top of page

Chapter 1: The Fall

Prologue:
[Voice over]

I
Voice 1: Nagtiwala ako sayo! Pano mo nagawa samin to? Akala ko ba sama sama tayo dito?
Voice 2: Magpapaliwanag ako!
Voice 1:Wag na... Nangyari na ang lahat. Kalimutan mo na lang na naging magkaibigan tayo.

II
Voice 3: Handa ka na ba Gabriel?
Voice 4: Opo.
Voice 3: May tiwala ako sayo Gabriel. Alam kong kaya mo tong gawin.
Voice 4: Nangangako po ako sa Inyo.

 

[Joshua's POV]


Nagising ako sa isang kalsada at walang kaalam alam kung anong ginagawa ko dun. Pero ganun pa man, alam ko kung saan ako dapat pumunta. Lumakad ako papunta sa pinakamalapit na gusali na nakita ko.

Ayon sa panaginip ko, ang misyon ko ay hanapin siya…

Isang paaralan pala yung gusali na pinuntahan ko. May nakita akong mga lalaki na naguusap sa tabi ng gate. Di ko maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap.

"Come on dude, as if namang gusto kong pumasok sa klase nung retarded na teacher na yun? Kailangan ko lang may chill ng onti para sa gig mamaya."

Dapat siguro eh i-adopt ko na rin yung paraan nila ng pagsasalita. Isa akong binata ngayon. Dapat umarteng kabagay ng iba.

"Excuse me, Pwede ko bang malaman kung nasaan yung room 302..dude?"

Nagulat ata sila sa sinabi ko. Pero bigla silang tumawa kaya natawa na rin ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao.

Ako si Gabriel marami akong pangalan pero mas gusto kong yun ang itawag sakin. Isa akong Archanghel. At oo, seryoso ako. Hindi ako lunatic o sintu-sinto. Talagang bumaba ako sa langit para sa isang misyon. Yun ay ang hanapin yung isang particular na classroom, alamin ang problema nila at solusyonan yun. Sabi ni Boss a.k.a. God eh makikilala ako ng mga tao bilang Joshua. Nakakapagtaka sigurong isang archangel pa ang binigyan niya ng misyong ganito kadali. Pero sinabi rin niya sakin…

"Gabriel, alam kong isa ka sa mga pinaka-mapagkakatiwalaan sa aking mga anak. Ganun pa man ay isa ka rin sa mga dapat matuto kaya ipapadala na kita sa lupa para makasama mo na ang iba mo pang kapatid sa isang misyon."

Gusto ko pa sana itanong sa Kanya kung bakit hindi na lang si Uriel o si Raphael o si Michael o kahit sino. 7 naman kami. Pero alam niyo na, mahirap tumanggi sa image ko. Anghel kaya ako. Tsaka sabi naman Niya, lahat kami nasa misyon na to. Pito kaming inatasang magtanggol sa Boss ng lahat ng nilalang pero andito kami lahat sa lupa. It's a great job. Kahit mahirap, I'm proud na Archangel ako.

  Hindi ako sinagot nung mga lalaking tinanong ko. Kaya naghanap na lang ako ng ibang tatanungin.

"Room 302, hmmm…"

 

Naglalakad na ko nung biglang may bumangga sakin. Isa na yata siya sa pinaka magandang babaeng nakita ko. Walang malisya ah. Pero di hamak na mas kagandahan siya kesa sa ibang anghel sa langit. Maliit lang siya, payat at may mahaba at kulot na buhok na humaharang sa mga pisngi niyang kulay pink. Tinulungan ko siyang pulutin yung mga nalaglag na libro niya. Isa sa mga natutunan ko sa langit ay ang maging gentleman.

Sa huling libro na pinulot naming dalawa, bigla niyang nahawakan yung kamay ko. Ok lang naman sakin yun. Gawain naman ng mga tao yun diba?

Pero siya, biglang namula yung buong mukha niya na parang sasabog siya anytime. Nakatitig lang siya sakin at nanlaki yung mata niya. Bigla akong natakot. May sa-demonyo ata tong babaeng to. Pero grinab ko na agad yung pagkakataong makapagtanong. 

"Miss, alam mo ba kung saan yung room---"


"Huh?"


Bago pa ko matapos sa sinasabi ko, nagring na yung bell.

 

"Darn it! I’m late!"


Yun na lang yung nasabi niya at tumakbo na siya.


"Teka! Asan..yung..room.. naku naman!"


Nawala na talaga siya. Umakyat na ko sa 3rd floor nung building.

