Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 1: First Love
[Ryan’s POV]
Sabi nga nila, first love never dies. Pero pano kung hindi talaga kayo para sa isa’t isa? Pano kung alam mong may ibang tao na para sa kanya? Hindi mo pa rin ba pipilitin yung sarili mong kalimutan siya?
Hindi lahat ng lovestory may “happy ending”. Yung ibang kwento, sadyang nagtatapos sa iyakan para magbigay daan sa susunod na kwento. Itong love story na ‘to ay nagaganap sa panahong wala pa tayong masyadong alam sa love kaya hindi natin alam kung pano tayo dapat kumilos. We call this “first love”. Eto yung love story na hindi natuloy dahil sa katotohanang hindi kayo ang meant to be.
Three years ago, nasa Manila pa ako nun, nagaaral ako sa North Horizon Academy. Isang exclusive school para sa mga talented teens. Dito sa lugar na ‘to, nakilala ko ang first love ko.
[Three years ago…]
Dahan dahan kong hinila yung lubid at dahan dahan ring tumaas yung bandila ng Pilipinas. First Monday at first day of class rin ngayon, time for a Flag Ceremony. Tulad pa rin ng dati, kaming dalawa ni Mark ang taga-taas ng bandila habang kumakanta ang buong school ng Lupang Hinirang. Sanay na kami ng ganito, simula pa freshmen year namin eh lagi naman kaming taga-taas ng bandila. Huminto na ang kanta at nagsimula naman ang North Horizon Academy Hymn. Umakyat ng stage yung Glee Club at kumanta na sila. Tulad pa rin ng dati, tahimik kaming nakinig ni Mark sa isang tabi.
Si Mark Garcia nga pala ang best friend ko. Matangkad siya at medium built. Di hamak na mas malaki kesa sakin. Hindi naman sa bulky siya, patpatin lang talaga ako. Tumingin siya sakin at tumingin rin ako sa kanya. Ano na naman kayang naiisip niya? Siya kasi yung tipo ng tao na tahimik lang sa umpisa, pero kapag may naisip na kalokohan yan, naku, maghanda ka nang mainis.
Natapos na ang Flag Ceremony at nagstart nang magpunta sa kanya kanyang classrooms ang mga estudyante. Junior na ako kaya alam ko na kung saan ko hahanapin yung classroom ko. Lagi naman yung naka-post sa covered court: name, section and classroom. Typical hot day at wala masyadong bago sa NHA. Naglalakad kami ni Mark papunta sa covered court kung saan nagkakagulo ang mga estudyante. As usual, wala ngang bago eh.
“2-A ako!”
sigaw nung isang matabang babae dun sa isa pang babae na nakaupo sa bleachers. Iba’t ibang sections ang narinig naming sinisigaw.
“3-B tayo Ry!”
sigaw sakin ni Mark na kanina pa pala nakasingit sa mga nagkakagulong tao dun. Kahit kelan talaga madiskarte tong taong to eh. Buti na lang classmate ko siya ulit this year. Simula pa kasi Elementary magkaklase na kami, sana magtuloy tuloy na hanggang next year.
“Ryan?”
Napalingon ako at nakita ko si Jay. Si Ej. Si Ejay. Si Eah. Si Eah Joy Mendoza. Well, I prefer to call her Jay. Kahit ano pang itawag ko sa kanya, bumabagay lahat sa ganda niya. Anong gagawin ko? Naramdaman kong umakyat yung dugo sa pisngi ko. Siya lang naman kasi yung first love ko. Ang kaisa isang babaeng pinangarap ko. Kaisa isang babaeng ginusto kong makasama simula pa nung nagkakilala kami. Mala-anghel yung ngiti niya. Sing-puti ng papel yung balat niya. Lahat ng bagay nagmumukhang pangit kapag tinabi mo sa kanya. Yan ang Jay ko.
