top of page

Last Chapter: Mission Incomplete

[Joshua's POV]

Lumapit ako kay Jesica knowing na ako lang ang nagiisang nilalang sa mundong ito na walang karapatang magcomfort sa kanya. Ako na dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ako na nagpatindi pa ng paghihirap na nararanasan niya.

Kung hindi ko tinanggap tong misyong ito, hindi niya ako makikilala, hindi niya ko mamahalin. Paano ko siya iiwan kung ganitong nasasaktan pa rin siya? Kung hindi ko ginamitan ng konsensya yung Judge na binayaran ni Angelica, siguro panalo na sila sa competition. Sana masaya na sila. Pero sa paanong paraan ako manghihingi ng tawad? Sa paanong paraan ako magpapaalam?

"Jesica."

"Joshua? Anong ginagawa mo dito?"

tanong niya habang pinupunasan yung luha sa mga mata niya.

"I want you to know na kahit na anong mangyari...mahal kita Jesica."

muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Isang bagay na pareho naming tinatago sa isa't isa. Ito ang mga salitang matagal na naming hinihintay na marinig.

"Sana Jesica, mapatawad mo ko sa lahat ng gulong dinala ko sa buhay mo."

"Ano bang sinasabi mo Joshua?"

"Jesica, I have to go."

Kasabay ng pagalis ko ay ang pagkadurog ng puso ko. Hindi ko kaya to. Hindi ko kayang bumalik sa dati. I feel so...HUMAN.

"Anong bumabagabag sayo Gabriel?"

tanong Niya sakin.

"Alam ko naman pong alam Niyo kung ano yun."

"Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan mo para makarating sa kinalalagyan mo ngayon, handa kang isuko ito para lamang sa isang babae?"


tanong sakin ni Boss. Oo. Handa akong iwan lahat ng mga kaibigan ko, handa akong kalimutan yung buhay ko dito sa langit para lang sa babaeng minahal ko ng sobra.

Para lang kay Jesica.

"Nababaliw ka na! Ano bang sinasabi mong magpapakatao ka?"

Sabat naman ni Uriel. Siya ang pinakaitinuturing kong kapatid sa lahat. Siya ang sumuporta sa akin sa lahat ng misyon na iniatang sa akin. Pero hindi pa rin niya ako mapipigilan.

Malungkot silang nakapalibot sakin. Hindi matutumbasan ng kahit na ano pa mang yaman sa mundo ang yamang mayroon ako sa pamilyang ito. Sobrang hirap para sakin nito.

"Ito na ang huling beses na makakasama niyo ko. Kaya sana suportahan niyo na lang ako."

Sagot ko sa kanilang lahat.

"Kung bababa si Gabriel, bababa rin ako!"

Sabi naman ni Jehu.

"Ako rin!"

Sagot naman ni Raphael. Lumapit sa Diyos sila Uriel, Raphael, Jehu, at Michael. Handa silang bumaba para samahan ako sa lupa. Naluhaluha ako nung makita kong tumango si Boss.

"Hindi ko kayo maaaring bitiwan. Pero pwede ko naman siguro kayong pagbigyan na makasama si Gabriel. Ang misyon ninyo ngayon ay ang siguraduhing isasabuhay niya ang mga aral na itinuro ko sa inyo. Lahat kayo ay maaaring magbigay ng isang pagsubok sa kanya upang mapatunayan niya na karapat dapat siyang pagbigyan sa kanyang kahilingang maging tao."

Mahirap man gawin, alam kong kaya kong lampasan ang anumang pagsubok na haharapin ko.

"Pero bago ang lahat Gabriel, hindi ba't hindi pa tapos ang misyon mo sa lupa? Hindi pa rin nagkakaayos ang mga taong binabantayan mo. Humayo kayo't tapusin ang anumang kailangan ninyong gawin."


Hindi nagtagal ay nasa park na kami.

"Hindi nila tayo nakikita."

bulong ni Jehu. Nasa harap lang namin si Jesica na patuloy pa ring umiiyak, at si Abby na nasa likod lang niya't nahihiyang lumapit. Ito na ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang oras kung saan papatawarin na nila ang isa't isa. Dahan dahang lumapit si Abby kay Jesica.

"Jess..."

Sabi niya.

"I'm really sorry. Alam ko na ang lahat."

"I'm sorry din Abby kung itinago ko sayo yung totoo."

Umiyak si Abby at niyakap naman siya ni Jesica.

 

"Naaalala mo ba itong lugar na to?"

tanong ni Jesica. Tumingin sa paligid si Abby at ngumiti.

"Dito tayo unang nagkakilala."

sagot niya. Ngumiti silang dalawa at kinalimutan na ang lahat ng masasamang pangyayari sa pagkakaibigan nila. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Chaim bitbit ang isa pang magandang balita.

"Abby, Jesica, humingi na ng tawad si Angelica sa judges, binawi na nila yung disqualification natin!"

masayang sabi ni Chaim. Tuwang tuwa silang lahat pero meron pa ring nakapansin na may kulang sa eksena.

"Asan si Joshua?"

tanong ni Abby.

"Hindi niyo pa ba siya nakikita? Kanina pa niya kayo pinuntahan ah?"

sabi naman ni Myca. Hindi pa ito ang oras para magkita kami.


[Jesica's POV]

 

"Be ready, you'll be next in two minutes."

sabi nung stage coordinator. Tumingin ako sa mga kabadong mukha ng mga kaibigan ko.

"He's still not around?"

tanong ko sa kanila. Halos sabay sabay silang umiwas ng tingin sakin. Bakit ba ganito? Kung kelan ok na ang lahat, tsaka pa siya mawawala. Nakita ko kanina yung kaibigan nyang si Uriel.

"Wag kang mag-alala, hindi gagawa si Joshua ng dahilan para magalit ka sa kanya."

That's what he said, pero asan na siya? Asan na si Joshua?

Two minutes passed by quickly at naghanda na kami sa stage. I looked at the audience at nakita ko agad yung apat niyang kaibigan na kaway ng kaway sakin. Asan na siya? Siya pa naman ang maguumpisa.

The song started just as he started singing. Napalingon kaming lahat sa kanan kung saan nanggagaling yung boses niya. Lumapit siya sakin at inalalayan ako papunta sa gitna ng stage. Just as what we practiced.

Joshua:
I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be.


Me:
Everybody's searching for a hero
People need someone to look up to
I never found anyone who fulfilled my needs
A lonely place to be
So I learned to depend on me.


Lumapit si Abby kay Chaim at sabay silang nagpunta sa gitna ng stage.

 

Abby:
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity


All:
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all

Chaim:
I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be


Angelica:
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity

 

Humarap sakin si Joshua at bumulong sa tenga ko.


"Hindi na kita iiwan."

 

All:
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all


For every trials that we may face...there's always that one person that will be by our side.

 

Maging tao man ito...

or Angel.


*The ending will never be the end of every story. :) *
*Abangan ang book 2 ng One Voice."

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page