top of page

Chapter 2: Amboy

[Nat’s POV]
 

After three boring hours, dumating na rin kami sa Keila Resort. Sobrang init! Ipinapasok na ni Kuya Earl yung gamit namin at nagmadali si Alie na pumunta sa mga kwarto namin. Ako naman, I went straight to the beach. Para sa kaalaman ng lahat, swimmer ako sa school namin. I won in Nationals. Wala lang, pinagyabang ko lang.


Everything really seemed familiar. Sabi nga nila Mommy, madalas daw kami dito nung bata pa kami, pero hindi ko talaga maalala yung mga times na yun.


“Nothing have changed no?”


Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Kanina pa kaya siya sa tabi ko? I looked at him and he is more familiar than I have expected.
Ngumiti siya at inabot yung kamay niya sakin.


“Kiel is the name. Nakalimutan mo na ba ako?”


Tinitigan ko siya ng mabuti.


“Magkalaro ba tayo dati?”


Tanong ko naman. Ngumiti siya ulit.


“Nakalimutan mo na nga siguro. Ako yung nilunod mo nung bata tayo.”
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Now I remember, mga 7 or 8 ata ako nun nung may tinakot akong bata at dinala siya sa malalim na part ng dagat. At dahil nga marunong ako lumangoy, iniwan ko siya dun. Hindi ko naman alam na hindi pala siya marunong lumangoy. Hello? Nakatira kaya siya sa resort. Tapos nakita ko na lang na nalulunod na siya. I panicked kaya sumigaw na lang ako instead na lumangoy para sagipin siya. Buti na lang may batang lumangoy para sagipin siya. Hinatak siya nung isang bata papunta sa buhangin at wala na siyang malay. Tinignan ako ng masama nung nagligtas sa kanya na mukhang Amboy. Hindi ako nakapagsorry sa kanya kasi wala nga siyang malay at yun na rin kasi yung huling beses na nagbakasyon kami dito. After 10 years, naalala niya pa yun.
“I guess naalala mo na yung ginawa mo nun?”


Ngumiti siya.


“I am really sorry bro, bata pa ko nun, hindi ko pa alam yung tama at mali. I’m so sorry bro. I’m Nat pala.”


Mukha namang ok na sa kanya yun.


“Wala na yun bro. Sinagip naman ako nun ni Felix."


Just as soon as marinig niya yung pangalan niya, lumapit agad yung lalaki (yung batang nagsave kay Kiel.) na nasa likod lang pala namin. Mukha talagang kano tong taong to.


Nung una, kinikilala niya pa ko and all of a sudden, tumawa siya.


“Oh my God Kiel! This is the kid! The one who tried to drown you long time ago!”


Tumawa si Felix at nakipag-kamay sakin.


Hindi ko gusto yung pagkakasabi niya. Bakit siya tumatawa? Nakakatawa ba yun?


“My name’s Felix, remember me? The one who saved Kiel that time. But if you didn’t cried like a baby, I won’t be able to notice him.”


Cried like a baby? Nakakairita na talaga tong lalaking to. Akala mo naman kung sinong matured. Bata pa kaya ako nun, malamang iiyak lang ako nun.


“I’m Nathaniel.  Umm…Kiel right? Pwede ko bang malaman kung na saan yung Main House?”


Buti naaalala ko pa yung tawag dun sa bahay kung saan kami laging natutulog. Ngumiti sila at sinamahan ako papasok ng main house. Nakita namin si Alie na ipinapakilala yung pusa niya dun sa babaeng kasama ni Ate Claire. Kapatid niya siguro yun kasi kamukha niya eh.


Pero I’m pretty sure na girlfriend siya ni Kiel kasi lumapit agad si Kiel sa kanya at hinalikan siya sa labi. Pinakilala niya si Kiel kay Alie at ako naman pinakilala ni Alie.


“Kuya ko nga pa lang sira ulo, si Nat. Kuya, si Ate Eah, kapatid ni Ate Claire.”


“How about me? Don’t you wanna introduce me?”

sabat naman ni Amboy sabay ngiti kay Alie.


“Alie, this is Felix, our family pet.”

Sabi naman ni Kiel.


Nagtawanan kaming lahat nun. Kaya lang parang type siya ni Alie.


“Hi Felix this is Mr. Bob, my cat.”

sabay lapit ng pusa niya sa mukha ni Felix. Sana hikain siya.


“Hi Mr. Bob the cat. I’m Felix the cat!”

ngiti naman nung kamote.


Kung makangiti naman si Alie, kilig na kilig. Lalo lang lumakas yung tawanan namin nung dumating si Kuya Earl na may kasamang lalaki na sumigaw ng

“Hoy Felix bakat! Late ka na sa swimming lessons mo!”

Nagtawanan kami. Sabi ni Eah, yun daw yung kakambal ni Ate Claire, si Dexter.


Natawa talaga ako nun. Hindi pala marunong lumangoy, akala mo kung sinong magaling, nag-aaral pa lang pala. Ako naman, umiral ang kayabangan.


“Gusto mo turuan kita lumangoy?”

tanong ko naman. Kaso nagtawanan silang lahat pwera lang samin ni Alie. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ngumiti lang si Amboy at tinapik yung ID niya na kanina pa pala nakasuot sa kanya.


“Actually Nat, I teach swimming. I don’t really think that I needed more training. I already won gold medals in the Olympics. But thanks for the offer.”


At napahiya na naman po si Nathaniel Perez.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page