“Ah…eh…ahm…Jay…hi?”
nauutal utal talaga ako habang kaharap ko siya. Pesteng kaba ‘to, inunahan mo na naman ako. Ngumiti siya at nag-hi rin sakin.
“Uhm…Ryan, nakita mo ba si Mark?”
hindi pa naprocess agad ng utak ko yung tanong niya kaya nakatitig lang ako sa kanya. Nung kumunot yung noo niya, tsaka ko lang naisip na may tinatanong pala siya.
“Si…uhm…si Mark?”
Bakit niya hinahanap si Mark? Hindi naman ako lost and found ah? Tsaka anong meron si Mark na wala ako? Bakit hindi ako ang hinahanap niya? Lumingon ako sa likod ko at nakita kong palapit na samin si Mark. Tumingin din sa kanya si Jay at nagsmile naman agad yung loko. Traydor ka Mark! Bakit mo nginingitian si Jay ko? Pero kung sabagay, kahit na bestfriend ko si Mark eh wala naman siyang alam tungkol sa nararamdaman ko para kay Jay.
Ngumiti sakin si Jay sabay sabing
“Never mind.”
Naglakad siya palayo sakin at palapit naman kay Mark. Anong meron? Anong hindi ko alam? All of a sudden, close na silang dalawa. Hindi naman sila close last year ah? Anong nangyari nung summer na hindi ko alam?
Nagusap sila sandali at lumapit na rin sila sakin.
“Magka-kaklase naman pala tayong tatlo ngayon eh.”
Sabi ni Mark. Nagulat naman ako. Si Jay? Classmate ko? Himala! Napakagandang himala!
Ngumiti ako dahil wala na kong ibang alam na expression lalo na kapag kaharap si Jay. Naglakad kami paakyat ng JL Bldg. kung saan lahat ng third year ay nagru-room. Hindi pa rin maalis sa mukha ko yung nakakalokong ngiti. Si Jay kasi eh, nagpakita pa, mukha tuloy akong baliw.
“Enjoying something? Share mo naman.”
Bulong sakin ni Mark na nasa pagitan namin ni Jay. Kahit kailan talaga panira tong mokong na to eh. Feeling naman niya sasabihin ko sa kanya? Dumila lang ako sabay bilis ng paglakad. Nakarating na ko sa JL 401. Lumingon ako dun sa dalawa na nageenjoy rin sa kwentuhan nila. Kamote! Wala na bang ibang balak tong si Mark kundi ishare lahat ng sakin? Teka, hindi nga pala sakin si Jay. Hindi nga pala sakin si Jay. Hindi nga pala sakin si Jay. Pinaulit ulit ko sa sarili ko na parang dasal para hindi ko makalimutan. Lagi na lang akong nagseselos, ganun ko ba siya kagusto? Ang ganda ganda niya kasi eh. Kahit sino naman magkakagusto sa kanya.
Naaalala ko tuloy yung unang araw na nagkita kami sa bakery na tinatambayan ko.
[Flashback]
Nakatambay ako sa bakery kung saan lagi kong hinihintay si Mark. Ang tagal nung mokong. First day of classes at sophomores na kami pero hindi pa rin nagbabago yung pagiging late niya. Umupo ako sa gutter at sinalpak yung earphones sa tenga ko. Kinuha ko yung ipod sa bulsa ng polo ko at nagbrowse ng kanta. Ano bang magandang pakinggan?
“Umiiyak ang aking pusong nagdurusa…”
too much drama.
“No matter what you say about love…”
too girly.
“Here we are, in the best years of our lives…”
yuck! Emo.
Ano ba ‘tong mga kanta sa phone ko. Teka, ipod ko ba to? Tinignan ko ulit yung gadget na nasa kamay ko, shit! ipod pala ni Hannah yung nadala ko! Nagkapalit siguro, pareho kasi kami ng ipod eh. Ano ba yan.
Nagbrowse pa ko ng ibang kanta. Siguro naman may matino tinong kanta dito. Kahit papano naman nahawaan ko ng taste sa music yung ate kong yun.
