong niya. Tinignan ko yung relo ko. Past eight na. 2pm pa ko huling uminom ng gamot, lagpas na ng four hours. Tumayo ako para kumuha ng gamot pero bigla na lang akong nahilo at naout of balance. Napakapit ako kay Ryan na nagulat sakin. Shit, umikot bigla yung universe ko dun ah!


“Ok ka lang? Shit Ejay, ang init mo, may sakit ka ba?”

Naramdaman kong hinipo niya yung noo’t leeg ko. May sakit ba ko? Ang dami niyang tanong. Blurred na lahat ng nakikita ko at narinig ko na lang silang lahat na tumatawag sakin. Maya maya lang eh nag-black out na ko.
Nagising ako at langit ang una kong nakita. Blue sky. Pinilit kong umupo kahit nahihilo pa rin ako. Nakita ko siyang umupo rin sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito? He’s wearing his scrub suit na isinusuot lang niya kapag may surgery. Maya maya lang eh tumayo siya at nagsimulang tumakbo. Wait lang! Hintayin mo ko! Sandali lang! Papa!


Gumising ako ng tuluyan sa isang madilim na kwarto. I scanned the room at nakita ko si Ryan na natutulog sa sofa sa kwarto. Kwarto ko ba to? Hindi ko marecognize yung green sofa bed na hinihigaan niya. Nasan ako? Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko yung tube na nakakabit sa kamay ko. IV. Ano na naman kayang sakit ko ngayon? Pinilit ko yung sarili kong mabasa yung nakasulat dun sa bag nung IV at instead na mabasa ko, napansin kong yellow yung liquid sa bag. Hindi naman ako magaling sa medical terms pero alam kong platelets yun. Ano pa bang ginagamitan ng platelets? Ouch. Dengue lang naiisip ko.


Dumilat si Ryan at agad na lumapit sa kama ko. Hinawakan niya yung kamay ko at idinikit niya sa pisngi niya. Kelan pa siya naging ganito ka-sweet? Naramdaman ko na namang namumula ako. Buti na lang talaga medyo madilim sa kwarto.


Teka nga, bakit siya yung nagbabantay sakin? Bakit hindi sila Mommy? Bakit hindi si Dexter?


“How do you feel?”

tanong niya sakin.


“I feel…weird. Bakit ako nasa hospital?”

tanong ko rin sa kanya.


Hinatak niya yung isang monoblock at umupo sa tabi ko.

Bakit ba ganito tong taong to?

Oo, crush ko siya, pero hindi pa ko ready sa sweetness na ipinapakita niya.

For all I know, puppy love lang tong nararamdaman ko.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page