"Hello."

Nagulat ako. Biglang may nagsalita sa likod ko. Napasigaw pa nga ako pagkakita ko sa kanya. Isang payat at matangkad na lalaki na parang malaki pa yung salamin kesa sa mukha niya.

"Ahh!!! Sino ka? San ka nanggaling? Teka, alam ko ba kung saan yung room 302?"


tanong ko.

 

Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Tapos sa mata.

"I can see…you’re lost. So ikaw pala si Joshua Talastas, 16 yrs. Old, weight: 52 kg, height: 5’8."

"ha!! Pano mo nalaman yun? Manghuhula ka no?"

"Hindi, genius lang ako. Hinahanap mo yung classroom mo?"

"oo, alam mo ba kung saan yun?"

Tinaas niya yung kanang kamay niya at tinuro yung bintana ng hallway.

"30° north"

umikot siya at tinuro yung hallway na papunta sa hagdanan.

"45° south"

umikot uli siya at tinuro yung pinto sa gilid namin.

"10° east, and here it is!"

Bumulaga sakin ang isang masaya at maingay na classroom. Lahat ng tao nag-uusap, nagtatawanan at lahat may ginagawa. Isang atmosphere na talagang magugustuhan ng mga bored na anghel na tulad ko.

Masaya kong pinanood silang lahat sinabi ko pa nga dun sa lalaking genius na ang "Cool" nung classroom na yun.

"This is room 302, Ako si Chaim and I’m the class president, and they… are your classmates."

Lumakad siya papunta sa gitna at sumunod ako sa likod niya. Hindi pa rin siya pinapansin nung mga classmate namin.

He cleared his throat sabay sigaw.

"HELLO!!! QUIET DOWN!!!"

"Teka, akong bahala… good morning everyone! My name is Joshua Talastas, but they call me 'The Stunner’ and I’m glad to see you all. Sana maging close tayong lahat. What do you think?"


Tinitigan lang nila ako tapos sabay sabay silang tumawa. Ano kayang nakakatawa dun? Seryoso naman ako.

 

Sumagot yung isang matangkad na babae na punong puno ng kung anu-anong alahas yung katawan. Halata mong mayaman.


"Wow, really? I’m stunned. "


Lahat sila tumawa sa sinabi niya. Bumulong si Chaim na wag ko na lang pansinin. Tumingin lang ako sa kanila hoping na may mag-approach sakin.


"Do you like sweets?"


Tanong nung isang lalaki na parang nanggaling sa Kinder Garten. May hawak pa syang lollipop at naka-suspenders siya.


"huh? Uhmm… no."


Sumimangot siya sa sinabi ko, sabay balik sa upuan niya at umiyak. What's wrong with him?
May babae namang lumapit sakin na parang balak pa kong pagalitan.


"Walang makikinig sa mga kalokohang sinasabi mo, Hindi ba itinuro ni Chaim sayo yun?"


Tumingin siya kay Chaim.


"Wala ba yun sa notebook mo?"


Sumimangot si Chaim sa kanya.


"Erika, wag kang nakikisali sa usapan ng iba, Hindi mo ba alam na kabastusan yan?"


Nakapamewang na nun si Erika at handa nang sumagot. Ganito ba talaga sila?


"Bakit? Takot kang malaman ng mga tao na hindi ka kasing talino ng iniisip mo?"


Mabilis namang nakasagot si Chaim.


"Insecure ka lang sa grades ko."


Bigla na lang may pumasok na babae na agad kong namukhaan. Siya yung bumangga sakin kanina. Napansin niya sila Chaim.


"Whoa! Hi Mr. President! Away na naman?"


Napansin na rin niya ata ako at napangiti sya sakin.


"hey! You’re the lost guy! Nakita mo na ba yung classroom mo?"


"Yeah, dito, and if I’m not wrong, classmate kita."


"Really?"


Tumingin siya uli kila Erika at Chaim na nag-aaway pa rin.


"Ah… Lagi naman silang ganyan, normal na sa kanila yan . By the way, I’m Abby, and you are?"


"Joshua, Joshua... Talastas. Transferee ako. Abby, ang ganda ng pangalan mo, it means a father’s joy or described as good in discretion and beautiful in form."


Napatitig siya sakin. Di ata niya nagets.


"Huh? Oh. Good in discretion."


Tumawa siya pero pilit. Yun naman talaga meaning ng pangalan niya eh.
Nawala na lang ako sa sarili ko nung pamasok siya...


