Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 6: Slumber
[Nat’s POV]
Hindi totoo ‘to. Parang lumulutang yung utak ko sa dami ng mga rebelasyong nangyayari. Everything seemed to be so unfamiliar. Tumingin ako sa picture nung babae’t lalaki, tumingin ako kay Alie, the resemblance is so significant. I searched for answers and looked at Mom and Dad.
Pareho silang tumango. Tumulo ang luha sa mga mata ni Alie. That’s the time that I realized na hindi para sakin yung sagot nila Mommy, kundi confirmation kay Alie ng katotohanan.
Para malaman na hindi mo magulang ang mga taong itinuring mong magulang, it will freaking kill me. And I’m pretty sure na ganun ang nararamdaman ni Alie ngayon.
Cathlyn Smith and Art Mendoza, Alie’s parents, Alie’s real parents. Hindi kami blood related ni Alie, hindi incest, hindi forbidden.
Suddenly, naalala ko yung sinabi ni Kaye sa kubo, the night na nagkakilala kami.
“It is not love that is blind Nat, but jealousy is. Everything is within your grip my friend; you are just being blind about it.”
This is what she meant. She knew all along. Alam niya lahat and maybe, it’s the real reason why she’s here. Para paliwanagan kami sa mga katotohanang itinago ng parent’s namin. Tumingin ako kay Kaye na poker faced at pinipilit na iwasan ang mga mata ko.
Hindi nagtagal ay itinuloy na ni Earl ang pagpapaliwanag.
“17 years ago, Cathlyn, Art and their baby left their house in Tagaytay for a summer vacation here in Keila. Reunion rin sana yun nila Mommy. Madaling araw sila umalis ng bahay nila ang supposed to be here by morning. Pero walang dumating na Cathlyn. Just a totally savaged Art and a crying Alyanna. Nabangga ng dump truck ang sinasakyan nilang SUV and it instantly killed Cathlyn.”
Everyone seemed to be confused.
“Asan na ngayon si Art?”
tanong ni Eah.
“He died 2 days after the accident. Ibinigay si Alyanna kay Tita Emma na bestfriend ni Cathlyn. After that, Ace, Tita Emma’s younger brother decided to adopt Alyanna and called her Nathalie named after her foster brother, Nathaniel.”
Hindi na napigilan ni Alie ang pagiyak. She stood up and left the conference room. Hindi ko maiwasang masaktan habang nakikitang nasasaktan si Alie. Carpe Diem yan ang turo ni Daddy sakin. Seize the day.
Tumakbo ako para sundan si Alie. Hindi ko na hahayaang may ibang dumamay sa babaeng mahal ko. Hindi ko na hahayaang mawala sya uli sakin. This is the time to tell her how much I love her.
Tumakbo ako sa hallway. Hindi ko alam kung na saan siya, pero I am pretty sure where to look. Dumiretcho ako sa batuhan kung saan lagi silang magkasama ni Eah, no Alie there. Pumunta ako sa kwarto niya, wala rin dun. Nagpunta ako sa chapel, wala pa rin siya dun. Asan na kaya siya? Nilibot ko na yung buong Keila pero wala pa rin siya. Saan kaya siya nagpunta?
All of a sudden, nakita kong bukas yung ilaw sa studio, something crossed my mind. Posible kayang nagpunta siya sa studio? Somewhere na makakakanta siya? Tumakbo ako patawid. Wala na kong pakielam sa kahit na ano pa man. I wanted to tell her na nandito lang ako. Na ako ang makakaramay niya.
Bigla na lang may bumangga sakin at tumilapon ako papalayo. Everything seemed to be in slow motion. Nakita ko si Alie, nanlaki ang mata niya at tumatakbo siya habang umiiyak. Bumaba yung babae sa kotse at kinausap ako.
“I’m so sorry, I’m so sorry. I’m a nurse pero dadalin ka na namin sa hospital, wag ka matutulog please.”
“Ayos lang ba ang Kuya ko? Kuya! Wag ka bibitaw Kuya, malapit lang ang hospital dito.”
Tumulo ang luha niya sa pisngi ko. It’s so warm. Binuhat nila ako at naramdaman ko yung sakit sa right rib cage ko. May malagkit at mainit na something din sa noo ko. Dugo siguro. Patuloy ang pagiyak ni Alie kahit nasa kotse na kami nung nurse. Please Alie, don’t cry.
“Wag ka nang umiyak Miss, hindi tayo makakatulong kung iiyak lang tayo.”
Sabi nung nurse. Nababasa niya kaya yung iniisip ko?
“My brother almost died! You freaking hit him! Tapos sasabihin mo sakin na wag akong umiyak?!”
sigaw ni Alie.
“Please. Stop.”
Bulong ko. Pareho silang nanahimik. Alie held my hand and kissed my fingers.
“Please Nat. Live for me.”
bulong niya. I want to sleep. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
Maya maya lang, narinig ko na yung iba pang mga tao na nagkakagulo.
“Gaano katagal na siyang walang malay Casey?”
sabi ng lalaki.
“5 minutes ago nagsasalita pa siya.”
Sabi naman nung nakabangga sakin.
“Anong nangyari?”
tanong naman nung isa pang lalaki.
“I hit him. Bigla kasi siyang tumawid. Sira yung headlight ng kotse ko kaya hindi ko siya nakita. I guess I hit him on his right rib cage. And he bump his head on the cement.”
Sagot nung Casey.
“Call the police, file a report.”
Utos nung unang lalaki.
“Yes Dr. Smith”
sagot ni Casey.
Nagising ako pero hindi ko maidilat ang mga mata ko. What’s happening? Wala akong maigalaw.
“How long has it been?”
narinig ko yung boses ni Felix.
“It’s been 4 days since the accident. Your Dad looked after him.”
Sagot ni Alie na malat ata kakaiyak? Pero bakit? Hindi pa naman ako patay diba?
“My father is dead Alie.”
Sagot ni Felix na halatang shocked. Dr. Smith, Felix Smith.
“You look awfully like him Lix.”
Sagot ni Alie.
Maya maya lang inantok na ko ulit.
“Please go home baby, kami na muna ang magbabantay kay Kuya mo. You haven’t eaten anything since Sunday.”
Boses naman ni Mommy yun.
“Please go away.”
Sagot naman ni Alie.
Bakit Alie? Wag ka namang magalit sa kanila. They adopted you. Ayaw ka lang nilang masaktan kaya hindi nila sinabi sayo. They loved you as much as they loved me. Bakit ka ba nagkakaganyan?
Hindi ko na kinaya yung antok at nakatulog na ulit ako.
“Please. God. Please give him back to me. Ayokong mawala ang lahat. Ayokong mawala si Nat. Eto na eh, nalaman na naming hindi kami magkapatid. Please let me have the opportunity to tell him how much he means to me. I’ll give everything for him to get better.”
Bulong ni Alie. I’m aware na mag-isa lang siya.
I tried to cry pero hindi pa rin ako nagigising mula sa pagkakatulog ko. I’m now aware na I’m in a coma.
“What are you talking about? He will live! He will wake up!”
sigaw ni Alie.
“Pero it’s been a month Alie. Let’s not get our hopes up. Maraming comatosed na hindi na nagigising, o kung magising man ay miracle na talaga.”
Mahinahon na sagot ni Earl.
“I believe in miracles Earl. So back off.”
Alie snapped.
It’s been a month. Hindi ko na nararamdaman yung sakit sa ribs ko. Hindi na rin sumasakit yung ulo ko. I’m ready to wake up. I heard Alie whisper in my ears.
“Please wake up Nat. I love you. I love you so freaking much.”