Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Last Chapter: Doctor, Doctor
[Nat’s POV]
I open my eyes, I try to see but I’m blinded by the white light. I can’t remember how, I can’t remember why I’m lying here tonight. No, I can’t stand the pain. And I can’t make it go away.
Lyrics lang ng “Untitled” yung naisip kong way para idescribe yung paggising ko. I am aware na nasagasaan ako. I am aware na nacomatose ako. I am aware na hindi ako iniwan ni Alie since the accident. I am aware na mahal niya ako.
Nanlaki yung lumuluha niyang mga mata at alam kong hindi dahil nagulat ko siya. Kundi dahil masaya siya’t ito na yung araw na pinakahihintay niya. Yung araw na gigising ako. Eto rin naman kasi yung araw na pinakahihintay ko, yung araw na inamin niya na mahal niya ako. Simula pa noon, nung mga panahon na hindi pwedeng maging kami dahil magkapatid kami.
Sandali lang ay dumating na yung tatlong doktor. Isang kamukha ni Felix, isang kamukha ni Dexter at isang batang doktor na walang kamukha.
Kasunod nila sina Earl at Casey, yung babaeng nakabangga sakin.
Kumaway ako kay Earl kahit na medyo masakit pa kapag ginalaw.
Chineck up lang naman ako nung mga doktor. Si Earl naman, umuwi ng Keila para magpaready ng Homecoming Party para sakin. Medyo wala ring pakielam sa pera ‘tong si Earl eh. Nung umalis na siya, hindi ko na napigilan sa pagkwento si Alie.
Nakangiti lang ako habang kwento sya ng kwento tungkol sa mga nangyari habang tulog ako. Halo halong emosyon yung nakita ko habang nagkukwento siya. Masaya, malungkot, galit, nandidiri, asiwa, nagulat, takot, at marami pang iba. Eto si Alie na kilala ko. Bibo, masayahin at madaldal.
“At alam mo ba kung anong pinaka-nakakatawa sa lahat?”
tanong niya sakin. Umiling ako at ngumiti naman siya.
“Hindi makalapit si Felix kay Casey dahil may TRO na sinampa si Casey against sa kanya. Grabe tawa ako ng tawa nung nalaman ko yun.”
Tumawa siya ng malakas pero huminto rin siya agad nung nakita niyang hindi ako natatawa.
“Ay syempre joke lang yun, magagawa ko pa bang tumawa nun?”
sumimangot siya bigla at tumawa naman ako. Sira ulong ‘to.
Ngumiti siya nung ginulo ko yung buhok niya. Grabe namiss ko ‘to. Buong summer kaming hindi nagpansinan. Feeling ko tuloy ilang taon na simula nung naging sweet kami.
“Ay naku, kung alam mo lang kung gaano kita namiss Nat.”
Napahinto kami pareho. I cocked my head on the side at napapikit siya at napailing.
“No more Kuya?”
tanong ko.
“I’m an only child.”
Sagot niya sabay dila sakin. Pasaway na bata.
“Alam mo bang hindi tayo magka anu-ano? Kaya hindi kita Kuya.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun? Aba ok lang yun sakin.
May naalala siguro siya dahil bigla na lang siyang namula. Siguro naalala niya yung pag-amin niya sakin. Hindi niya alam na narinig ko yun.
“Alam mo Alie, nabasa ko dati na yung mga comatosed daw, nakakarinig daw sila kahit na wala silang malay.”
Pangaasar ko sa kanya. Nanlaki yung mata niya at napailing ulit siya.
“No, no no no.”
sabi niya habang umiiling siya. Nasaktan ako. Ano yun? Ayaw niyang aminin sakin? Ngumiti ako at itinuloy yung pangaasar sa kanya.
“Yes, it’s true, infact, may mga naaalala akong mga paguusap.”
Namula siya lalo sa mga sinabi ko.
“What do you remember?”
tanong niya. Aba’t nanghamon pa talaga?
“Felix visited 4 days after the accident.”
I smiled, she turn red. Red’s a good color.
“Mom and Dad asked you to go home a week after the accident.”
Sumimangot ako.
“And you didn’t eat anything since that Sunday night.”
She looked guilty.
“Pwede ba Nat? Sino ba makakakain kung nakasaksi ka ng…ng… hit-and-run?”
“Hindi tumakbo si Casey. Siya pa nga ang nagsugod sakin dito.”
Sumimangot ako.
“At isa pa Alie, may naalala akong sinabi mo sakin.”
