top of page

Chapter 1: Jeepney

This is a story of love, hope, sacrifices, betrayals and friendship. This is my story.


Nakilala ko si Ellie nung nasa Senior Year na ako ng HS. Bago lang ako sa regular class dahil simula pa nung Freshman ako eh nasa Special Program for the Arts (SPA) na ko. At dahil sa pagka-adik ko sa DOTA nung Junior Year ko, nalipat ako sa regular class kung saan wala akong kakilala.

 

First day of class nun at late yung teacher namin for our first period. Dahil napuyat ako kagabi at wala naman akong makausap bukod dun sa 2 ko pang tropa na nalipat rin sa regular class, I chose to take a nap. Ewan ko ba kung bakit ko naisip yun, siguro nasanay lang ako sa SPA. Maya maya lang eh may babae na natapilok sa paa ko. Nagising ako pero hindi ko siya naisip tulungan dahil I can't take my eyes off her. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang huminto yung oras at lumakas yung tibok ng puso ko. I'm looking at her curly hair, sa chubby cheeks niya at sa mga kamay niya na nagpupulot ng notebooks na nalaglag niya.

Naramdaman kong tumutulo yung pawis ko sa pisngi at parang hindi ko maigalaw yung mga paa ko. Tumakbo ulit yung oras nung hinampas ako ng pamaypay nung katabi kong babae.

 

"Hindi mo man lang tulungan! Napaka-gentleman mo rin eh no?"

sigaw niya sakin habang lumuhod siya at tinulungan yung girl. Nagmadali akong lumuhod din para pulutin yung iba pa niyang gamit pero hinampas na naman ng pamaypay nung babae yung kamay ko. Naisip ko lang, 'sumosobra na to ah? Ang sakit kaya!'

"Wag ka na tumulong, nakakahiya naman sayo eh."

sigaw na naman nung babaeng katabi ko.

 

Umupo ako ng maayos para hindi naman sabihin ni Justin eh natutulog na naman ako. First day pa man din ngayon. Tumayo nun yung katabi kong lalaki na Jao ata yung pangalan at kinausap niya yung lalaki na nasa tapat ng pinto ng classroom. Classmate niya ata last year. Tumingin sakin si Justin sabay tawa. Wala na kong pakielam sa kanya. Iniisip ko lang eh si Miss Curly Hair.

Dumating yung teacher at inayos yung seating arrangement na gusto niya. Unfortunately, katabi ko talaga si Miss Pamaypay. Hindi ako sanay makisalamuha sa mga brutal na babae kaya I chose to shut my mouth.


Ilang weeks ang lumipas at marami na kong nalaman about kay Miss Pretty Curls. Nalaman kong Ellie ang pangalan niya at childish siya.

Maraming babae ang nakapalibot sa kanya lagi kaya nauunahan ako ni "Kaba" at hindi ko magawang makipagkaibigan sa kanya. Marami rin akong nalaman tungkol kay Miss Pamaypay. Close friend siya ni Ellie, Yhen ang name niya at hindi na siya ganun kabrutal sakin, di tulad nung first day at least.

 

Thursday night at kakauwi ko lang ng bahay nun nang magdecide ako na aayain kong magsimba si Ellie sa Sunday. Tutal Catholic rin naman siya at tutal matagal na rin akong hindi nagsisimba. Wala na bang mas ko-korny sa pagdate sa simbahan? Wala na! Habang nagpapalit ako ng damit, bigla ko na lang ding narealize na 'Pano ko siya yayayain? Eh ni hindi ko nga siya makausap sa school.' I am really doomed. Hindi ko maalala kung kelan ba ko naging ganito ka-torpe? Dati naman chill lang ako sa mga nililigawan ko. But this one's different.

I opened my PC at maya maya lang eh may nagBUZZ ng nagBUZZ sa chatbox ko. I rolled my eyes when I saw who it is. Si Miss Pamaypay. Ano bang gusto nitong si Yhen?

"What now?"

I replied to her BUZZes.

 

"Online si Ellie"

she replied. Nalaglag ako sa upuan ko sa sinabi niya. Agad agad akong nagreply pero di ko pinahalata na excited ako.

 

"So?"

 

I replied.

