Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 4: In Love
[Romilo's POV]
"Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan"
"Oh shut up Romilo."
Sigaw ni Reshel habang kinakabit niya yung blind fold sa mga mata ko. Sometimes I hate her. Lagi kasi niya kong binu-bully. Kapag nalaman ng Mommy ko 'to, magagalit yun kay Reshel.
Sabi kasi niya maglalaro lang kami. Nanginginig na ko sa takot. Takot kasi ako sa madilim. This is just hide and seek Romilo, walang dapat ikatakot. Inalalayan niya ko patayo at palakad.
"You have to face your fears Romilo."
F-fears? Ano bang ibig niya sabihin. Omaygad. Mommy help me please.
"Di ko naman hahayaang masaktan ka eh"
Natatakot na talaga ako sa mga sinasabi niya. What will happen kapag tinanggal ko yung blindfold? May monster kaya? Will I die? Or worse... I don't wanna think about it anymore. Omaygad, bata pa ko. Somebody help me.
Huminto kami bigla tapos binitawan niya ko.
"R-Reshel? Where are we? Sabihin mo please... Mommy!!!!!!!!!"
"Oh! Romilo! Di ka na kaya bata, you're----"
Napahinto siya bigla sa pagsasalita. What's wrong? Anong meron? Takot na takot na talaga ako. Naiihi na ko sa takot ko.
"Ok. We’re here. Listen, bibigyan kita ng favorite mong strawberry cake if you can find me!"
Narinig ko na siyang naglakad palayo at sumigaw ng Goodluck.
"Wait! Reshel! Don’t leave me here please!"
Wala nang sumagot.
Huminga na ako ng malalim.
Ok Romilo, just find Reshel then you’ll have your cake.
"Ok Reshel! I’m coming!"
I took off my blindfold at medyo blur pa yung paningin ko. Pero I see Reshel from afar. Medyo malabo lang. I ran towards her.
"Boom!!"
She slowly turned around. Pero wait. Nanlambot yung tuhod ko. What if its not Reshel. What if monster pala yun? Or worse...
"haaa!-a-a-a-a hi M-M-Myca, d-d-do you like lollipop?"
I flased a big smile at naglabas ng malaking lollipop. Tinanggal niya yung headphones niya at tinitigan niya ko ng masama. Nandito pala ako sa tambayan niya. Reshel is evil.
"Bakit nandito ka?"
Lumakad siya papunta sakin.
"Hindi mo ba nakikita. I’m busy!!!"
Malapit na sya sakin. Omaygad omaygad.
Magsalita ka!!!!
At the same time, nadulas siya dun sa balat ng saging na nasa sahig. Its not my fault, its not my fault.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nagpanic ako kaya sinalo ko sya agad. Parang huminto yung oras. Sobrang kinatatakutan ko si Myca. And lahat ng bagay ipagpapalit ko wag lang mapunta sa sitwasyong to. Someone please help me. Nanlaki yung mata niya at nakatitig lang siya sakin.
Biglang tumugtog yung cellphone niya. Love Fool yung title nun. I just knew kasi pinapatugtog lagi yun ni Mommy. Pareho kaming natauhan at itinayo ko na siya.
"S-sorry!"
Naiiyak na ko sa pagsasabi pa lang. Wala pa rin siyang reaksyon. Tumulo na yung luha ko at tumakbo na ko crying out loud
[Myca's POV]
"MOMMY!!!!!!!!"
Mas effective pa sa alarm clock yung sigaw niya. Nagising ako sa katotohanan. My God. Ganun ba talaga ka-cute si Romilo?
Shocked pa rin ako sa mga pangyayari.
What am I feeling… I can hear my heart… is this… the feeling you feel… when you're…IN LOVE?
Napangiti lang ako at sinundan ang future husband ko.
"Oh Romilo!"
[Joshua's POV]
Naglalakad na ko papunta sa school para sa meeting bago mag klase. Sana maging ok tong meeting na to. Ayoko nang may mag-away pa uli sa kanila. This time pipiliin naman namin yung song na kakantahin sa competition. Sino kayang dapat mag lead? Tsaka ano kayang dahilan kung bakit galit na galit si Abby kay Jesica?
"Joshua!"
Napalingon ako. Sakto lang yung dating niya.
Ngumiti siya sakin. Ngumiti rin ako
"Hello! Punta ka na sa school?"
"Oo, mag- isa ka lang?"
Nawala yung ngiti sa mukha niya. Kinagat niya yung labi niya at tumingin sakin na parang guilty siya about something.
"uh yeah, I told Erika and Chaim na di na ko pupunta, but… then…"
Obvious namang nahihirapan siyang magpaliwanag. Ginawa ko na kung anong dapat.
"That’s good! Pangako, everything is gonna be fine."
Ngumiti uli siya sakin at tumango.
"Let’s go?"
inabot ko yung kamay ko sa kanya, tinitigan lang niya yun. Tumingin siya sakin.
"Together?"
Tumango lang ako and she smiled wider.