top of page

Chapter 7: Big Mistake

[Abby’s POV]


Lahat na lang! Bakit ba Napaka nung babaeng yun? At feeling niya naman maniniwala pa kami sa pagsisinungaling niya?


Tumakbo agad ako papunta sa chapel sa school. This is the only place na may totoong nakakaintindi sakin.


“God, tulungan niyo naman ako oh, malaki yung tiwala ko sa inyo, kaya sana, tulungan niyo kong makuha yung mga gusto ko. Alam ko namang kaya ng powers mo yun eh. Inlababo na kasi talaga ako dun sa pinadala mo sa mundo ko. Hehe, alam mo na, di naman ako ganito sa iba eh, kaya sana, bigyan niyo ko ng sign kung dapat ko na ba sabihin kay Joshua ang totoo. Yung mga problema naming at yung nararamdaman ko para sa kanya. Gandahan niyo po yung sign ah?”


“Oi Abby, andito ka rin pala.”


Nagulat naman ako, agad agad na dininig ni God ang dasal ko. Heto na si Joshua na kakapasok lang sa pinto ng chapel.


“Ah..eh.. H-Hi Joshua.”

Nanginginig pa ko habang kinakawayan siya. Umupo siya sa tabi ko at napasimangot.


“Ok ka lang ba? Nanginginig ka ata? Tsaka parang namumula ka, may sakit ka ba?”


hinawakan niya yung noo ko. Omaygas!!! Hay nako Joshua, kung wala lang tayo sa Chapel sinunggaban na kita.


“P-parang wala naman eh, d-diba?”

nauutal utal kong sabi.


“Wala nga ata.”

Nagsmile siya ng nakakaloko. Ano ka ba Joshua? Hindi mo ba alam na murderous yang ngiti mong yan?


O////////O


Lumuhod na siya at pumikit. Pero unlike others na sinosolo yung mga idinadasal, kinausap niya ng malakas si God.


“Boss, andito na naman ako, pasensya na at kinukulit kita ah? Medyo nababagot kasi ako ngayon. Pero masaya pa rin naman ako kasi may bago akong mga kaibigan pero alam mo na, nakakamiss pa rin yung dati diba? Sana naman boss tulungan niyo ko sa sasalihan naming competition, mahalaga kasi sakin to eh, sana wag mo na hayaang magkasamaan ng loob yung mga kagrupo ko, para wala nang away.”


Dinilat ni Joshua yung isa niyang mata at tumingin sakin, tapos pumikit siya uli.


“Tsaka boss, pagpasensyahan mo na rin tong kasama ko ah, medyo na shock ata siya na kinakausap kita, pero boss, wag mo po siyang pababayaan ah? Kaibigan ko siya eh, mahalaga siya sakin. Salamat boss ah, sa uulitin.”


Tumayo na siya at tumingin sakin. Nakatulala lang ako sa kanya, mahalaga ako sa kanya? Totoo ba yun?


“Oh ano Abby? Di ka ba sasabay palabas?”

tanong niya.


Natauhan lang ako at tumayo, pero gulong gulo pa rin yung utak ko.


“Bakit ang tahimik mo ata ngayon Abby?”


“H-ha? Ako?"


“Malamang, may nakikita ka bang kasama natin na hindi ko nakikita?”


Tumawa lang ako, sira ulo din talaga tong si Joshua eh.


“Joshua."


“hmmm?”


“May gusto ka ba kay Jesica?”


Nagulat siya sa tanong ko. Kumunot yung noo niya pero di siya nagsalita. Nagpatuloy kaming maglakad pero pareho kaming tahimik.


“Weird.”

Sabi niya out of nowhere.


“Bakit naman weird?”

tanong ko ulit.


“Tinanong din sakin ni Jesica kung may gusto ako sayo.”


Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Alam na nga ni Jesica na may gusto ako kay Joshua. Ganun na ba ka-obvious? Pero bakit si Joshua di pa rin napapansin?


Tumingin lang ako sa kanya habang nag-iisip siya. Bakit ba ang gwapo mong nilalang ka ha?


“Bago ko sagutin yung tanong mo, may gusto muna akong malaman.”


Tumingin uli ako sa gwapo niyang mukha at tinanong siya kung ano.


“I wanna know what really happened last year.” 

Napangiti lang ako. Eto na ba talaga yun God? Ayos ka rin sa sign eh no?
Hinawakan ko sa kamay si Joshua at hinatak siya paupo sa isang bench. Mahabahabang kwentuhan to.


“I will tell you everything."


Unti unting bumalik sa utak ko yung mga pangyayari. Sinimulan kong ikwento sa kanya yung mga panahon na okay pa kami ni Jesica, nung bestfriends pa kami.


[Flashback]

“ABBY!!!”