 

"So ano? Ide-deny mo ngayon na excited ka? She told me na crush ka niya at alam kong crush mo sya kaya I promised na ibibigay ko sayo yung YM niya. 'Elliekate_0204' ang YM niya. Wag ka nang maginarte, alam kong gusto mo rin. :)"

She replied. Hindi ko alam kung hulog ba ng langit si Yhen pero kahit na brutal tong babaeng to, I'll consider her as my hero.

 

":) Thanks!"

I replied.

Pinagisipan kong mabuti kung icha-chat ko ba si Ellie. Kaya ko ba? Ano namang sasabihin ko? 'Hi. I'm Zach, wanna go to church with me?' Ano bang gagawin ko?

Isang oras rin akong nagisip bago ko naconvince ang sarili ko na 'It's now or never'. I wrote a message pero 3x ko muna binasa bago ko isend.

"Hi Ellie."

"Hi din. Sino ka?"

Nagulat ako. Inassume ko pa naman na ibibigay ni Yhen sa kanya yung YM ko.

 

"Zach."

I replied.

"Zach? ah.. eh.. bakit?"

Bakit? Tama bang tanong yan? Ano isasagot ko dyan?

"Bakit? Ahmm.. wala lang, binigay kasi ni Yhen sakin yung YM mo."

sabi ko.

"Ha? Talaga? Sira talaga yun."

Sinabi mo pa.

"Uhm, anyway, may gusto sana akong sabihin sayo."

Reply ko.

"Ano yun?"

"I like you Ellie."

Di ko pa alam kung ise-send ko. sasabihin ko ba? Binura ko yung message at nagtype ng panibago.

"Samahan mo naman ako sa church sa Sunday."

I clicked send bago pa magbago ang isip ko.

"Ha? Sa church? bakit naman?"

Tanong niya. Bakit na naman? Puro na lang bakit. Wala akong sagot sa bakit.

"Bakit? Wala lang, kailangan ba may rason para magpunta sa church?"

Kinukulit ko lang siya pero wala lang talaga akong maisip.

"Fine. Pero libre mo ko ah? May bayad ang TF ko! :) JK"

reply niya. TF??

"TF?"

 

I asked.

"TF. Talent Fee. :) Anyway, magdi-dinner na kami. GTG. See you na lang sa Sunday."

"Wait Ellie!"

awat ko. Bago pa mahuli ang lahat.

"Ano yun?"

reply niya.

"Saan ka nakatira?"

reply ko naman. Aba! Mahirap maghanap ah!

"Di mo alam?"

Reply niya. Dapat ba alam ko?

"No."

I replied.

"Capitol Park Homes II. Sa Agape. I believe, walking distance lang yun sa bahay niyo."

reply niya.

"Oh? Talaga? Sige sige, sunduin na lang kita sa pila ng tricycle. 9 am. Ok ba yun?"

reply ko.

"Sure. I really have to go. See you na lang. :)"

reply niya.

“ ’Elliekate_0204’ logged out"

I stared at my screen. Totoo ba to? I mean. For real na ba talaga? Official na ba? Pinopormahan ko na ba talaga si Ellie?

Maya maya lang, may nagBUZZ na naman sa YM ko. Parang nahuhulaan ko na kung sino to.

“Bakit na naman?”

tanong ko sa kanya.

“Ang sungit mo eh no? Kamusta? Inamin mo na ba kay Ellie?”

reply ni Yhen. Tignan mo tong babaeng to,
walang kasing chismosa. Pero ok lang din naman siguro na magtanong siya. Tutal siya naman tumutulong sakin.

 

“Di pa eh. Ang hirap kaya tyumempo!”

reply ko sa kanya.

Maya maya lang nagtawag na si Mama na kakain na kami. Sakto namang nagreply si Yhen.

“Ang korni neto. Torpe ka rin eh no? Kaloka.”

Reply niya.

 

“Alam mo, manahimik ka na lang dyan. Kakain na kami!”

Reply ko naman.

 

“Hala? :( Wala akong kausap!”

Reply niya. Ay naku naman tong mga babaeng to. Kailangan ba talaga lagi silang may kausap? Tumingin ako sa pinsan ko, kay Kuya Dylan na nagp-PSP pa rin.

 

“Di ka kakain?”

tanong ko sa kanya.

 

“Ayoko pa. Kumain ka na dun Zach. Pagamit na niyang computer!”

sabi niya. Bigla ko namang naisip, eh kung silang dalawa na lang kaya mag-usap?

 

“Kuya Dylan, chat mo muna nga tong classmate ko, kakain lang ako saglit.”

