top of page

Chapter 6: Practice

[Jesica's POV]


Malungkot si pa rin si Abby. Nasa kanya na nga ang lahat, malungkot pa rin siya. Sa kanya na nga naniniwala lahat ng mga kaibigan namin, malungkot pa rin siya. Hindi ko na nga siya ginugulo, malungkot pa rin siya.
Ano bang kailangan kong gawin para maging masaya siya? Ano pa bang kailangan kong isakripisyo wag lang siyang magkaganito?


Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nanonood kay Chaim at Abby na nagp-practice ng sayaw nila para sa club nila. Interpretative yun. At ang kanta? 

Warrior Is A Child.


Hindi ko na naiwasang kumanta. Paborito ko kasi yun dahil sobrang nakaka-relate ako dun sa kanta.


Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight


Kahit na nagpapakatapang ako sa harap nilang lahat, kahit na handa akong ipagtanggol ang sarili ko sa mga panlalait nila,... Nasasaktan pa rin ako.


People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years


Akala nila ganun ako katapang. Akala nila ganun ako katatag.


But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears


Di ko na naiwasang maluha rin. Kung alam lang nila kung gaano kahirap mabuhay habang pinagsisisi ka sa isang bagay na hindi naman ikaw ang may gawa.


They don't know that I come running home when I fall down    

       
Mabuti na lang at nandyan si God para patatagin ako. Binuksan ko yung hawak kong Bible. How I wish tao na lang si God para at least may isang taong handang makinig sakin.         


They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
'Coz deep inside this armor...     
  


Pinunasan ko yung luha ko at nagsimulang magbasa.

After all,        


The warrior is..

JUST

..a child.          


"Jesica? Bakit nandito ka?"


napalingon ako sa nagsasalita. Buti na lang pinunasan ko na yung luha ko. Wag lang sana namumugto yung mga mata ko, kundi makikita ni Joshua na umiiyak ako.


"Huh?"


"Sabi ko, bakit ka nandito? Magp-practice na tayo maya maya, bakit di ka pa umaakyat?"


nakangiti na naman siya. Mabait naman ako at hindi sobrang bitter, pero nakakaburyo talaga yung ngiti niya... dahil alam kong hindi para sakin yun.
Siguro nga, sa sandaling nakasama ko itong si Joshua, nahulog na rin yung loob ko sa kanya. Sino bang hindi? Kahit si Abby obvious na obvious yung pagka-crush sa kanya, kahit ibang mga babae sa school nagkakandarapa sa kagwapuhan niya.


Pero... ang hirap mahulaan kung sino talaga ang gusto niya. Minsan sobrang bait niya, gentleman at mapagpakumbaba. Pero bakit? Anghel ba sya o santo para magpakabait ng ganun?


"Bakit ikaw?"


tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya.


"Tatawagin ko lang sana sila Abby. Kaso nakita kita kaya inuna ko nang daanan ka."


Bakit ba ganito to? Sana hindi na lang niya ko iniisip. Sana hindi na lang siya thoughtful.


"Uhmm.. Jesica, ano yang binabasa mo?"


"ah.. Bible."


bigla na lang syang ngumiti ng nakakaloko. Baliw ba to? Pero napansin ko na parang maluluha na sya. Baliw nga.


"O-ok ka lang ba?"


tanong ko.


"Oo naman."


pinunasan niya yung mga mata niya.


"Tears of joy lang. Natouch kasi ako. Nagbabasa ka pala ng Bible."


"Alam mo, mas lalo kang nagiging weird. Nagd-drugs ka ba?"


hindi ko na talaga maiwasang magtanong, ang weird kaya talaga.


Tumawa lang siya ng malakas. Adik nga siguro talaga to.


"Tara na nga, male-late na tayo."


sabi ko naman.


Tumayo siya pero tumatawa pa rin everytime na tumitingin sakin. Pinuntahan namin si Abby at Chaim, nasa likod lang ako ni Joshua.
Tumingin ng masama sakin si Abby pero sumama rin siya samin.
Buong araw kaming nag-practice. Everytime na may free time kami, walang hindi naki-cooperate.


Buong araw rin kaming magkausap ni Joshua. Hindi na talaga magiging masaya si Abby sa pinag-gagagawa ko. Buong araw rin kasi siyang nakatingin ng masama sakin.


"Don't worry about her."


sabi ni Joshua na parang nababasa ang utak ko.


Lalo lang akong nagworry kay Abby. Anong iisipin niya kapag nalaman niyang may gusto din ako kay Joshua? Lalo lang niya kong tatawaging traydor.


"Great practice guys!"


sabay na nagsalita si Chaim at Abby. Natawa lang si Abby. Si Chaim naman napayuko.


Matagal ko nang alam na may gusto si Chaim kay Abby.

Actually, hindi naman torpe si Chaim eh, lagi lang wrong timing yung pagtatapat niya. Mahal na mahal na niya si Abby simula pa lang nung mga panahon na "tahimik" pa yung mundo namin. Nung ok pa ang lahat.


"Bagay sila no?"


bulong ni Joshua sakin. Nagulat ako. Akala ko talaga may gusto siya kay Abby. Pero ano to?


"Joshua,"


"hmm?"


"wala ka bang gusto kay Abby?"


nagulat siya sa tanong ko.


"WALA!"


natatawa siya bigla.


napangiti lang ako.


Pumikit si Joshua at ngumiti. Nakaupo kami nun sa armchair sa likod na parte ng room. Lunch break kasi namin yun. Tinuloy ko lang yung pag-inom ko ng Coke ko.


"Jesica?"


tawag niya.
iniinum ko pa rin yung Coke.


"hmmm?"


"Wala ka bang gusto sakin?"


nabuga ko yung Coke na iniinum ko. Nagugulantang na talaga ako sa pinagsasasabi niya.


"ANO?!"


tumawa lang siya pero tumingin din siya sa mga mata ko.


"Kasi Jesica, wala akong gusto kay Abby, ikaw ang gusto ko."


tumayo siya, ngumiti at lumabas ng classroom.
pero maya maya lang, bumalik uli siya at hinalikan ako sa pisngi. Umalis na siya ng tuluyan.


Sino daw gusto niya?


Nakita kong sinundan ni Abby ng tingin si Joshua. Kanina pa pala siya nakatingin samin.


Nakasimangot na naman siya. Lumapit siya at tumabi sakin.


"Hindi ko alam kung ano na naman ang plano mo, pero sinasabi ko sayo, hindi mo na ko mata-traydor dahil hinding hindi na ko magtitiwala sayo. Take this as a warning, layuan mo si Joshua, masyado siyang mabait para lokohin mo."


tumayo siya, tumalikod at umalis.


maghintay ka lang Abby, mapapatunayan ko rin sayong inosente ako.


tumayo ako, tumingala at lumabas.

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page