top of page

Chapter 7: Other Side

[Alie’s POV]

Huminto ang mundo ko nang makita ko yung picture sa screen. Sino siya? Sino sila? Bakit ko sila kamukha? At bakit malakas ang pakiramdam kong may kinalaman sila sakin?


Hinigpitan ko ang pagkapit sa armrest ng upuan ko. Hindi ‘to totoo. Naramdaman kong nakatingin sakin ang lahat. Ineexpect ba nilang alam ko ‘to? Tumingin ako kay Kuya, nakatulala pa rin siya at tinititigan pa rin yung picture. Ano bang nangyayari sa buhay natin Kuya? Ano bang pinasok ng pamilya natin?


Tumingin si Kuya kay Mommy at Daddy. Nahuli ko silang nakatitig sakin. Hindi sila mukhang gulat. Ano bang kalokohan ‘to? Hinihintay kong i-confirm nila ang kutob na kanina pa bumabagabag sa isip ko. Sila nga ba ang mga magulang ko? Kaya ba pakiramdam ko hindi ko kapatid si Kuya? Kaya ba hindi ganun ka gaan ang loob ko sa inyo Mommy at Daddy? Kaya ba hindi niyo ako kamukha? Kaya ba kami pinatawag dito para malaman ang totoo? Sila Cathlyn at Art nga ba ang totoo kong mga magulang?


Sa dami ng mga tanong ko, isang sagot lang ang gusto kong marinig, sana hindi. Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtango nila Mommy. Dahan dahang gumuho ang mundo ko. Dahan dahan ding lumingon sakin si Kuya. Hindi ko nga pala siya Kuya. Kitang kita sa mukha niya ang awa sakin. Nagpatuloy sa pagkwento si Earl. Ayoko nang marinig ‘to. Ayoko nang malaman kung buhay sila o hindi. Ayoko nang malaman dahil alam kong masasaktan lang ako anuman sa dalawa. Kung patay na sila, bakit? Bakit hindi na lang nila ako isinama? At kung buhay pa man sila, anong klaseng mga magulang sila?

“17 years ago, Cathlyn, Art and their baby left their house in Tagaytay for a summer vacation here in Keila. Reunion rin sana yun nila Mommy. Madaling araw sila umalis ng bahay nila ang supposed to be here by morning. Pero walang dumating na Cathlyn. Just a totally savaged Art and a crying Alyanna. Nabangga ng dump truck ang sinasakyan nilang SUV and it instantly killed Cathlyn.”

Just as I expected. Bakit ba lahat na lang ng mga accident sa kotse? Hindi ko man tanggap ang mga nangyayari, gusto kong malaman kung anong kasunod ng kwento. Pano ako nakarating kila Mommy?

​​

“Asan na ngayon si Art?”

tanong ni Eah.


“He died 2 days after the accident. Ibinigay si Alyanna kay Tita Emma na bestfriend ni Cathlyn. After that, Ace, Tita Emma’s younger brother decided to adopt Alyanna and called her Nathalie named after her foster brother, Nathaniel.”


Sagot ni Earl.

This is too much. Ano pa bang gusto nilang gawin ko? Tapos na tong mga pangyayaring to? Bakit gusto nilang balikan ko ang lahat? Masakit na nga malaman na ampon ka lang. Tapos ngayon malalaman ko pang patay na ang real parents ko? Bakit ba binuhay pa nila ako? Hindi ko na mapigilang umiyak. I stood up ang head for the door. Narinig ko pang tumawag si Nat sa likod ko pero hindi na ako lumingon. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Paikot ikot lang sa buong beach. Saan ako pupunta? Saan ako iiyak? Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa pinto ng studio. Isang bagay lang ang dapat kong gawin. At yun ay ang kumanta hanggang sa mapaos ako.

Lumapit ako sa grand piano at nagsimulang pumindot ng random keys. Nat taught me to play. This is the only thing that calms me. I started playing the perfect song, Dreaming With a Broken Heart.

Kakanta na sana ako nang makita ko sa bintana si Nat. tumatakbo siya papunta dito. Ayoko na rin sana siyang pansinin kaso, sa di kalayuan, may nakita akong kotse na sira ang headlight. Kinabahan ako bigla. My golly! Napatakbo ako pababa ng stage at palabas ng pinto.