Napalingon ako sa tawag ni Jesica, kakagaling lang kasi niya sa faculty room para sunduin yung teacher naming sa English.


“Oh, Jesica, bakit ka na naman nagsisisigaw dyan?”


Nginitian ko lang yung bestfriend kong excited na excited sa ibabalita niya saakin.


“Abby, may …sinabi…sa…akin…si…Miss…Ebreo…”


Hinihingal pa sya at pawis na pawis, pero nakangiti siya.


“Magre-retake tayo nung test sa Literature. Yung binagsak ng buong klase.”


Nagulat naman ako sa balita nya, hindi kasi kami makakapasa kapag hindi naming naipasa yung Literature na yun. Kaso nung nagtest kami, may kumalat na kodigo kaya hindi kami nakapasa lahat.


“Pano kung mangyari ulit yung sa last test?”


Nagdadalawang isip na ko. Pero nginitian lang niya ako at humawak siya sa balikat ako.


“Nakakalimutan mo na ba kung sino ang bestfriend mo?”


Si Jesica ang isa sa pinaka-friendly na taong nakilala ko. Magaling kasi siya mangumbinsi. Kaya after naming mag-usap, kinausap niya agad yung buong klase about sa balita niya.


“And I’m happy to tell you na pumayag na si Papa Chaim na i-tutor tayo para sa retake. Kaya sana lahat sumabay sa amin mamayang dismissal papunta sa bahay nila.”


Ngumiti si Jesica sakin at kumindat. Ang galing niya talaga mangumbinsi, kaya siya ang class president eh.


After dismissal, pumunta agad kami sa bahay nila Chaim at sabay sabay kaming nag-aral. May sariling library yung nerd sa bahay nila. Mayaman sila Chaim, anak kasi siya ng isang business tycoon at Napaka-talino rin niyang bata.


“Everyone, it’s a pleasure to teach every one of you. Masaya talaga ako’t ako ang pinili niya magtutor sa inyo, at least nai-share ko naman yung knowledge ko sa mga kaibigan ko. Galingan natin bukas. Alam kong makakapasa tayong lahat!”


Proud na proud si Chaim sa mga nagawa niya. ‘Tong lalaking to talaga, napakayabang.
Sabay sabay kaming umuwi, si Jesica na katabi ko lang ang bahay, saamin na nagdinner.


“Jesica, balita ko graduated na daw yung ate mo ah?”

tanong ni Mommy.


“Ay nako Ma, hindi lang basta graduate, Cum laude pa!”

pagyayabang ko naman. Ngumiti lang si Jesica at tinuloy yung pag-kain niya.


Matagal na kaming magbestfriend, simula pa bata kami lagi na kaming magkalaro. Wala nang parents sila Jesica, sila lang ng ate niya ang nakatira sa bahay nila, pero pinamahan sila ng bahay at pera sa bangko. Bukod pa yun sa trust fund niya na nagpapaaral sa kanya. Katulad namin, nasa middle class ding pamilya sila Jesica. Kaya naman na-afford niya mag-aral sa private school na tulad ng school namin.


“Uwi na ko Abby.”


Sabi ni Jesica habang nakaupo kami sa sala.


“Agad? Maaga pa ah.”

Sagot ko naman habang nakasimangot. Ganito lang naman pilitin si Jesica eh, malambot kasi ang puso niyan, lalo na sa bestfriend niya.


“Hahaha, wag mo na ko gamitan niya, gusto ko lang makapagreview pa, medyo parang kinakabahan pa ako para bukas eh.”


“Ano ka ba Jes, kayang kaya mo yun, ikaw pa? Eh ang hilig hilig mo nga mag-basa.”


Tinapik ko lang yung ulo niya.


“Pero kung gusto mo talaga, sige. Inaantok na rin naman ako eh. Napagod yung utak ko sa kakabasa kanina.”

Ngumiti ako sa kanya at hinatid ko na siya hanggang sa labas ng gate namin.


“Sabay na tayo pasok bukas ah?”

sabi niya.


“Opkors bess.”

Nagbeso ako sa kanya at pumasok na ako sa bahay namin. Tulad ng sinabi ko, natulog na ako ng maaga para makapasok agad.
Kinabukasan, start na ng test.


“Ok guys, alam kong kaya natin to, sabay sabay tayong nag-aral kaya wala na dapat gagawa ng milagro dyan ah?”


Tumawa lang silang lahat sa announcement ko. Pumasok na si Miss Ebreo at nagsimula na ang exam.


Tuwang tuwa ako dahil marami sa mga items, natake-up namin sa pagrereiew namin. Nasagutan ko lahat, tumingin agad ako kay Ma’am pero nagulat ako sa kanya.


