Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 1: Bakasyonistas
[Nat’s POV]
Things happen for a reason. Wala namang bagay na walang paliwanag diba? Pero yung pagmamahal mo sa kapatid mo, yun ang mahirap ipaliwanag.
Ako si Nathaniel Perez. Isang mabuting anak, estudyante, kaibigan, mag-aaral at mabuting mamamayan ng bansa. Pero hindi ko alam kung mabuting kapatid ba ako kay Alie. Siya ang younger sister ko na sobrang pilya at sobrang cute. Mabait siya, masunurin at mapagpakumbaba, bukod pa dun, maganda din siya. Never nagka-problema ang Mommy at Daddy kay Alie, ako lang naman ang may problema eh. Wanna know what? In love ako sa kanya.
“KUYA!”
Sigaw ni Alie na gumising sakin ng sobrang aga. Tinignan ko yung alarm clock sa side table ko. 6am pa lang. Badtrip naman oh, 1am na ko nakatulog kaninang madaling araw sabay manggigising siya ng ganito ka-aga. Biglang sumulpot si Alie sa pinto ko.
“Ano pa bang hinihiga higa mo dyan? Aalis na sila Mommy, hindi ka pa ba babangon?”
Banas na ata siya sakin. Oo na, eto na, babangon na. Pero hinintay ko muna siyang lumabas bago ako tumayo sa kama. Naka-boxer lang kasi ako. Alam naman niyang ganun yung sitwasyon kaya umaalis na rin siya agad. Ngayon ang alis nila Mommy at Daddy papuntang Brazil. Mag se-second honeymoon kasi sila ngayong summer. Syempre, hindi kami pwedeng sumama kaya ipapadala kami ni Daddy sa Keila Resort. Yun yung Resort kung saan unang nagtrabaho si Daddy nung bata siya. Kababata niya kasi yung magkakapatid na may-ari nun. Maraming beses na daw kaming nakarating dun sabi ng parents namin pero bata pa kami nun kaya hindi namin maalala.
Bumaba ako para magb-bye kila Daddy.
“Nathaniel, ikaw ang kuya kaya alagaan mo yung kapatid mo, hintayin niyo si Kuya Earl niyo dito, teka, naka-empake na ba kayo?”
Tanong ni Mommy na halatang ayaw iwan yung dalawa niyang baby. Sobrang spoiled kami dito kay Mommy pero strikto si Daddy kaya balanced lang.
“Yes Mom, tapos na po, and yes Mom, aalagaan ko si Kuya.”
Yan ang sagot ni Alie na obviously eh nangungulit lang. Mom was referring to me naman nung nagbilin siya. Kinurot lang niya yung pisngi ni Alie at sumakay na sa kotse.
Nagflying kiss siya saming dalawa at sabay kaming sumigaw ng
“Have a safe trip po!”
After a few seconds, di na namin makita yung kotse kaya pumasok na kami. Amoy na amoy na yung niluluto ni Alie kaya tumakbo na siya. Perfect ang mga luto niya, sing perfect ng smile niya.
“Anong nginingiti mo diyan? Magready ka na ng plato!”
Natauhan ako bigla. Oo nga pala, pupunta sila Kuya Earl at yung wife niya na si Ate Claire. Newlyweds’ sila. Magkababata rin sila dun sa resort. Mama ni Kuya Earl yung may-ari ng Resort at sila ang naatasan na sumundo samin.
After a few minutes, may nag-doorbell na. Nag-unahan kami ni Alie sa pagbukas ng pinto. Of course, she won. Smile ni Alie ang unang tumambad sa kanila kaya napangiti din silang dalawa.
Kitang kita sa mukha nilang dalawa na excited din silang makasama kami ngayong summer. Inaya na namin sa loob yung dalawa at sabay sabay kaming nag-breakfast. Nang matapos na kami kumain lahat, tinitigan ko si Kuya Earl at tinanong yung matagal nang gumugulo sa utak ko.
“So Kuya Earl, ano ba talagang dahilan kung bakit kami kailangang magpunta sa Keila?”
Halata sa mukha nung tatlo na nagulat sila sa tanong ko, lalo na si Alie.
“I’ve been thinking about this for a long time. Si Mommy at Daddy yung tipo ng parents na hindi kayang iwan yung mga anak nila for selfish reasons. So aminin mo na, what’s the deal?”
I caught him off guard pero chill pa rin siya at ngumiti pa saming lahat. Uminom siya ng tubig at sinimulang iligpit yung pinagkainan namin.
Tumulong kami sa kanya and at the same time, naghihintay ng sagot sa tanong ko. Umupo na kami ulit at hinintay na magsalita si Kuya Earl.
“Ok. Tama ka Nat, set up lang talaga to para makumbinsi kayong sumama sa Keila. I’ve talked to your mother and told her all about the Keila Project.”
“Keila Project?”
sabay naming tanong ni Alie.
“Yes. Keila Project is my first assignment sa pagiging manager ng resort. The truth is, hindi lang naman talaga kami ang may-ari ng Keila. There are six founders of the resort and my goal is to reunite them. Of course, patay na yung anim na yun, including my Grandpa. Pero they have children who deserve to get royalties from the resort.”
Tinitigan ko lang siya.
“Anong kinalaman nun samin?”
tanong ni Alie.
“You’re Perez.”
He smiled.
“So? Don’t tell me na isa kami sa mga pamilyang sinasabi mo.”
Sabi ko.
“Yes, you are. Ano pa bang posibleng rason kung bakit kayo nagpupunta dun nung bata kayo? It is because you are one of the owners.”
Natulala na talaga ako sa kanila.
“Does that mean makakakilala kami ng cousins namin ngayong summer?”
masayang tanong ni Alie.
“Well… I hope so.”
Ngumiti siya at tumayo.
“So, ano na? Naka empake na ba kayo?”
Tumayo agad si Alie at masayang masayang tumakbo pataas para kunin yung mga gamit na dadalin namin. Ilang minuto lang, nasa kotse na ni Kuya Earl lahat at hinihintay na lang si Alie na nagkakandado ng pinto.
As usual, nakangiti siyang naglakad palapit samin buhat buhat yung obese niyang pusa.
“Bakit mo dadalin yan?”
tanong ko.
“Sabi ni Ate Claire okay lang eh! Wag ka na ngang epal dyan.”
Inis na inis talaga ako sa pusa niyang yun. Kain, tulog at jebs lang ginagawa niya.
Pero ngumiti na lang ako.
“This is going to be one heck of a vacation.”