Parang slow motion ang pangyayari. I saw relief in Nat’s eyes pero after a few seconds lang tumilapon na siya palayo. Muling huminto yung mundo ko. Bakit Lord? Bakit siya pa?


Lumabas sa kotse yung babae na obvious namang nurse dahil sa suot niyang scrub suit. Gulat na gulat din siya sa mga pangyayari. Lumapit agad siya kay Nat at halos iiyak na siya. Tumingin siya sakin. Bigla kong naalala na may paa nga pala ako. Tumakbo ako papalapit sa kanila.

“Ayos lang ba ang Kuya ko? Kuya! Wag ka bibitaw Kuya, malapit lang ang hospital dito.”

Hindi ko na mapigilan ang pagiyak. Bakit ba ganito? Bakit ba sobrang importante mo sakin Nat? Pinilit naming buhatin siya kahit napasigaw siya sa sobrang sakin. Lord, ano bang ginawa ko sa inyo? Bakit nyo ba ko ginaganito?

“Wag ka nang umiyak Miss, hindi tayo makakatulong kung iiyak lang tayo.”

Sabi nung nurse na halatang pinipigil yung sarili niya sa pagpapanic. Nakasakay na kami nun sa kotse niya at papunta nang ospital. Ano bang sinasabi niya? Pagkatapos niya banggain si Nat sasabihin niya wag akong umiyak? Sino ba siya?


“My brother almost died! You freaking hit him! Tapos sasabihin mo sakin na wag akong umiyak?!”

sigaw ko sa kanya.


“Please. Stop.”

Bulong ni Nat na hawak hawak yung dulo ng long sleeves ko. Pareho kaming nanahimik nung nurse. Kinuha ko yung kamay niya and kissed his fingers. Hindi ko na kaya lahat ng sakit na binibigay mo sakin Lord.


“Please Nat. Live for me.”

bulong ko. Tumango siya at ipinikit ulit yung mga mata nya. I guess matutulog na siya.

“Natulog ba siya?”

tanong nung  nurse.


“Yes.”

Sabi ko naman ng mahinahon. Tama si Nat, I should stop harassing this girl.

​“Sana hindi siya natulog, baka kasi may concussions siya, it’ll result to brain damage kapag hindi siya conscious all the time.”

Sabi niya. Ano bang problema nitong babaeng to?


“Kung ikaw kaya yung nasagasaan? Sa tingin mo ba mapipigilan mo yung sarili mo sa pagtulog?”

tanong ko sa kanya.

Nainis na rin ata siya kaya itinodo na niya yung pagd-drive. Saglit lang ay nasa emergency room na kami ng ospital. Nagulat yung tatlong doktor na nagpapahinga sa ilang monoblock na nasa ER nung makita nila ako. Dahil siguro sa dugo ni Nat na nasa damit ko.

“Please. Help my brother.”

Nagtayuan sila kahit na obvious na confused sila. Nagulat rin ako nung may makita akong doktor na kamukhang kamukha ni Felix. All of a sudden, pumasok sa utak ko yung pictures kanina sa conference room. Frederick Uma Smith. He’s the father of Felix. Posible. Kasi hindi ko pa naman nameet ang Dad niya. Sana gawin niya lahat para mailigtas si Nat.

Lahat nagkagulo nang makita nila si Nat. Nagtayuan sila at lahat sila lumapit sa gourney kung saan nakahiga si Nat. Nagulat ako na nagulat yung dalawang doktor. Ngayon ko lang napansin na kamukha rin pala ni Dexter yung isa pang doktor. Si Daniel Mendoza. Ano bang nangyayari sa lugar na ‘to? Lahat na lang ba magkakamag-anak?

​​

“Gaano katagal na siyang walang malay Casey?”

sabi nung doktor na kamukha ni Felix.


“5 minutes ago nagsasalita pa siya.”

Sabi naman nung nakabangga kay Nat na Casey pala ang pangalan.


“Anong nangyari?”

tanong naman nung isa pang doktor na kamukha naman ni Dexter.