Nagpanggap akong may inaalala. Pero sa totoo lang, kabisado ko pa yung mga sinabi niya sakin. Feeling ko tuloy nagblush ako sa pag-alala.
“Something like…”
hinintay kong siya mismo ang magsabi.
“I love you.”
Sabi niya. Namumula pa siya.
“I love you too.”
Sagot ko sa kanya. Nagulat siya at napayakap bigla sakin.
“OUCH!”
kumirot yung ribs ko. Hindi pa rin talaga magaling.
“Oh my God, I’m sorry Nat.”
sagot niya habang hawak yung buhok ko sa batok. All of a sudden, parang may nagtulak lang, I kissed her. And she kissed me too.
Our first kiss. No regrets. No incest. No crime. Ngumiti siya sakin. The best smile that I have ever seen.
“I want to sleep Alie.”
Bulong ko sa kanya. Nanlaki na naman yung mata nya at nangingilid yung luha niya.
“But..”
“But what?”
“Kakagising mo lang eh.”
“Ano naman?”
“Hindi ko alam kung kelan ka ulit gigising.”
Sumimangot siya at hinalikan ko siya sa noo.
“Gigising ako bukas ng umaga. Promise ko yan sayo.”
In doubt pa rin siya pero hinayaan na nya akong makatulog.
After two days, pinayagan na ko ni Dr. Lopez na umuwi. At sa tindi ng pangongonsensya ni Alie, napilit na rin niya sina Tito Uma at Tito Dan na bumalik sa Keila. Pero sabi nila, maghintay lang daw kami dahil aayusin pa nila yung pagtransfer nila mula Tagaytay. Walang nakakaalam kung anong mangyayari, walang nakakaalam kung tatanggapin ba sila nina Tita Emma at Tita Maricar.
Palabas na kami ng ospital nun nang makita namin yung sundo namin. Si Ryan/Sales Supervisor/Kidnapper/Driver ay natulala sa isang tabi. Sinilip namin ni Alie kung anong sinisilip nya.
Ano ba ‘to Lord? Balak mo bang gumawa ng big happy family dito sa Keila? Sa di kalayuan, nakita naming magkausap si Casey at Kaye. Kung bakit ay hindi namin alam. Kung sinong tinititigan ni Ryan, aba, malay ko ba. Pasalamat na lang ako na hindi na ko tititig sa malayo para lang makita yung mahal ko. Instantly, nagkatinginan kami ni Alie, pareho kaya kami ng iniisip?
She smiled and held my left arm. Lumapit kami kay Ryan na nagulat pa nung nakita kaming parating na.
“Seriously Ryan, ano ba talagang job description mo?”
natawa ako sa tanong ni Alie. Inaabangan namin yung sagot niya. Ngumiti lang si Ryan at inistart na niya yung kotse.
“It would probably take years to describe.”
Sabi niya. Ngumiti kami at sumandal na si Alie sa balikat ko.
Napansin kong medyo malungkot siya. Ano na naman kayang problema nya? Hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi para itapat sa mukha ko yung mukha niya.
“What’s wrong?”
tanong ko. Iniwas niya yung tingin niya at sabay kaming napatingin kay Ryan. Poker face lang siya.
“Hindi ko alam kung anong plano nila Mommy. Alam ba nilang mahal natin ang isa’t isa? Pagkatapos nilang aminin sakin na ampon lang ako, titira pa ba ko kasama mo? I mean, ampon nga lang ako pero legally, were siblings. Hindi na nga ba incest yun?”
Sa sobrang dami ng sinabi niya, hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Pero unlike me, mukhang mas maraming masasabi si Ryan na tumatawa ng tumatawa.
“What are you talking about Alie? Hindi niyo pa rin ba alam?”
sabi niya habang tumatawa. Maya maya lang ay nasa Keila na kami. Bumaba kami at tawa pa rin ng tawa si Ryan. Sumalubong samin si Felix na tinaasan lang ng kilay si Ryan. Iniisip siguro niya nakadrugs yung bestfriend niya.
“What did you do to Ryan?”
tanong niya saming dalawa ni Alie. Di pa man kami nakakasagot, niyakap na ako ni Felix.
“Welcome home Nat. Everybody missed you.”
Bati niya sakin. Ngumiti siya kay Alie at niyakap niya rin to. Medyo awkward sila. Alam ko namang may feelings pa rin si Felix para sa kanya, kaya nga lang, magpipinsan kami. Alam ko namang nirerespeto ni Felix yun.
