top of page

Chapter 1: Pet Names

​"So, you're...umm...a..."

Nerd?


Pano ko ba itatanong yun nang hindi siya naooffend? Sa sobrang tagal kong mag-isip ng word na hindi offensive, nagsimula na siyang manghula ng words.

 

"Senior? Yes, just like you, i'm a senior too."

Umiling ako to show him na hindi yun yung itatanong ko. He waited patiently habang tinuloy na namin ang paglalaro namin ng Monster Hunter Tri sa bagong Wii Speak ni Patrick.

"Cliff Hanger, flash bomb that stupid bird!!"

sigaw ni Neil dun sa plasma TV nila Pat. This game is really awesome. Di ka na mapapagod, di pa mapapanis yung laway mo kasi wala kang ibang gagawin kundi magsalita. Sumasagot din naman yung wii.

"Cliff Hanger threw flash bomb at Qurupeco. Qurupeco is temporarily blinded."

"Pause. Keira, di ka naman sumasali sa laro eh. Di ka ba nag-eenjoy?"

Tumingin siya sakin na para bang nakita na niya kong magenjoy sa buong buhay ko. Okay lang ba tong taong to? Nandito lang naman ako dahil sabi ni Pat na magbaby sit muna ako dito sa pinsan ni Shara the Prom Queen habang sila eh nagpapakasaya sa Star City dahil first monthsary nila. Kung hindi ko lang talaga pinagkakautangan ng malaki, literally, si Patrick Manongson, ay naku, malamang kanina ko pa iniwan tong Nerdfighter na 'to dito.

 

This isn't the first time na kailangan kong magbantay bata para kay Pat at Share the Prom Queen, maraming beses na rin nila akong ginanito. The first one, as I remember eh nung Prom pa mismo.

[Flashback]


"No!"

Yan lang ang sinabi ko kay Pat pagkasundong pagkasundo niya sakin. Prom night na prom night iiwan niya ko sa kamay ng nakakabobong nerd na yun? This isn't fair! This isn't humane!

"Please Keira! This is the only way para pumayag yung Nerdfighter na yun na sumama sa Prom! Parang awa mo na Keira! Eto na yung last chance ko! Baka sagutin na ko ni Shara tonight!"

Shara, Shara, puro na lang si Shara. Kulang na lang pagawan niya ng rebulto sa tapat ng bahay nila yung Shara niya. Kung hindi ko lang talaga bestfriend tong ugok na to. Naku! Talaga! Matagal ko na siguro tong sinumbong sa parents niya. Bawal pa kasi mag-girlfriend si Pat, bukod kasi sa strict ang parents niya at only child siya, eh jusmio naman, nagmumurang Poooootatoes and Fries naman kasi, ambabata pa namin kaya para diyan. Junior high school pa lang kami, ni hindi pa nga marunong gumawa ng sarili niyang assignment tong lalaking to eh.

 

Pero kahit na yung pagiging heartrob ni Pat ang dahilan kung bakit walang nakikipagkaibigan sakin buong highschool years namin, di ko pa rin maitatanggi na siya pa rin ang "The Best Friend"" ko.

"Fine. Pero just this once. At kailangan may kapalit."

Biglang naglighten up yung mukha niya. Kanina lang frustrated na frustrated na tong lalaking to, tapos tignan mo nga naman ang kaya kong gawin oh! Di ko na kailangang pag-isipan kung anong hihingin ko sa kanya. I just smiled at him dahil alam kong magegets niya agad.

Masakit man aminin, geek din ako in some ways. The internet is one of the best inventions of the huma population. This is where I met the band "The Turkish Delights". Well people usually mistook them for the band from Boston named "Turkish Delight" but the guys i loved is "THE Turkish Delights", with an "s".

"Well, Keira Manangan, I'm very happy to tell you that I already have something to bargain."

Nagliwanag ang mundo ko nang iabot sakin ni Pat yung ticket ng concert ng "The Turkish Delights" na gaganapin sa summer. This is really awesome. Now I can stop begging Mom para lang bigyan niya ko ng pampanood nito.

[End of Flashback]

And that is how this stupid baby sitting all started.

"Keira? Nakikinig ka ba? Keira. Keira. KEIRAAAAA!"

Sumigaw na nun si Neil kaya bigla akong napatalon sa upuan.

"Ano ba? Kailangan mo ba talagang sumigaw?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin! Ano ba kasing iniisip mo diyan ha? Nagpapaka-emo ka na naman."