Parang pakiramdam ko wala nang gaganda pa sa kanya. Kahit mga anghel sa langit walang panama sa ganda niya. At alam kong Siya na nga ang dahilan kung bakit ako narito, pero nag-panggap akong di ko siya kilala.


"s-sino sya? She looks like an… angel."


Sumimangot si Abby at umupo sa upuan niya. Masama pa rin yung tingin niya dun sa babae.


May isa pang babae na nakasalamin at maraming dalang libro. Hula ko classmate ko din to.


"Late ka na naman. Ilang beses ko bang sasabihing maging maaga ka? Kelan ka ba magiging role model?"


sigaw ni Chaim sa kanya.


nauutal pa ata siya sa takot. Nakakatakot naman kasi talaga si Chaim. Pero parang may kakaiba sa babaeng to. Parang hindi siya student. In fact, parang may iba pa kong nase-sense sa kanya.


"s-sorry! T-t-traffic kasi.  Umm..ok. Everyone to your proper seats."


Walang nakinig sa kanya kaya tumingin siya kay Chaim. Teacher ata siya.


"Everyone!"


Isang sigaw lang ni Chaim, sabay sabay na tumayo yung classmates namin.


"Good Morning Ms. Ebreo, Good Morning classmates… I LOVE YOU ALL!"


Sabi ko na nga ba Teacher siya. I love you all? Ayos sana yun kung hindi sila plastic sa isa't isa. Pero bakit may ganun sila? Tao lang sila. Anong
alam nila sa pagmamahal?


"Hey! Chaim, bakit ganun? Hindi ko maintindihan, yung I LOVE YOU ALL?"


"Tinuro ni Ms. Ebreo sa amin yun, para walang ma-out of place"


Kung isa kang Archangel na tulad ko. Mahahalata mo na agad kung anong klaseng tao yung Ms. Ebreo na yun. Well, hindi siya tao. Katulad ko rin siya. Pero sino sa anim? Si Uriel kaya siya? Ngumiti ako kay Chaim sabay sabing


"That’s nice"


Tinitigan ko yung Ms. Ebreo. Napatingin din siya sakin sabay ngiti na parang may malisya. Si Uriel nga siya. Walang duda. Kung iniisip niyong dapat lalaki si Uriel, mali. Wala kaming kasarian. Syempre anghel naman kami. Pwede kaming maging kahit na ano. Naaalala ko pa noon na inasar namin si Barachiel dahil aso siya sa huling misyon niya. Hindi sanay sa tao si Uriel. Isa lang sya sa mga anghel na bihira makipag-halubilo sa kanila. Kaya siguro siya nahihirapan.


"Wow! I got a new student, ibig sabihin you got a new classmate, isn’t that great!"


Parang matatawa pa yung mga kaklase ko sa sinabi niya.


Chaim cleared his throat sabay bulong na..


"Nabanggit ko na sa kanila yun."


"oh! Sorry hihi… Pero si Mrs. Angeles matutuwa. Well anyway, Joshua, could you properly introduce yourself here in front."


"Opo. "


Tumayo ako sa gitna at inulit yung pagpapakilala


"hey Joshua, Anong fashion statement mo? Do you like pink?"


"Hey! Dude Joshua men, ya like hip-hop, men?"


Sa dami ng tanong, di ko alam kung sino sasagutin ko. Buti na lang may pumasok na babae na nakakatakot kaya tumahimik sila. Nakayuko lang siya at parang galit sa mundo.


"Katakot"


sabi ko.

 

"Ms. Ebreo! Nananakot na naman si Myca. Pwede na ba kong lumipat sa tabi ni Abby?"


Sagot ni Rome (yung isip bata kanina)

"Rome, ilang beses ko bang hindi na pwede. uhm…? Joshua, I guess hindi mo naman masasagot lahat ng yan ngayon, and look! It’s already time for me to say na nasa faculty room lang ako para sa meeting namin, so class tomorrow, we’ll check your homework. See you all tomorrow. And please, wag ninyong ia-outcast si Joshua. Goodbye! "

Umalis na siya pero may ngiti sa mga mata niya. Ganito si Uriel kapag alam niyang matatapos na yung misyon niya.


Lahat na ng tao dun sa classroom ay kinakausap ako. Pakiramdam ko magiging madali na lang nga ito.


"Ang bait ng lahat sakin. I think I’m going to like this class."


bulong ko kay Chaim


"talaga lang ha? GOOD LUCK!"
(Close curtain)

© 2013 by Eunice Ebreo. Photos of Yoon Eun Hye, Kim Bum and Kim So Eun were taken from different sites.​

bottom of page