Sabi ko sa kanya. Ang bilis niyang ibinaba yung PSP at tinulak ako paalis ng upuan. Tignan mo to, basta babae ang bilis bilis kumilos. Chinat ko muna si Yhen para magpaalam.

 

“Ui Yhen, kakain lang ako, chat mo muna pinsan ko.”

Nakita ko pang nagreply siya ng “Hala!” pero si Kuya Dylan na nakachat niya.

Kumain na ko at naghugas ng plato pagkatapos. Ang hirap talaga pag puro lalaki sa bahay, wala kang mautusan. Alangan namang utusan ko pa nanay ko eh siya na nga gumagawa halos lahat.

“Ui Kuya Dylan ako na dyan!”

sabi ko naman dun sa pinsan kong mukhang nag-eenjoy na kachat si Yhen.
Wrong move ata, baka pagtripan niya pa tong si Miss Pamaypay.

 

“Mamaya ka na Zach. May kausap pa yung tao eh.”

Sabi naman niya.

 

“Eh kausap ko yan eh, pinachat ko lang sayo saglit.”

Sabi ko naman.

“Che.”

Sabi ba naman sakin. Aba! Kamoteng to.

 

Hinayaan ko na lang siya at ako na lang yung naglaro sa PSP niya sa kwarto hanggang sa maghating gabi na at nung silipin ko siya eh aba! Gising pa at kachat pa rin si Yhen.

“Hoy Kuya Dylan! May pasok pa kami bukas, patulugin mo na yan!”

bulong ko sa kanya kasi natutulog na lahat ng tao sa bahay bukod saming dalawa.

“Matulog ka na.”

Sabi niya sakin.

“Patayin mo muna yang PC!”

sabi ko.

 

“Sino satin ang Kuya?”

tanong niya. Ano to? Gagamitan na niya ko ng ganito ah? Akala niya siguro di ko alam cellphone number ni Yhen.

 

Lumapit ako sa tabi ni Kuya Dylan at nagdial dun sa cellphone ko. Isang beses lang nagring at may sumagot na.

“Gabing gabi na ah! Sino ba to?”

sagot ni Yhen. Natawa naman ako agad sa kanya, ayaw pala magpahuli sa magulang kaya isang ring pa lang sinagot na.

 

Tinignan ako ng masama ni Kuya Dylan kasi I guess di nagrereply si Yhen.

“Hoy ikaw na bata ka, matulog ka na at patulugin mo na tong pinsan ko.”

Sabi ko sa kanya. Pinanlakihan na ko ng mata ni Kuya Dylan tsaka naman siya natawa sakin.

 

“Ay nako Zach kamote ka talaga.”

Sabi nya habang nagchachat kay Yhen na matutulog na siya.

“Zach?”

sagot ni Miss Pamaypay. Ay sino pa ba?

 

“Malamang.”

Sagot ko.

“Hala, oo nga, may pasok pa pala bukas!”

sagot naman niya. Bata bata pa ulyanin na.


Nagpaalam na ko kay Yhen at natulog na kami ni Kuya Dylan. Iisang kwarto lang kasi kami, double deck, ako sa baba, siya sa taas. Nakakatuwa isipin na interesado yung pinsan ko sa kaibigan ko pero nakakainis rin kasi sa dami ng pinsan ko kay Kuya Dylan ko pa pinakilala si Yhen. Ang bait ni Yhen para lokohin niya.

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school at nakita ko agad si Yhen na naglalakad sa hallway papunta sa classroom. Hinabol ko siya at di niya napansin na nasa tabi niya ko. Ano to? Puyat?

“Hoy Zombie! Puyat na puyat tayo ah?”

asar ko sa kanya. Tinignan niya ko na parang nakakita siya ng multo. Di nga niya ko napansin na nandun pala ako. Grabe naman kapuyat to. Nung narealize niyang ako lang pala yun, tumuloy siya sa paglakad.

 

“Tagal niyong magkausap ng pinsan ko kagabi ah!”

asar ko ulit sa kanya. Agad siyang nabuhayan ng kaluluwa at tumingin sakin na parang may glitters sa mata niya na nagsparkle. Uh oh. Yari, inlababo na ata tong babaeng to. Nagkwento na siya ng sangkatutak na bagay na napagusapan nila. Infairness naman, siya ang unang pinormahan ni Kuya Dylan na kakilala ko talaga kaya ngayon ko lang nalaman, sa mga kwento ni Yhen, kung pano mambola yung pinsan ko.