Napanganga na naman ako sa sinabi nitong mokong na to. Emo? Ako? Nagpapatawa ba siya? Tawagin na niya kong outcast, tawagin na niya kong ermitanyo o zombie, wag na wag lang niya kong tatawaging emo.


"HAVE I EVER CRIED IN FRONT OF YOU, RANTING ABOUT HOW LIFE SUCKS AND HOW I WANTED TO DIE HUH?!"

Yep. Galit ako. Nagulat siya dahil sinigawan ko siya.

"No. Keira. I'm just...uhmm...nagbibiro lang ako Keira."


Biro? Biro ba tawag dun? Bat di ako natawa?

"Well it's not funny Nerdfighter!"

"What did you just call me?"

"NERD! You're one freakingly annoying NERD!"

Tumayo ako at nagmarch pa labas ng pinto nila Pat. Umupo ako sa swing sa labas ng bahay at dun muna nagstay. Narinig ko pa si Nerdfighter na tinatawag yung pangalan ko, pero i'm too awesome para lumingon sa nerdfighter na tulad niya.

Nickname lang namin kay Neil yung nerdfighter. He's a nerd, pero somehow, awesome din naman yung pagiging nerd niya. Bukod kasi sa ginagawa niya lagi yung mga assignment namin nila Pat, lagi rin kasi siyang may trivias para samin. I don't really consider him as a friend pero isa pa rin siya sa mga taong kinakausap ako. Maybe because pareho naman kaming outcast. Pareho kaming hindi importante sa mundong kinatatayuan namin.

Nakita ko nang naglalakad sila Patrick at Shara the Prom Queen (tawag lang namin sa kanya yun kasi meron pang limang babae sa class na Shara rin ang pangalan.).

"Where's nerdfighter?"


tanong ni Pat na hindi nagiisip. Nakalimutan na ba niyang katabi niya yung pinsan ni Neil? Hinampas siya ni Shara the Prom Queen at dumiretso na sa loob kung nasaan ang pinsan niya.

"This will be the last time na papabantayan mo sakin yang lalaking yan ah."

Kumamot lang sa batok si Pat at nag-facepalm lang ako. Maya maya lang, hinatak na ni Shara the Prom Queen palabas ng bahay si Neil the Nerdfighter na masama ang tingin sakin.

"Keira, may sasabihin daw sayo si Neil."

Di nagsalita yung mokong at nagcross arms lang siya sakin. Siniko siya sa tagiliran ni Shara the Prom Queen sabay bulong ng Magsosorry ka o hindi magpapatugtog ako ng malakas mamaya para di ka makapagbasa? You choose Neil.

Huminga ng malalim si Neil at hindi ko inaasahan na gagawin talaga niya.

"I'm really, really sorry that I called you emo."


sabi nung lalaking walang kasinse-sincerity sa katawan. Ni hindi man lang niya totohanin yung sorry niya. Pero ganun pa man, sinabi pa rin niya kaya magso-sorry na rin ako

"And I'm sorry that I called you Nerdfighter."

hinampas agad ako ni Pat sa braso nung narinig niya yun. Naniniwala kasi siya na pambubully yun kung tatawagin namin siyang nerdfighter sa harap niya. Para sakin naman, pampa-plastik yun kung hindi ko siya tatawaging nerdfighter sa harap niya.

"Okay lang sakin yun. I'm too awesome kaya compliment na sakin yang mga ganyang bagay."

Tinignan namin siya ng masama. Baliw na nga ang lakas pa mag-imagine.


"Ugh! Gosh, you make me sick!"


Tumayo na ko nun sa swing nila Pat at naglakad pauwi sa bahay namin which is sa kabilang bahay lang. Nakita ko pa silang nakatingin sakin hanggang sa pumasok ako ng bahay.


Hindi naman talaga ako naiinis kay nerdfighter, talagang mahina lang yung sikmura ko pagdating sa mga preskong tao. Lalo na yung mga taong wala namang naipagyayabang.


Maya maya lang, tumawag na sa cell ko si Pat. Ano na naman bang kailangan niya?


"WHAT NOW PAT?!"

sigaw ko dun sa phone. Di siya sumagot. Ano na namang trip nito? Huminga siya ng malalim sabay may nagsalita na hindi ko kilala.

"I am. Sincerely. Sorry."

sabi nung lalaki sa kabilang linya. Sino pa ba? I smiled and said,


"Drop it Nerdfighter."

"Yes Madamoiselle."

sagot nya with that hint of sarcasm in his voice. Kahit na binwisit ako nung lalaking yun, it still turned out to be a better day.


Because today, I gained a FRIEND.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page