“Pikit matang nagtatanong, anong sagot sa bakit?”
Yeng? Hmm… madrama rin eh. Ano ba yang mga kanta ni Hannah. Papatayin ko na sana yung ipod nung bigla na lang tumugtog yung
“Torpedo” ng Barbie’s Cradle. Nakinig ako kasi favorite ko naman yung Eraserheads. Nung matapos yun, sumunod na tumugtog yung “Bizarre Love Triangle” kasabay nung paglakad nung isang anghel palapit sakin. Natulala ako. Patay na ba ko? Langit na ba ‘to? Bakit ganito yung pakiramdam ko?
Nakanganga ako habang nakatitig sa kanya. Napatingin siya sakin at pareho kaming nagulat sa reaksyon ng isa’t isa. Pulang pula kasi siya. Blush? Bakit? Lumapit siya at tumayo ako dahil akala ko kakausapin niya ko. Dumiretcho siya sa bakery at bumili ng egg pie. Napahiya ako dun ah? Buti na lang eh dumating na si Mark. Naabutan niya pa kong nakatitig dun sa babae. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang init ng pakiramdam ko at parang napunta sa tonsils yung sikmura ko. Hindi ako makahinga. Shit. Love at first sight ba ‘to?
[End of flashback]
“RYAAAAAAAAAAN!!!!!!!!!”
sigaw ni Aiza na nasa loob ng classroom namin. Classmate ko na naman siya? Ngumiti ako at sabay kaming kumaway sa isa’t isa. Mabait tong si Aiza, petit kind of girl pero hindi mo mahanap kung saan hinuhugot yung energy niyang pagkataas taas. Lumapit ako sa kanya at naghi-five siya sakin. Cool din tong girl na to eh. Simple lang siya, parang walang problema sa buhay.
Sa pagpasok ko sa classroom, nakita ko yung iba pang familiar faces. Third year na kasi ako at napakaliit lang ng NHA kaya hindi malayong maging kaklase ko yung mga naging kaklase ko last two years. Umupo ako sa gitnang row kung saan lagi kaming nakaupo ni Mark. After a few moments, pumasok sila ng room at tumabi na sakin. Nasa gitna pa rin namin ni Jay si Mark na walang tigil sa pagkwento tungkol sa bakasyon nila ng family niya sa Batangas.
“Ang ganda dun! Grabe! Tapos nagsnorkeling kami ng Kuya Joseph ko tapos nagjet ski naman kami ni Ate Kath!”
kweto ni Mark. Mayaman sila Mark, ayaw lang niyang aminin kasi alam niyang hindi kami mayaman. Kung sabagay, hindi naman lahat ng mayaman nakakapasok sa school na ‘to. Pure talent ang basehan ng pagenroll sa NHA. At si Mark ang pinakamagaling na dancer na kilala ko. Si Jay naman eh nasa Track and Field. Hindi lang being artistic ang school na to, may mga varsity rin kasi dito.
“Ikaw naman Ryan? Anong ginawa mo buong summer?”
tanong sakin ni Jay. Nalusaw na naman yung mundo ko sa ngiti niya. Ang puti ng ngipin niya, mukhang malambot yung labi niya. Ano ba yan! Nadi-distract ako.
“Ah…eh…ako?”
nautal na naman ako.
“Ay hindi, hindi, ako yun, tinatanong ka niya kung anong ginawa ko buong summer kahit na kakakwento ko lang.”
banat ni Mr. Yabang. Tong mokong na to! Humanda talaga siya pag-alis ni Jay.
“Wala akong ginawa buong summer.”
I snapped. Hindi naman ako nakatingin kay Jay, kasi nakatitig ako ng masama kay Mark. Alam naman niya kung anong ginawa ko buong summer. Tumawa si Mark at humarap kay Jay na parang naoffend ko ata.
“Wag mo pansinin tong taong to, kumanta lang kasi yan sa simbahan buong summer.”
