top of page

Chapter 4: Playful Hearts

[Alie’s POV]

 

Hindi ko inaasahan lahat ng pangyayari. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. I really like Felix. He makes me laugh, he makes me feel safe. Kapag kasama ko siya, nawawala lahat ng kaba ko, lahat ng frustrations ko, lahat ng bagay na nagpapahirap ng buhay ko. Lahat…nakakalimutan ko lahat.
Hindi ko mapigilan yung puso ko sa pagsigaw. Sabi nga sa kanta ng Forgive Durden…


“It's true love, it's true love...
It's true love, it's true love...”


Ano pa bang mas sasarap pa sa feeling kapag in love?


“Hoy Gising!!”


Sigaw ni Eah.


Aaaaand I’m back to reality.


Heto na naman ako, natutulala bigla. Kanina ko pa nga pala katabi si Eah na kwento ng kwento about sa story nila ni Kiel. I still can’t believe na naghintay si Eah for two years. Pero mas hindi ako makapaniwala na pinaghintay siya ni Kiel for TWO YEARS!!! Stupid guy. Hindi ba niya alam na hindi tama yun? Hindi tamang pinapaasa yung mga babae. Mali yun! Mali, mali, mali!


“Hindi naman sa nakikielam ako Alie, pero ilang linggo na kayong hindi naguusap ng kapatid mo. Hindi mo naman siya kailangang pahirapan ng ganun. Hindi naman din ganun kadeserving si Felix para sirain mo yung samahan niyo ng Kuya mo. At isa pa, alam naman nating lahat na pinagtatanggol ka lang niya.”


Tumingin ako ng seryoso sa kanya.


“In short, nakikielam ka nga?”


Ngumiti siya at tumingin sa malayo.


“I once told Kiel na wag na wag na niya kong lalapitan. And he left me for two freaking years. Be careful about what you wish for, baka one day maramdaman mong wala na talagang pakielam sayo si Nat.”


What if.


What if one day, hindi na papakielaman ni Nat yung buhay at mga decisions ko? Hindi ba dapat ituring ko yung himala? Pero parang hindi rin tama. I like it when he stand up for me. Gusto kong binabantayan at inaalagaan niya ako.


Haaaaaaaaaaaaaay >_________________<  ang gulo.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakakainis kasi si Nat! Bakit ganun siya? Ipapahamak niya pa yung ibang tao dahil lang sa pagiging T.H. (tamang hinala) niya.

 

Lahat naman ng sinasabi niya sinusunod ko. Lahat naman ng gusto niya ginagawa ko. LAHAT! Pero hindi pa rin ako pwede maging masaya. Bawal pa rin mag-enjoy. Bakit? Sino ba siya? Kuya ko lang naman siya. Hindi naman siya si Daddy para maghigpit ng ganun sakin.


Habang tahimik kaming nakaupo sa batuhan at nagmumunimuni, hinihingal na dumating si Kiel.


“B-Babe… i-it’s haaaa its tahhaaaym.”


Nanlaki yung mga mata ni Eah at halatang excited siya.


“Already?”

tanong niya.


“Yeeeeheeesss..”

sagot ng hinihingal pa ring si Kiel.


Tumayo si Eah at hinatak ako, papunta sa beach. Sumunod naman samin si Kiel.


“Ano bang meron?”

tanong ko.


“Fashion show.”

She said.


“Fashion show? Mukha ba kong interesado sa Fashion Show?”

tanong ko naman.


“Rarampa yung kuya mo.”

Sagot nya.


Napahinto ako kaya napahinto din sila ni Kiel.


“Weh? Niloloko mo naman ako Eah eh.”


Tinitigan ako ni Eah sa mata.


“We’re serious Alie. Habang nagmumukmok ka sa isang tabi, your brother doesn’t give a fuss. Sumali siya sa Bikini Open and as far as I know, siya ang escort ngayon nung designer na nagproduce ng fashion show.”


Punong puno ng excitement yung mga mukha nila.


“owwwwkey let’s go.”


Hinatak ko na sila sa kung saan man yung show na yun at halos tumakbo na kami papunta dun.


