top of page

Chapter 3: Jealousy

[Nat’s POV]
 

“Welcome to the Keila Resort Batanggas! Have fun under the sun!”


Sigaw nung patpating sales supervisor na nasa lobby ng hotel. Nakatambay lang ako sa mga upuan sa lobby buong araw. Ayokong maligo sa beach dahil baka makita ko pa yung epal na Amboy. Nakinig na lang ako ng mga kanta sa album ng Forgive Durden na “Razia’s Shadow”. Kinabisado ko lahat ng lyrics at unti unti na akong napapikit at nakatulog.


Bigla akong nagising nung nagsalita yung payat na sales supervisor na nasa tabi ko na pala.


“Ikaw si Nat diba?”

tanong niya. Umupo naman ako ng maayos at tumango. Gabi na pala. Tumingin lang ako dun sa lalaking kanina pa nakangiti sakin. Hindi pa siya matanda, mga kaedad pa lang siya nila Eah na as much as I know ay mas bata pa sakin.


“Ako nga pala si Ryan, Sales Supervisor ako dito.”


“I know.”


“Pwede ko bang itanong kung anong surname mo Nat?”


“Nathaniel Perez.”


“Oh, you’re the son of Ace Perez?”


“Yes I am.”


Todo yung ngiti niya at sabay kuha ng cellphone nya. May tinawagan siya.


“Positive Boss, he’s the one. Dadalin ko na ba siya dyan? Ok Boss.”


Humarap siya sakin sabay sapak. Nagulat ako at sasapakin ko na din sana siya nung bigla siya may pinukpok sa batok ko. Nahilo ako at bumagsak pero bago ako mawalan ng malay narinig ko pa siyang nagsalita.

 

“Aww… bago pa naman din itong cellphone na to. Tsk, ang tigas ng ulo mo.”


Nagising ako sa ingay ng mga tao. Sobrang sakit din kasi ng pisngi ko sa pagkaasapak ni Ryan.


“Sorry Nat kung sinapak ka ni Ryan, walang ibang alam na paraan yun bukod sa violent way.”

Sabi ni Kuya Earl na nakaupo sa sofa kung saan ako nakahiga. Tumayo ako at nasa loob na ako ng event’s room ng Keila.


“Ayos lang yun Kuya Earl, pero bakit ako nandito? Anong meron? Tsaka bakit ang daming tao?”

sa dami ng tanong ko, ngumiti na lang si Kuya Earl.


“First of all Nat, Earl na lang. Isang taon lang naman ang tanda ko sayo.”

“Uhh..ok, Earl.”

“This is the Keila Summer’s  Welcome Party.”

“Of course, a party to welcome summer. Pero bakit nga ako nandito?”

“It’s not a typical party Nat, exclusive to. At isa pa, marami akong ipapakilala sayo ngayon.”
 

Ngumiti siya at ngingiti na rin sana ako nung biglang may magandang babaeng lumapit samin.


“Hi boys! Nakita nyo ba si Dexter?”

sabi nung babae.


“Ok Nat, this is Hannah, Dexter’s Wife” 


Nakipagshake hands ako sa kanya. Ngumiti siya at nagpaalam din nung nakita na niya si Dexter.


“Masaya ka ba Nat?”

seryosong tanong ni Earl. Sa totoo lang? Hindi ko masasabing masaya ako ngayon. Oo nga, kasama ko nga sa iisang bahay yung taong mahal na mahal ko, pero hindi ko naman maamin.


“I guess silence means no?”

Tanong nya ulit.


“I hope na sana maamin mo na yung hindi mo maamin.”

Tumayo siya at umalis. Sakto namang umakyat si Alie sa stage at tumugtog yung paborito kong kanta ng Updharmadown, Tadhana.


“Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo, ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta. Bat di pa patulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga’t kanluran, ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo, ako ang sasagip sayo.”


Bull’s eye sakin lahat ng message nung kinakanta ngayon ni Alie. Eto ba yung sinasabi ni Earl na sana aminin ko?


“Bat di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba to sa hangin? Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto akong nakikinig sayo, hoo oh ooh oh ooh…”


Nangingilid na yung luha niya sa pagkanta. Alam kaya ni Alie? Alam kaya niyang mahal ko siya? Sana hindi ko na lang siya naging kapatid. Sana hindi na lang siya yung nakasama ko sa loob ng 18 years. Sana hindi na lang siya…para malaya akong mahalin siya.


Tumayo ako para salubingin si Alie sa pagbaba niya ng stage, pero naunahan na ako ni Felix. Nandun na agad siya. Para sa kanya ba yung kantang yun? Siya ba yung kinantahan ni Alie nun? Nagsimula nang tumugtog ng ibang kanta, nagtatayuan na sila para sumayaw pero nandun pa rin ako sa upuan, nakatitig lang kila Alie at Felix.