Nakatingin kasi siya ng masama kay Jesica at nung tignan ko na si Jesica, nakita kong may sinasabi siya kay Angelika at  may hawak hawak siyang maliit na papel. Nagtaka naman ako. Para saan yun?


“Ano to?”

sigaw nung teacher ko na nasa tabi na pala nila at inagaw na yung papel. Gulat na gulat si Jesica. Ayoko na isipin kung anu man yung laman nung papel na yun. Ang gusto ko lang malaman ay kung kay Jesica nga ba yun.


“Ma’am”

yun lang ang naisagot niya.


“Gusto mo bang ako pa ang magsabi kung ano to? Miss Ramirez, kodigo ang tawag dito.”


Napatingin lang si Jesica sa sahig. Bakit niya pa kailangan ng kodigo? After namin mag review nagreview pa siya ulit eh.
And then it hit me.


“Hahaha, wag mo na ko gamitan niya, gusto ko lang makapagreview pa, medyo parang kinakabahan pa ako para bukas eh.”


Oo nga naman. Kaya siya umuwi agad ay dahil sa gagawa pa siya ng kodigo niya. Pero bakit pa? Ang dali dali lang ng test.


“Ikaw ba ang may-ari nito?”

tanong ng teacher ko na medyo huminahon na.


“h-hindi po ma’am.”

Sagot naman ni Jesica. Hindi ko alam kung kapanipaniwala o hindi pero ayoko ring isipin na siya ang gumawa nun.


“Then who? Miss Ramirez? Sino ang nagbigay sayo nito?”


Tumingin si Jesica kay Angelika na nakatingin lang sa test paper nya at di man lang tinignan si Jesica. Hindi siya sumagot kaya kinaladkad na siya ng teacher namin papunta sa Guidance Office.


Tumayo ako agad pagkalabas nila at ipinatong ko yung test paper ko sa table ni Ma’am. Walang nagsasalita sa buong klase. Alam naming lahat na trinaydor kami nung taong pinagkatiwalaan namin. Ayoko pa sanang maniwala kaya pumunta ako agad sa upuan ni Jesica kung nasaan yung test paper niya. Perfect yung answers niya. Kitang kita yung mga evidence na siya nga ang tinuturo. Pero bakit? Bakit kailangan niyang gawin sa amin yun? Alam naman niyang mahalaga sa aming makapasa dito.


“Angelika! Anong sinabi sayo ni Jesica? Anong pinag-usapan niyo kanina? Hindi naman totoo yun diba? Hindi totoong nagkodigo siya! Sabihin mo!”

galit na galit na ako pero umiyak lang si Angelika.


  “a-I’m s-sorry Abby. H-hindi ko siya napigilan.”

Yan ang sagot ni Angelika sakin. Hindi niya napigilan? Napigilan na ano? Mandaya?


“Wala kang kwentang kaibigan Angelika! Pareho lang kayo ni Jesica, magsama kayo, mga manloloko!”


Tumakbo na ako palabas at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko. Lahat ng nangyayari ay dahil sa pagtitiwala ko sa kanya. Pati pala ako kaya niyang lokohin. Ako na bestfriend niya simula pa nung ipinanganak kami.
Lumipas ang araw. Araw araw ding sinusubukan ni Jesica na kunin uli yung tiwala ko pero para saan pa? Para lokohin niya uli? Lagi niyang sinasabi na hindi siya ang may kasalanan, eh sino pa? Yung kodigo ba ang kusang gumawa sa sarili niya?


[End of Flahback]

“Natanggal sa pagiging president ng class si Jesica at pumalit si Chaim. Nakapasa kaming lahat dahil pinagbigyan ng Guidance si Jesica. And now, heto na nga ang sitwasyon.”


Tumutulo na ang luha ko pero hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa galit ko kay Jesica. Pakiramdam ko nahukay uli yung sugat na iniwan niya sa puso ko.


“Now answer me. Sinong mahal mo?”

tanong ko agad sa kanya.


“H-ha?”

sagot naman niya.


“Mahal kita Joshua! Sabihin mo sakin na mahal mo rin ako.”

Umiiyak na talaga ako.


“P-pero Abby… Bata pa tayo.”


“I don’t care!”


“Abby. I like you too pero as a friend. Mahal ko si Jesica.”


Parang nabingi ako sa sinabi niya sakin. Lalo lang tumulo yung luha sa mata ko. Tumakbo na ko palayo.


Narinig ko pa si Joshua na tinatawag ako pero hindi na ko lumingon. Tumakbo lang ako ng tumakbo, nakita ko pa si Chaim na hinabol ako pero hindi ko na rin siya pinansin, gusto ko lang mapag-isa.


Humanap ako ng lugar na malaya akong makakaiyak.

Pumunta ako sa park.


At dun na ako humagulgol.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page