“Tapos tinanong niya ko kung gusto ko daw ba ng pet name namin tapos sabi ko sige anong gusto niya tapos sabi niya ikaw na bahala tapos sabi ko o sige ‘Mallows’ na lang tapos sabi niya sige tapos lagi na niya kong tinatawag na mallows.”

Sa dami ng sinasabi ni Yhen, yan lang pinakinggan ko.

 

“Isang gabi pa lang kayo magkakilala may tawagan na agad?”

Nagulat talaga ako. Ang bilis bilis talaga ng pinsan ko.

 

“Oo naman, bakit hindi?”

sagot naman niya habang nakangiti. Ay nako.

“Oi babae, di naman sa nakikielam ako ah, pero please lang, ma-fall ka na sa kahit kanino wag lang sa pinsan ko.”

Sabi ko sa kanya. Tinignan niya ko na parang nagulat siya.

 

“Di ako mahuhulog sa pinsan mo, alam kong manloloko yung taong yun at obvious naman na pinagtritripan lang niya ko.”

She said seriously. Wow! Di ko na talaga maintindihan. Alam pala niya eh bat kung magkwento siya parang inlove na inlove siya.

 

“Sinasabi ko lang.”

sagot ko naman. Nagtuloy na kami sa classroom namin at umupo na kami sa chairs namin.

"Teka lang ah, san mo nga pala nakuha yung number ko?"

tanong niya sakin. Kanino ko nga ba nakuha? Oo nga pala. Kay Justin. I guess sa kanya rin niya nakuha yung YM ko.

"Edi kung saan mo nakita yung YM ko."

sagot ko naman.

"Sa girl's CR?"

tanong niya na gulat na gulat. Girl's CR?

 

"You've been to the girl's CR?"

tanong niya ulit. What the hell? Nasa girl's CR yung YM ko?

 

 

"I haven't! How the hell did my YM ended up at the girl's CR?"

Tanong ko sa kanya. Natawa siya ng malakas at kinuwento na matagal na siyang may katext na nakita lang niya yung number sa girl's CR pero di niya alam kung sino. Binigay daw nun yung YM ko, sinulat daw sa pinto ng cubicle katabi nung number ni Jus na pinakita pa sakin ni Yhen. Eh sino pa ba nakakaalam ng YM ko? Edi si Justin lang. Pero bakit naman nasa CR yung number ni Jus? Napaisip lang ako lalo, namboso na naman siguro yung walang hiya. Di ko na sinabi kay Yhen na kilala ko yung katext niya, baka masira ko pa diskarte ni Justin, alam ko namang mga katulad ni Yhen ang type nun. At isa pa, baka magwala tong si Yhen pag nalaman niyang nagpupunta ng girl's CR si Justin.


Buong araw ang lumipas pero hindi ko man lang nakausap si Ellie. Buti pa sila Yhen nakakausap nila lagi.

Pauwi na sana ako nung may biglang humatak sa damit ko.


“Zach!”

sabi niya. Halos mahimatay ako nung marinig ko yung boses niya. Parang anghel na bumaba sa langit. Ay ano ba yan, kumokorni ako lalo habang tumatagal.


“Ah…ah…eh…Ellie, bakit?”

tanong ko. Nauutal na naman po si Zach!


“Ano…kasi…sabay tayo umuwi. May date kasi si Kuya Neil kaya di niya ko masusundo.”

Nakatingin siya sa paa niya habang nag-aaya. Oo nga pala, magkapitbahay nga lang pala kami. Sakto namang gabi na at mahirap na kapag mag-isa lang tong uuwi. Delikado pa naman sa kanila. Ngumiti ako at pumayag na lang. Iba na to ah, babae pa nag-aaya. Ay ano ba yan Zach, kung anu-ano na naman iniisip mo. Remember, ihahatid mo lang siya.
Pagdating namin sa terminal, nakita ko agad si Tito Jerry. Asawa ng tita ko.

Sila kasi may-ari nung eatery dun sa terminal. Nagmano ako at pinakilala ko si Ellie. At dahil mabait yung tito kong yun, nilibre pa kami ni Ellie ng softdrinks at binigyan pa ko ng pamasahe. Ayos din no? Sumakay na kami nun sa upuan sa tabi ng driver, syempre nilibre ko siya sa pamasahe kahit ayaw niya. At least dito, kahit papano masosolo ko siya. Nagkwentuhan lang kami buong byahe.