“Welcome home too Alie, have you paid your rent at the hospital?”
tumatawa siya habang hinahampas siya ni Alie. At least they’re friends.
Sabay sabay kaming pumasok sa main house kung saan maraming balloons ang nakasabit. Ano to? Children’s party? Dun ko lang napansin nan aka shorts at suspenders tong si Felix. Sinuot niya yung hawak niyang nerdy glasses at inayos yung buhok niya. Then it hit me. Tumingin agad ako sa date sa relo ko. Shit! May 28 ngayon. Birthday ni Alie.
Children’s Party ang theme ng birthday niya taon taon dahil simula pa nung bata pa kami, everytime na magbi-birthday siya, sinasabi niyang hindi pa siya nagkakaron ng children’s party ever. Kaya ayun, sapilitan ang paghahanda.
Halata sa mukha ni Alie ang excitement. Nafigure out na rin siguro niya. She looked so nice. Sa pagkakatanda ko, this is Alie’s 18th birthday. Debut na niya. Hindi na child abuse. Pero kung sa bagay, as if I care.
Kumapit ako sa bewang niya at sabay kaming pumasok sa event’s hall.
Kurtina lang ang tumambad samin. After a few second of contemplating kung bubuksan pa ba namin yung kurtina, hinatak bigla ni Kaye si Alie. Sa kanan naman ay hinatak ako ni Claire. Bago tuluyang sumama kay Claire eh lumingon pa ako saglit kay Alie. Tuluyan na siyang nawala. Ano ba yan? Ang epal naman kasi eh.
“Err..Claire, saan tayo pupunta?”
lumingon siya sakin at ngumiti.
“Gagawin kitang beast.”
Sagot niya sakin. Ano daw? Bat niya ko gagawing beast?
Hinatak niya ako hanggang sa makarating sa kwarto ni Dexter kung saan nagbibihis sila Felix at Ryan ng costume na identical. Pareho silang Prince.
Maya maya lang, lumabas ng CR si Dexter na nakapang prinsipe rin na costume. Anong trip to? Hinagis sakin ni Dexter yung costume na susuotin ko. Of course, prince din. Pare-pareho kami ng suot. Habang nagbibihis ako, dumating sila Earl at Kiel na pareho ring naka pang prince na damit.
“Anong trip to?”
sa wakas nagkalakas na ko ng loob para magtanong. Tumingin silang lahat sakin. Ngumiti na parang bata si Claire.
“Si Eah ang nakaisip nito. Once nan aka-maskara na kayo, mahirap na kayong ma-identify. And the game works this way, gagamit kayo ng iisang pabango. Isa isa kayong aamuyin ni Alie at kailangan mahanap ka niya”
Mga kalokohan talaga ni Eah oh.
“Where are the masks?”
tanong ni Felix.
Lumapit si Eah na galing sa walk-in closet ni Dexter. May bitbit siyang anim na mask ni Beast sa Beauty and the Beast.
Kaya pala gagawin daw akong beast. -_________- Korny.
Kumuha ako ng mask at pinayagan na nila akong silipin yung event’s room. Sobrang colorful nung buong kwarto. Sa di kalayuan, nakita ko sila Tita Emma at Mommy na nagtatawanan habang nagaayos ng mga table. Onti lang yung table kaya malamang onti lang yung pupunta.
Di nagtagal eh nasa likod ko na sina Earl. Inabutan niya ako ng tatlong rose. Para kaya to sa 18 roses?
“Let’s go?”
tanong niya sakin. Tumango ako at isinuot na namin yung mga mask naming beast at umupo na kami sa mga stool sa stage.
Maya maya lang ay napuno na yung event’s room. Puno ng mga taong naka Disney na costume. Kita mo nga naman oh, marami pa palang tao na pumapatol sa mga ganitong trip. Maya maya lang eh narinig na namin si Hannah at Kaye na emcee pala.
“Ladies and Gentlemen, Oldies and Youngsters, let us welcome, our debutante, Nathalie Perez!”
She walked up the stairs. Pakiramdam ko bumaba yung araw dito sa stage. Ano ba’to? Naiinlove na naman ako sa taong mahal na mahal ko na.
Nakadilaw na gown si Belle, este Alie pala. Kamukhang kamukha niya si Belle. Nakakahiya mang sabihin, Beauty and the Beast ang paborito naming panoorin nung bata pa kami. Paborito niya dahil babae siya at paborito naman niya lahat ng fairytales. Paborito ko kasi crush ko si Belle.