Kumakanta si Eah ng “We Will Not Grow Old” habang nagsasayawan naman lahat, matanda, bata, babae at lalaki. Lahat, except me.


Lumapit ulit sakin si Ryan na sorry ng sorry sa pagsapak niya sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya pero sa totoo lang, masakit pa rin yung pisngi ko. This is a weird family, lahat sila may lovelife. Di pa nagtatagal dumating si Mommy at Daddy na dun pala nagpunta instead of Brazil. Napakagaling na mga magulang.


Lumapit sila sakin at pinaliwanagan ako. Na si Earl daw ang anak ng may ari ng Keila at asawa niya si Claire na kambal ni Dexter na asawa ni Hannah na ate ni Ryan na ex boyfriend ni Eah na fiancé ni Kiel na kapatid pala ni Felix na kanina pa hawak yung kamay ni Alie.


Hawak yung kamay ni Alie?


“Hoy!”

sigaw ko kay Felix.


Sasapakin ko na sana si Felix nung biglang humarang si Earl, Kiel at Dexter.

 

“Please bring it outside Nat. Ayokong may masira kayo dito sa loob.”

Sabi ni Dexter.


Lumabas kami ni Felix at nakapalibot naman silang lahat samin.


“What is your problem Nat?"

tanong ni Amboy.


“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Dumistansya ka sa kapatid ko kung gusto mo pang magpatuloy yung swimming career mo.”

Sigaw ko.


“Why? Why would I do that? Are you threatening me?”

sigaw din niya.
 

“Yes I am. Magkarera tayo, mula dito hanggang dun sa batuhan.” Tinuro ko naman yung batuhan na mga half kilometer away. Kayang kaya ko to.
 

“Fine!”

Sigaw niya habang naghuhubad. Tinanggal ko din yung tshirt at iniwan lang yung boxers ko.


Lumapit samin si Earl nung ready na kami, may hawak siyang whistle.


“Race hanggang sa batuhan. Ang unang makabalik, panalo.”

 

“If I win, I get Alie.”

Sabi ni Amboy.


“And if I win?”

tanong ko naman.


“I’ll stay away.”

Sagot niya.


“Ready…”


“Get set…”


“GO!”

 

Nauna ako sa pagtakbo papunta sa beach. Mabagal pala sa takbuhan tong Amboy na to eh. Lumangoy na ako papunta sa batuhan. Ahead ako sa kanya ng mga ilang metro. And after a few minutes, nasa batuhan na ako. Malapit na siya sakin nun kaya nagmadali na akong lumangoy pabalik. Saglit lang ay nandoon na ako sa beach. I won.


Lumingon ako sa mga audience namin pero lahat sila kay Felix pa rin nakatingin. Tumingin din ako kay Amboy pero wala siya.


“Asan na siya?”

tanong ni Alie na halatang nagaalala na.


Bigla na lang may sumigaw ng malakas. Nagcramps siya!


Tumakbo agad ako pabalik sa dagat at niligtas ko siya. Kung hindi ko ginawa yun, malulunod siya. Ayoko namang wala na naman akong gagawin.


Nung naibalik ko na siya sa beach, lahat na sila lumapit samin.


“Nag…c-cramps siya.”

 

Hinihingal pa ako habang nagsasalita.


“Y-you…”

hinihingal din si Felix nun.


“You…saved…me. Y-you…w-won.”

Sabi niya.


Matutuwa na sana ako nung bigla na lang akong sinampal si Alie.

 

“How dare you? Bakit ka ba ganito Kuya? Gamit ba ko na pinagpupustahan? Bakit mo ba pinapakielaman yung buhay ko? Ipapahamak mo pa yung ibang tao. Ano bang trip mo? Ha?!”


Natulala lang ako. Bakit ganun?


Lahat sila nakatingin lang, walang nagsasalita bukod kay Alie. Hindi ko kinaya yung pressure kaya kinuha ko yung damit ko at tumakbo ako paalis.
Pagkatapos ko siyang protektahan? Pagkatapos kong patunayan sa kanilang lahat na kaya kong maging kuya sa kanya. Bakit ganun? Bakit ako pa yung masama?


Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa isang kubo at doon na nagbihis. Sobrang dilim kaya halos wala akong makita. Bulag kasi ako sa dilim. Nagulat na lang ako nung biglang may nagsindi ng lighter sa harap ko.


“Do you smoke?”

sabi nung babae.


O_____________________O


Umiling na lang ako.


Muntik akong atakihin sa puso. Natawa siya bigla. Siguro dahil na rin sa reaksyon ko.


“I’m Kaye."

sabi niya habang sinisindihan yung yosi niya at yung lamp sa gitna nung table sa loob nung kubo.


“Uhh… I’m Nat.”


Pinilit kong ngumiti pero masama talaga yung loob ko nun kaya instead na ngumiti, napangiwe ako.


“You know Nat, it is not love that is blind, but jealousy.”

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page