Pagdating namin sa west part ng beach kung saan may tinayong makeshift na stage, tumambad samin ang napakaraming tao. Sa di kalayuan kumakaway samin si Felix.


Si Felix! :3


Nakipagsiksikan kami sa mga tao para makapunta sa pwesto niya. May VIP seats kami.


Umupo kami and after a few minutes, the show started.


Full of sexy bodies O//////////////////O


Hindi ko naisip na ganito palang klaseng fashion show ang sinalihan ng kuya ko. Lahat ng tao naka-underwear lang. Magkakasala ako ng dahil sa mga to. Di nagtagal ay natapos na yung mga nakakatuksong lalaki at nagsalita na yung emcee.


“And now, the ONE, the ONLY, and the last person tonight that deserves your loudest cheer…Designer Kaye Richardson and her escort for tonight, Nathaniel Perez!!!”


At ayun na nga. Lumabas yung isa pang sexing babae na may hawak na boquet of flowers kasama yung kuya kong ilang linggo ko nang hindi nakikita. Hindi na namin napigilang magcheer para kay Nat. Syempre, kahit warlock kami ng Kuya ko, proud sister pa rin ako.


Sa tinagaltagal naming naghihintay na kawayan kami ni Kuya Nat, hindi man lang siya tumingin samin. Kumakaway siya sa ibang tao pwera lang samin. -________________________-


I think, kasalanan ko.


Kung hindi ako naginarte at kung hindi ko siya sinigawan, hindi niya ko lalayuan. Tama si Eah. Be careful of what you wish for.

 

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang event. Nagbalikan na sa mga cottage nila yung mga tao, naglilinis na yung maintenance pero nandun pa rin kaming naghihintay kay Nat. Ako, si Eah, Felix, Kiel, Dexter, Claire, Earl, Ryan, at Hannah. Sila Mommy hindi nakapunta dahil may reunion sila ng parents nila Earl at ng parents nila Kiel.


Pinaguusapan nila Earl na ngayon lang nila nakita yung Kaye Richardson na yun. Pero he’s pretty sure na galing siya sa family ng isa sa mga owners ng Keila.


“Kung mapapatunayan natin na talagang Richardson siya, ibig sabihin lang nun… pinsan namin siya.”

Sabi ni Hannah.


“Kung talagang Richardson siya, bakit siya nandito? Wala naman sating nakakakilala sa kanya. Sobrang coincidence naman nun kung nagkataon lang na gusto niyang magbakasyon dito.”

Sagot naman ni Earl.


Sa totoo lang, wala akong pakielam sa Project Keila na yan. Ano namang pakielam namin sa mga pinsan namin? Hindi naman big deal yun.


“You don’t seem to be interested.”

Bulong ni Felix sakin.


Tumingin ako at ngumiti awkwardly.


“Actually…”


Napatingin silang lahat sakin habang nagsasalita ako.


“I don’t really understand the importance of finding those people. Hindi ba’t nananahimik na sila? Bakit pa ba natin guluhin yung buhay nila?”


Tinignan lang nila ako at nagface palm.

Ngumiti si Felix at umakbay sakin.


“Darling Alie, I know the feeling of not knowing anything. I know it’s irritating, I know that it’s annoying, but it’s hard to explain. On the contrary, you are very fortunate that tonight will be the council meeting.”


Tinignan ko lang siya. Parang alien pala si Felix. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.


“And the council is composed of…?”

tanong ko naman.


“Us. Everyone in these families. You, your brother, your parents, our parents, everyone.”


Ok.  So ngayon, mas naguluhan pa ako sa mga sinasabi niya. Pero buti naman at maliliwanagan na ako mamaya.

 

Di nagtagal ay dumating na ang star of the night. Binati siya nila Kiel at mukhang masayang masaya silang magkakasama. Lumapit siya samin ni Felix pero hindi niya ako tinignan.


“Felix, I’m sorry about the last time. I hope we could start again.”


Inabot niya yung kamay niya para makipagshake hands. Of course, inabot naman ni Felix.


“It’s alright bro. I always wanted to be a friend of yours. See you at the council meeting.”


They shook hands and then he left. Hindi man lang lumingon sakin.


What have I done to my brother?

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page