top of page

Chapter 8: Confessions

[Abby's POV]


Haliparot talaga yung malanding babaeng yun!


Anong meron siya na wala ako? Wala akong maisip na matinong rason kung bakit siya mamahalin ni Joshua. She betrayed me, she betrayed our friends, at ngayon ang lakas ng loob niya harutin yung lalaking gusto ko?


Haliparot na yun!


Badtrip na badtrip talaga ako sa kanya. Bakit ba lagi na lang siya? Ilang beses na talaga! Alam niyo ba yung feeling na may isang taong umaagaw ng lahat lahat sayo? Siya yun!


Lahat ng lang ng para sa akin!


Di naman ako iyakin eh, pero di ko na naiwasang mapaiyak uli.
Bakit si Jesica pa?


"Abby?"

sabi ng isang boses na kahit saan marerecognize ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

I asked him coldly. Di na ako tumingin sa kanya para hindi niya mahalatang umiiyak na naman ako.

Umupo siya sa tabi ko at tinanggal niya yung salamin niya. Pagkatapos ay tinapik niya ko sa likod. Balak niya ata icomfort ako pero medyo hindi gumagana.

"Ano bang ginagawa mo Mr. President? Bakit ka ba nandito?"

Tumingin ako ng masama kay Chaim. Pero as usual, di na siya nagulat na umiiyak na naman ako. Hinawakan lang niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha.

Sana si Chaim na lang ang minahal ko. Di man siya kasing gwapo ng ibang lalaki diyan, di hamak naman na mas matalino at mas mabait siya kaysa sa kanila. Kung si Chaim na lang sana ang minahal ko, edi sana hindi na ako nasasaktan ng ganito. Unti unti nang pumipikit yung mata ko. Unti unti nang napapagod ang katawan ko. Pagod na pagod na ko...


"Abby...ma-hughcdhegv"

Ano daw? Hindi ko na naintindihan yung sinabi niya. Natulog na lang ako.

[Chaim's POV]

"Abby, matagal ko nang gustong sabihin sayo to. Kaso lagi ka namang natutulog"

 

Sumandal siya sakin at humilik. Ay naku talaga, heto na naman kami, tinulugan na naman niya ako -_____________-

"Alam mo Abby, kung hindi lang talaga kita mahal, matagal na kitang nabatukan. Everytime na lang na ipagtatapat ko sayo yung feelings ko, lagi ka na lang natutulog. Ano bang dapat kong gawin para maramdaman mo? Ha? Sumagot ka nga?"

Hilik lang ang sinagot niya sakin. Magang-maga na yung mata niya kakaiyak. Kung ako na lang sana ang minahal niya, sana hindi siya nasasaktan. Tumayo ako at binuhat ko siya. Si Abby, na simula pa pagkabata namin eh prinotektahan ko. Si Abby, na kahit anong pagkakamali ang gawin ay napapatawad ko. Si Abby, ang prinsesa ko. Lumakad na ko papuntang Clinic para dun siya patulugin. Maraming nakatingin samin. Medyo nakakailang pero ok lang, para naman sa kanya eh.

"Good Afternoon Ms. Bayle."


sabi ko sa maliit na school nurse namin na nagbabasa habang nakaupo sa sofa. Wala namang pakielam sa mundo to. Ang gusto lang niya, di siya naaabala.

"Yes Mr. Crisostomo?"


iretableng tanong niya.

"Ahhmm.. iiwan ko po muna si Abby dito, nakatulog po kasi siya sa park"

Hiniga ko si Abby sa gourney na malapit sa pinto.

"Aalis na po ako."

Palabas na ako nung pinto nung narinig ko yung bulong ni Ms. Bayle.

"Mga batang to, ginagawang hotel yung Clinic"

Ngumiti na lang ako at lumabas ng clinic. Lumakad na ako pauwi. Sana maging ok na ang lahat.

[Jessica's POV]

*toootooot toootooot*

 

Ang aga aga, tunog ng tunog yung cellphone ko.

-_____________- antokis pa ko.

Kapag itong text na 'to hindi importante, isusumpa ko talaga tong kung sino mang nagtext na to. Tinignan ko yung oras

 

6:00 am
 

Takte talaga.

1 message received
"Papa Joshua"

Jessica, pumunta ka dito sa school. Important lang. Please.


Uh-oh. Ano na naman kayang importante?
Nagmadali akong magbihis at umalis ng bahay, pero pagkalabas ko pa lang may nang-gulat na sakin.



O____________O     what the heck is this??


Punong puno ng feathers yung parking spot ng bike ko. Pati yung daan papuntang school. At may nakalagay na note sa kadena ng bike ko.


"You are free."

What the heck ulit? Kinuha ko na lang yung bike ko at nagpunta na sa school. Tama ako, hanggang sa school may feathers pa rin. Ilang bibe kaya ang tinanggalan nila ng balahibo para lang dito? Bukod pa dun, may weird din na kurtina na paikot sa gitna ng parking lot. Pinark ko yung bike ko sa harap nung suspicious na kurtina at tinext si Joshua.

Asan ka na?

at nagreply naman siya agad.

Turn around.

Lumingon ako pero wala naman siya. Pero pagharap ko...   

O/////O

what is this?

Nawala na yung suspicious na kurtina at may naka-set up na stage at instruments. May mga tao ring hindi ko kilala. At sa likod nilang lahat ay ang taong pinaka nagpapakilig sakin...

si Joshua.

"When you try your best but you don't succeed
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can't sleep
Stuck in reverse

And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse?

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

And high up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Tears stream down your face
When you lose something you cannot replace
Tears stream down your face
And I

Tears stream down your face
I promise you I will learn from my mistakes
Tears stream down your face
And I

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you"







O///////O grabe na to. Sobrang kinikilig na ko. Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako sa kanya.
Naririnig ko yung ring tone ko na tumutunog.
May tumatawag, pero who cares? Sabi nga ng ringtone ko..


"It's True Love."


Lumapit siya sakin.

"Jessica. I want you to know how much you mean to me. Kaya ginawa ko ang lahat ng kaya ko. I sang from the top of my lungs, I break every rule that my Father gave me, and I even brought these angels here with me... everything, just for you."

O//////O
hindi pa rin nagbabago yung expression ng mukha ko.

tumutugtog pa rin sa utak ko yung

"It's True Love"

ng Forgive Durden.


"Jessica, I want you to meet my friends.. Sealtiel, Raphael, Jehu, Barachiel, Michael and Uriel."

kumaway sila sakin habang isa isa silang pinakilala ni Joshua.

7 Archangel.

"so... you are... Gabriel?"

ngumiti siya at tumango.

"Parang ganun na nga."

Hindi ko siya naiintindihan pero I don't care, kinikilig ako eh!! Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming umalis ng school leaving everything and everyone behind us. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano pero sa mga oras na to, isa lang ang sigurado ako. I don't care kung sino pang tao ang masasaktan nang dahil dito. Basta alam kong

mahal ko si Joshua.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page