“I hit him Dr. Mendoza. Bigla kasi siyang tumawid. Sira yung headlight ng kotse ko kaya hindi ko siya nakita. I guess I hit him on his right rib cage. And he bump his head on the cement.”

Sagot ni Casey.


“Call the police, file a report.”

Utos nung kamukha ni Felix.


“Yes Dr. Smith”

sagot ni Casey.

Hinatak nila papunta sa isang room si Nat at sinabihan akong maghintay lang sa ER. Umiikot na yung buong paligid ko. Nakita ko si Casey na lumapit sa phone booth at tumawag. Maya maya lang lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

​​

“Gusto mo ba ng tubig?”

tanong niya sakin. Tumango lang ako at umalis na siya agad. Sa dami ng sama ng loob na namumuo sa puso ko, hindi ko na magawang magalit sa kanya. Hindi naman niya sinasadya. Sinugod naman niya agad sa hospital si Nat.


Umupo ako sa monoblock na inabandona nung tatlong doktor. Ang daming kagulat gulat ngayong araw na to. Nagulat ako na nandito yung dalawa sa mga lalaking dapat ay nasa council meeting. Dahil ba doktor sila kaya excused sila? Hay naku. Ang dami nang problema sa pagkatao ko, dumadagdag pa tong mga magulang ng mga kaibigan ko.

Maya maya lang dumating na si Casey na may hawak na bottled water at biskwit.


“You should eat. You looked famished.”

Sabi niya sakin. Mali siya. Hindi naman ako nagugutom eh. I just want my brother safe.


“Wag kang mag-alala, si Dr. Lopez ang pinakamagaling sa lugar na ‘to. Magiging ok rin ang kuya mo.”

Sabi niya sakin habang binubuksan yung bottled water at inabot sakin.

Bigla kong naalala na dapat kong sabihan sila Mommy about this. Pero kaya ko kaya silang harapin? Pagkatapos kong malaman lahat ng mga bagay tungkol sa pagkatao ko? Pagkatapos kong malaman na itinago nila sakin yun for 17 years? Gugustuhin ko pa bang makita sila?


Teka teka, ano ba ‘tong iniisip ko? Uunahin ko pa ba ang pride ko kesa kay Nat? Nagcontemplate ako ng todo. Ano bang dapat kong gawin? Ang tagal na naming naghihintay ni Casey pero wala pa ring balita.

“Wala ba kayong ibang kamag-anak?”

tanong niya. Bakit ba lahat na lang naitatanong nitong babaeng ‘to?


“Meron.”

Sagot ko. Sana tumigil na siya sa kakatanong niya.


“Hindi mo ba sila tatawagan?”

Hay naku. Wala na ba siyang ibang magawa? Sumimangot lang ako sa kanya. Mukha namang naintindihan niya na ayokong sagutin siya kaya nanahimik na lang siya.


“Would you just at least give me your name?”


“Alie.”


“Alie? Nathalie Perez? Yung bagong girlfriend ni Felix?”

nanlaki yung mata niya na para bang nakakita ng alien.

Bagong girlfriend? Kelan pa niya ko naging girlfriend? At may luma ba? Kumunot yung noo ko sa tanong niya. Ano bang sinasabi nitong babaeng ‘to?

​​

“Baka napagkamalan mo lang ako, sa pagkakaalam ko kasi hindi naman ako niligawan ni Felix.”

Sagot ko sa kanya.


“Ah. Ok. Pero ikaw nga yung Nathalie Perez na bisita nila sa Keila?”


“Sa gulo ng mga buhay ng mga tao na nakatira dun, hindi na ko magtataka kung may iba pang Nathalie Perez.”

Halatang naguluhan siya sa sagot ko pero hindi na niya ko napilit dahil maya maya lang nasa pinto na si Felix at Kiel. Hingal na hingal at pawis na pawis sila. Mukhang tinakbo lang nila mula Keila. Nung nakita na nila ako nagmadali silang lumapit. Kaso, nung nakita nila si Casey, sabay din silang napaatras. Now what? Wag niyong sabihin sakin na parte rin siya ng pamilya? Minsan na nga lang makakilala ng tao na hindi kasali sa gulo na pinanggalingan ko eh.