Nung malapit na sa bahay namin yung jeep, humawak siya sa balikat ko sabay sabing,

“Ingat ka ah.”


Ngumiti ako at hindi ako bumaba. Nagtaka siya at tinanong ako kung bakit di ako bumaba.


“Ihahatid kita diba?”

sagot ko.


“Ha? Naku, di na kailangan yun.”

Sabi naman niya.


“Wala na, lagpas na rin naman samin eh. Oh ayan na, malapit na tayo.”

Sagot ko naman habang nakangiti.
Namumula siya. Nahihiya siguro. O kaya natatakot? Eh, di ko alam kung anong iniisip niya. Sana talaga nakakabasa ako ng isip para at least alam ko kung ano nararamdaman niya. Nung bumaba na kami, may lalaking matangkad na nakatayo dun sa kanto. Tumakbo si Ellie papalapit sa kanya. Sino na naman kaya yun? Lahat na lang kilala nitong babaeng to.


“Kuya! Akala ko may date ka?”

tanong ni Ellie. Ah kuya lang pala niya.


“Di ko ba nasabi na sa bahay ang date namin? Nandun siya sa loob. Teka, sino siya?”


Tanong niya kay Ellie. Buti pa magpaalam na ko.


“Kuya si Zach nga pala, classmate ko.”

Pakilala ni Ellie. Tinignan ako nung kuya niya na para bang kinikilatis ako.


“Classmate o manliligaw?”

tanong niya sakin.


“Classmate!”

 

sabi ni Ellie.


“Manliligaw po.”

Sabi ko naman kasabay niya.


Tumingin sakin si Ellie ng masama at pinanlakihan naman ako ng mata ng kuya niya.


“Pumasok ka na sa loob Ellie.”

Sabi ng kuya niya.


“Kuya naman!”

sagot naman ni Ellie.


“Sabing pasok na eh!”

sigaw ng kuya niya.
Pumasok si Ellie dun sa bahay na nasa kanto. Dun lang pala siya nakatira. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. Lumingon siya sakin at sumenyas ng sorry at tuluyan nang pumasok. Binaling ko sa kuya niyang poste yung tingin ko.


“So. Nanliligaw ka pala sa bunso namin.”

Sabi niya habang seryoso yung mukha.


“Alam mo boy, kung ako sayo, ipapaalam ko na yan sa tatay namin. Kasi pagnalaman na naman ng tatay namin. Na may nanliligaw sa bunso niya ng patago, naku! Paglilinisin na naman ako nun ng shotgun niya.”


Sa sobrang seryoso niya, di ko na talaga napigilang tumawa. Di na rin napigilan ni Kuya Neil na tumawa. Tumawa talaga kami ng sobrang lakas na napadungaw sa bintana si Ellie. Nung nakita niyang nababaliw na kami pareho ng kuya niya, pumasok na uli siya sa loob ng kwarto.


Ok naman pala yung kuya niya. Nasa college pa lang siya kaya medyo naka-vibes ko agad. Sabi niya kilala niya raw ako kasi nakakalaro daw niya kami dati sa Dota. Di ko lang siguro siya maalala.
Tapos kung ano ano pang tinuro sakin para mapasagot ko yung bunso nila. Pero sa lahat ng advice niya, isa lang ang kinakatakot ko. Yun eh yung manligaw ng legal sa tatay nila. Nakakakaba. Nung medyo late na, nagpaalam na ko sa kanya at sinabi kong magsisimba kami ni Ellie sa Sunday.


“Oh? Ayos ah, kami nga di mapilit yun na magsimba tapos nung ikaw ang nag-aya sasama siya?”

sabi nung kuya niya. Aba syempre! Si Zach ata to no!


“Tama, balik ka dito sa Sunday, papakilala kita sa parents namin. Pero siyempre, as barkada ko. Ayos ba yun?”

Tanong naman niya. Ayos ba yun? Okay lang ba siya?


“Siyempre ayos yun!”

tatawa tawa pa ko na parang bata.


“O sige ah, sa Sunday ah. Aantayin ko kayo after ng misa.”

Sabi naman niya.

Nagpaalam na ko at as usual, pinagalitan ako pag-uwi ko. Pero ayos lang. Worth it naman sa dami ng swerte ko ngayong araw na to.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page