Lumapit siya sakin, este samin pala. Mukha namang naipaliwanag na sa kanya kung anong gagawin pero ipinaliwanag muna ni Hannah yung game. Hindi inaalis ni Alie yung tingin niya sakin. Flattered ako na kahit pa anim kaming mukhang bakulaw eh nakilala pa rin niya ako.
Nagsimula na si Alie sa pag-amoy. Nasa dulo ako ng pila kaya inamoy muna niya yung lima bago siya makarating sakin. Inamoy niya ko KUNWARI. Pero binulungan niya lang talaga ako.
“Boom.”
Bulong niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Lumayo siya sakin. Humarap siya sa guests niya at nag thank you sa mga nakarating.
“Kaya friends, kahit na bigyan niyo ko ng anim na bakulaw sa harapan ko, makikilala ko pa rin yung bakulaw ko.”
Sabi niya. Ngingiti na sana ako kaso itinuro nya si Ryan.
“Para sa mga single dyan, this bakulaw is Ryan.”
Lumapit sa kanya si Ryan at sabay silang nag-bow. Inabot ni Ryan yung tatlong rose na binigay ni Earl.
Kumunot yung noo ni Alie. Ngumiti lang si Ryan.
“Three for I ADMIRE YOU.”
Sabi niya. Mambobola rin tong payatot na ‘to eh. Ganun pa man, napangiti naman niya si Alie. Nagsayaw sila at sumunod na lumapit si Kiel.
“Hi Kiel. Sorry girls, this bakulaw is taken.”
Nagtawanan yung mga tao. Ang galing talagang maghost ni Alie. Inabot niya yung roses at nagsalita.
“Three for YOU’RE MY IDOL.”
sumayaw sila at sumunod na tumayo si Dexter.
“Hi Dex.”
Ngumiti sila sa isa’t isa.
“Three for ANG KORNY NITO.”
Nagtawanan lahat ng mga bisita. Loko talaga tong si Dexter. Tumawa si Alie at nagsayaw na sila. Sumunod na tumayo si Earl at umupo naman si Dexter.
“Earl.”
Sabi ni Alie. Halatang galit pa rin siya kay Earl dahil sa pagtatago nito ng mga bagay bagay about sa pagkatao ni Alie. Pero hindi naman niya masisisi si Earl, kahit naman ako ganun din gagawin ko. Inabot ni Earl yung tatlong bulaklak.
“Three for PLEASE FORGIVE ME.”
Sabi ni Earl. Yun naman pala eh. Yumakap si Alie kay Earl at napangiti na ang loko. Nagsayaw sila ng medyo matagal sa inaasahan ko. Dun ko lang napansin na kumakaway si Eah kay Felix mula sa backstage. Bakit kaya? Tumingin ako kay Amboy na seryoso pa rin yung mukha. Ayaw niyang isayaw si Alie?
Natapos yung kanta at umupo na si Earl. Tumingin na ang lahat kay Felix pero hindi pa rin siya tumatayo. Kinalabit ko siya at tumingin siya sakin. Dun ko nakita na sa likod ng maskara nya, umiiyak siya. Parang dinudurog yung puso ko. Yung mayabang at antipatikong Amboy na to ay umiiyak rin pala.
Lumapit na sa kanya si Alie at hinatak siya papunta sa gitna ng stage. Tulala pa rin si Felix habang hawak ni Alie yung kamay niya. Ngumiti si Alie sa kanya at napangiti na rin si Felix. Hay sa wakas. Akala ko habangbuhay nang statue si Amboy dun eh.
“Welcome back to Earth Felix.”
Sabi ni Alie. Ngumiti lang na parang sira si Amboy at inabot yung flowers.
“Three for…”
Mukhang lost for words si Felix. Sana ayusin niya yung sasabihin niya.
“Three for THANKS FOR EVERYTHING.”
Napangiti si Alie at niyakap niya ng mahigpit si Felix. Sumayaw sila ng sumayaw, parang ayoko na silang patapusin. Umupo na si Felix pero parang ayoko pa ring tumayo. Ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ni Felix. Ano bang dapat kong sabihin? Tinaasan ako ng kilay ni Alie. Mukhang sawang sawa na siya sa kaartehan namin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Ngumiti din siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko. Agad kong inabot sa kanya yung three roses. Three for what?
“Three for…”
“Three for what?”
Tanong niya. Humawak ako sa dibdib ko.
“Three for STAY HERE FOREVER.”
Ngumiti na naman siya at nagsayaw na kami.
“I will Nat. Because I’ll love you forever.”
The End.