Tumawa siya na para bang nakakahiyang kumanta sa simbahan buong summer. Eh bakit ba? Gusto ko yung pagiging choir member eh. Ngumiti si Jay na para rin bang nagets niya yung ibig sabihin ni Mark. Pinagtatawanan ba nila ako? Aalis na sana ako nung biglang ngumiti sakin si Jay.
“Ayos lang yan Ryan, ako nga buong summer nagpintura ng bahay dun sa tinayong village para sa mga Badjao.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Project kasi ng simbahan yung pabahay na yun. Tumulong pala siya dun? Ngumiti ako at nagkwentuhan na rin kami. Sa sobrang dami ng napagkwentuhan namin buong araw, napapayag ko siyang ihatid ko siya hanggang bahay nila dahil gabi na ang uwi namin. Malapit lang naman yun sa bahay namin kaya pumayag siya.
Lumipas ang ilang araw na hinahatid at sinusundo ko si Jay. Close pa rin sila ni Mark pero ngayon, wala na kong pakielam dun. Sabay ulit kaming umuwi ni Eah at huminto na lang siya bigla.
“Pasok ka.”
Sabi niya nung nasa gate na kami nung mansyon nila…este bahay pala. Eh kasi naman, ang ganda ganda at ang laki laki ng bahay nila, parang yung mga bahay ng mayayaman sa pelikula. Parang ayokong pumasok.
“Tsaka na lang Jay, hindi naman ito yung last time na ihahatid kita.”
Kung makapagsalita ako akala mo napakasuave ko pero deep inside nangangatog lang talaga ako sa takot dahil alam kong malaki yung katawan ng kuya niya. Nakita ko na kasi yun, manliligaw ng Ate Hannah ko si Dexter, yung kuya ni Jay. Nag-goodnight ako sa kanya at ngumiti lang siya sakin.
“Ay Ryan!”
tawag ni Jay. Hindi pa naman ako nakakalayo nun kaya narinig ko pa. Lumingon ako sa kanya at sumigaw ulit siya.
“Sunduin mo ko bukas ah?”
may ngiti sa mga labi niya habang sinasabi niya yun. Totoo ba ‘to? I mean, nirequest niya ba talaga saking sunduin ko siya? Usually kasi tumatanggi siyang sunduin ko siya eh. Progress na ba ‘to? Gusto na ba nya kong kasama lagi?
Sa sobrang saya ko, wala akong ibang nagawa kundi ngumiti at tumango. Ngumiti rin siya at pumasok na sa bahay nila. Mga five minutes pa bago ko naisipang lumakad pauwi. May mga bagay talagang sadyang ibinibigay ng Diyos kahit na hindi mo hinihiling. Blessings nga naman oh. Bigla ko na lang naisip, teka…sabado bukas ah? Bakit siya nagpapasundo? Oh well, baka magde-date kami. Napangiti ulit ako na parang baliw.
“Anong nginingiti ngiti mo dyan mokong?”
sabi nung lalaki na nasa tapat ng bahay namin. Ay oo nga pala, tatay ko nga pala ‘to. Tatay kong walang kwenta. Tatay kong lasinggero. Tatay kong walang ibang ginawa kundi lumaklak ng alak, magsugal at magmura. Sabihin niyo nang masama akong anak pero kahit kailan, hindi naging maganda ang makita siya paguwi. Kahit pa gaano kaganda ang araw mo, sisirain at sisirain lang niya. Sumimangot ako at nagtuloy tuloy papasok ng bahay. Hindi lasing yung tatay ko ngayon kaya malamang eh mainit ang ulo nito. Sinundan niya ko papasok ng bahay at nahuli niya yung kanang braso ko. Hinigpitan niya yung pisil niya sa braso ko kaya napasigaw ako.
“Aba’t bastos ka talagang bata ka! Kinakausap kita! Sumagot ka!”
sigaw niya sabay hatak sa braso ko kaya napaikot ako at hinarap ko siya. Ibinaba ko yung tingin ko sa mga paa niya.