Casey smiled but it didn’t reached her eyes. Kilala siya nung dalawa, sana naman kaibigan lang siya. Nung napansin kong hindi na talaga lalapit samin sila Felix, tumingin na ko sa katabi ko.


“You should talk to them.”

Sabi niya. Ako pa ba ang lalapit?


“Ano namang problema nila sa’yo?”

bulong ko sa kanya. Nilapit niya yung bibig niya sa ulo ko at nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.


“May restraining order na kasi siya.”

Sabay turo kay Felix. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kunot ng noo.

​TRO? For what?


“Ask him.”

Sagot niya sa unspoken question ko.

Kahit na pagod na pagod na ako at masakit pa yung pwet ko kakaupo, tumayo ako at lumapit dun sa dalawang gentledog. Sana man lang kahit si Kiel man lang lumapit sakin. Nung malapit na ako kay Felix, hinatak niya agad yung braso ko at kinaladkad ako palayo kay Casey. Pero sinigawan muna nya to.​

​​

"You should fix your headlight!"​

​​

"You should shut your mouth!"

sagot naman ni Casey. Ano bang problema nitong dalawa?

“Ano ba? Nasasaktan ako!”

reklamo ko sa kanya. Napahinto agad siya at binitawan niya agad ako. Humawak ako sa nananakit kong braso. Niyakap niya na lang ako bigla. Ano bang topak ng mga tao rito? Kahit na nakakailang, eto pala yung kailangan ko. Medyo gumaan yung pakiramdam ko.

“I really thought it was you.”

Nung una hindi ko pa nagets kung anong sinasabi niya pero nung makita kong hawak ni Kiel yung scarf ko na may dugo dugo pa ni Nat, realization struck me. Akala niya napahamak ako. Hay naku Felix, kelan ka ba hihinto sa pagiging sweet?


Pero kahit na gano pa kasarap, hindi pa rin mawawala yung fact na nasa peligro pa rin yung buhay ni Nat. Bakit ba ang tagal nung doktor? Maya maya lang, may narinig na akong footsteps na papalapit. Hindi pa rin ako pinapakawalan ni Felix, but instead, hinigpitan niya lang lalo. Naramdaman kong umiling si Felix at nagfade na yung footsteps. Sino kaya yun?


Sa wakas ay pinakawalan na niya ako. Lumingon agad ako pero wala namang ibang tao bukod saming tatlo. Ano na bang nangyayari sa mundo?


Hinatak ulit ako ni Felix pabalik sa ER pero this time, hindi na niya ko kinaladkad dahil kusa na akong sumama. Nakaupo pa rin si Casey habang kinakain yung biskwit na para sana sakin. Oks lang, hindi din naman ako nagugutom. Mukha ngang mas kabado pa siya kesa kila Kiel. Kung sabagay, lagi namang kalmado si Kiel.


Tumingin ng masama si Casey kay Felix pero ngumiti siya samin ni Kiel. So kilala niya rin si Kiel. Sino nga kaya itong babaeng ‘to?


All of a sudden, lumabas si Dr. Lopez. Yung pangatlong doktor na walang kamukha. Asan na si Dr. Smith at Dr. Mendoza kung kelan kailangan mo sila?

“You’re the next of kin?”

Tanong niya saming tatlo. Tumango lang kami ng sabay sabay at nagstart na siya magsalita na parang alien. Ang hirap intindihin kapag doktor.


“Just get to the point!”

napataas masyado yung boses ko. Nakakairita na kasi, pinapahaba pa. Tinignan ako ng masama nila Felix. Sa di kalayuan, nakikinig din si Casey at nakasimangot na rin sakin.


“Ligtas na siya, minor injuries lang sa katawan.”

Sagot niya sakin. Nakasimangot pa rin. From the start, nageexpect ako ng malala, alam kong meron pang iba, ayaw lang niya sabihin.


“Pero…?”

tanong ko. Lalong tumindi yung kunot sa noo niya pero poker faced pa rin siya.


“Pero he’s in a deep coma and nobody knows kung kelan siya magigising.”


Tuluyan nang nagcollapse yung mundong kinatatayuan ko.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page