top of page

Chapter 9: Bribery

[Abby's POV]

I came back to reality. Hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa paligid ko. I'm walking my way to our classroom nang makita ko si David.

"Abby! Buti na lang nandito ka na! May malaki tayong problema."

sabi nya.


Problema na naman? Lagi na lang problema ang hatid sakin ng mundong to.

"Ano na naman?"

Tanong ko sa kanya. Hindi na siya nagdamdam sa pagsusungit ko, instead hinatak niya ako papasok ng classroom namin kung saan nakapalibot yung classmates ko at umiiyak si Angelica sa gitna.

"Oh. Anong nangyari?"

tanong ko naman.

"May malaking kasalanan sating lahat si Angelica pero ayaw pa rin niyang sabihin samin kung ano yun."

sagot ni Erika.

Tumingin ako kay Angelica na iyak pa rin ng iyak. Punong puno na ko sa kadramahan ng mga taong to. Hindi ko na talaga kakayanin yung mga ka-emohan nila.

"PWEDE BA ANGELICA! TIGIL TIGILAN MO NGA YANG KADRAMAHAN MO DYAN! KUNG MAY KASALANAN KA, SABIHIN MO! PIPILITIN NAMING INTINDIHIN KA! SA TINGIN MO MASOSOLUSYONAN NATIN YAN SA GINAGAWA MO? PLEASE LANG! GROW UP NAMAN!"


Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Myca. Syempre, hindi naman namin siya madalas marinig na magsalita. Buti na lang nagsalita si Myca, baka kung ano pang nasabi ko kay Angelica.

"OK! ok...ok..."

sagot naman ni Angelica. Umupo na si Myca at inabangan namin si Angelica na magsalita.

"Disqualified na tayo sa contest."

sabi niya. Eh yun lang naman pala eh...wait...

"WHAT????"

sigaw naming lahat.

"At bakit naman tayo nadisqualify?"

tanong ni Chaim.

"I..."

humagulgol lang lalo si Angelica. Ano ba naman to, problema talaga. Pano na yung grades namin? Pano na lang lahat ng pinaghirapan naming praktisin.

"What happened Angelica? At bakit ikaw lang ang nakakaalam?"

tanong ko sa kanya.

"Natakot ako na baka hindi tayo manalo..."

sagot niya.

"OMG Angelica! Are you saying na binayaran mo yung judges?"

tanong naman ni Salve. Humagulgol lang si Angelica.

And that's the time that reality hits us all. Si Angelica na rich and famous, syempre, babayaran niya ang judges, syempre sisirain niya ang reputasyon naming lahat. Tahimik kaming lahat nung dumating si Jesica at Joshua. Badtrip and another badtrip is Badtrip squared. Lumapit sila slowly at halata mo sa mukha nilang wala silang kaalam alam. Palibhasa puro landian ang alam nilang gawin.


"What's wrong?"

tanong ni Jesica.

"Sinubukang bayaran ni Angelica yung Judges."

sabi ni Chaim.

"What?"

sigaw nung dalawa.

Tss. Akala mo kung sinong may pakielam.

"Kaya ngayon, disqualified na tayo sa competition! Kasalanan mo to lahat! Ikaw na wala namang ibang ginawa kundi ipagyabang yang kayamanan mo! San mo ngayon kukunin yung grades namin?"

sabi ko naman.

"I'm so sorry... natakot lang naman akong na baka matalo tayo."

sagot naman ni Angelica na tuloy tuloy lang sa pag-iyak. Too much drama. Agad agad naman siyang pinagtanggol ng isa pang expert sa pandaraya.

"Teka lang Abby. Wag mo namang sigawan si Angelica. Ginawa naman niya yun para sating lahat."

sabat niya. Minsan talaga napaka impokrita ng mga tao sa mundo.

"At bakit mo naman siya pinagtatanggol? Ay teka! Oo nga pala, pareho nga pala kayong sinungaling!! Pareho kayong walang kwenta!"

sigaw ko kay Jesica. Natulala siya.


"Tama na Abby."

awat ni Angelica.

"Oh ano? Hindi ka makapagsalita ngayon? That time, when you decided to break our friendship, tinanggap ko nang hindi ka magbabago."

 

Tumulo yung luha sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak rin ako. Alam kong ito na yung pinakahihintay kong pagkakataon, pero bakit ang hirap tanggapin?

 

"I've done everything that I could para lang maipaliwanag sayo yung pangyayari noon pero you chose to ignore me. At ngayon ginagawa mo naman sa ibang tao. Kailan ka ba magiging masaya? Hindi pa ba sapat sayong ginawa mo kong outcast? Hindi pa ba sapat sayong hindi na nila ako kinakausap? Bakit kailangan mo pang idamay yung ibang tao sa galit mo sakin? Nagbago ka na Abby! Hindi na ikaw yung bestfriend na nakasama ko noon simula pa pagkabata. Hindi ka pa rin ba masaya?"

umiyak siya at tuluyan nang umalis. Ako? Nagbago ba ako? Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin. Pinilit kong wag umiyak pero tumulo pa rin yung hinayupak na luha.

"Jesica don't go!"

Sigaw ni Angelica. Umiiyak siya ulit nung humarap siya sakin.

"I'm gonna follow her."


"At bakit mo naman gagawin yun?"

"Because I'm wrong and I should apologize! I cheated! Hindi si Jesica yung nagkodigo noon, ako yun! Nakita ako ni Jesica kaya sinabihan niya akong wag kong ituloy. Pero nakita sa kanya ni Ma'am yung kodigo ko kaya siya yung napagbintangan. Natakot ako. Ang sabi niya sakin wag akong aamin. All these years binibitbit ko yung guilt na yun. All these years pinagtakpan niya ako! Now you should not expect me to stay behind and let her suffer again. I'm not like you!."

 

She walked out. Umalis silang lahat bukod kay Chaim. He hugged me and cried with me. Ano bang nangyayari sa mundong to? Bakit ba nagkakaganito yung buhay ko?

I failed.

Sa lahat ng bagay.

"Nagbago ba talaga ako?"

tanong ko sa kanya.

"Abby. Alam mo kung anong kailangan mong gawin. Sana habang hindi pa huli ang lahat..."

bago pa matapos si Chaim sa sinasabi niya, tumakbo na ako papunta sa park. That's the only place na alam kong pinupuntahan ni Jesica.

Sana hindi pa huli ang lahat.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page