“Wala po.”
Sagot ko. Binitawan niya lang ako nung mapansin niya si Hannah na nakatayo sa pintuan kasama yung kuya ni Jay na nanliligaw sa kanya. Bakit ba lagi na lang nandito si Dexter everytime na may ginagawang masama yung tatay namin? Last time na nandito siya naabutan niyang nagbabasag ng plato si Papa.
Hindi naman sa takot si Papa kay Hannah pero mas minamabuti niyang wag kantiin kasi sigurado namang ipagtatanggol siya nung manliligaw niyang pang-bouncer yung katawan. Tumingin si Papa sakin at binitawan yung kamay ko. Kung hindi siguro dumating sila Hannah eh nasapak pa niya ko. Umakyat sa kwarto niya si Papa at ibinagsak yung pinto na para bang teen ager siya na pinagalitan ng nanay niya. Petty, childish, kahit anong gusto mong itawag, yan ang tatay ko.
Lumapit sakin si Hannah at hinawakan yung namumula kong braso. Siya lang yung kaisa isang taong masasabi kong nag-alaga sakin. Namatay kasi si Mama nung ipinanganak niya ko. Pakiramdam ko yun yung dahilan kung bakit galit na galit sakin si Papa. Sabi sakin ni Hannah, mabait naman daw si Papa nung bata siya pero bigla na lang naging ganun nung namatay si Mama. 3 years old pa lang si Hannah nun pero naaalala pa daw niya yung mga araw na iniiwan kami ni Papa sa bahay na naka-padlock at magiiwan lang daw ng mga gatas na nakabote. Kung ako siguro yung makakakita ng magulang na ganun sa anak nila, hindi ko na lang alam kung anong kaya kong gawin sa kanila.
“Kukuha lang ako ng yelo para ilagay dyan.”
Sabi ni Hannah.
Agad agad siyang pumunta sa kusina habang inilapag naman ni Dexter yung buko pie na pasalubong niya. Galing kasi sila ng Laguna nung kambal niyang babae para sunduin yung Mama nilang nakadestino dun. Kinwento ni Eah sakin yun. Ang pinagtataka ko lang eh kung bakit dito siya dumiretcho? Napansin niyang nakatitig ako kaya nginitian niya ko.
Bumalik si Hannah dala yung yelong pinangako niya. May dala rin siyang platito at tinidor. Aba’y syempre para sa buko pie, alangan namang kainin nila yung braso ko?
“Sa susunod kasi kapag nakita mo siya, wag ka na lang muna umuwi.”
Bulong niya.
“Eh hindi ko kasi siya napansin. Dumirediretcho na nga lang ako eh.”
Sagot ko naman sa kanya. Sa totoo lang, busy lang ako sa pagiisip kay Eah kaya hindi ko siya napansin pero syempre hindi ko yun pwedeng sabihin sa harap ni Dexter.
Hinati ni Dex yung buko pie at binigay sakin yung pinakamalaking slice. Nagpasalamat ako at kumain kami ng tahimik. Minsan talaga mas gusto kong nandito si Dexter. Kasi kapag nandito siya hindi kami sinasaktan ni Papa. Hindi niya kami nasisigawan at lalong hindi siya nakakapagbasag ng gamit. Kung tutuusin, parang personal guard na namin ni Hannah ‘tong taong ‘to.
Napansin na naman niyang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya ulit sakin. Mabait naman talaga tong si Dexter eh, nakakatakot lang minsan yung pagiging malaki niya. Nagulat na lang ako nung bigla siyang nagsalita.
“Punta nga pala kayo sa birthday ng bunso namin bukas ah? Diba classmates naman kayo ni Eah Joy?”
Napatingin sakin si Hannah na para bang ikinagulat niya na kaklase ko si Jay habang ako naman eh nanlaki yung mata sa sinabi ni Dexter.
Shit.
Birthday pala niya bukas.