Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 5: The Song
[David’s POV]
Heto na naman. Isa na namang mahabang araw ang haharapin naming magkakaklase ngayon. Hindi lang dahil sa mahaba at boring talaga ang klase ngayon, kundi dahil na rin sa meeting na pinatawag ni Joshua. Akala mo kung sinong magaling. Masyado siyang pasikat kay Abby-my-love.
Hindi lang ako ang nauna dumating sa classroom namin, nandito na rin sila Jhuna at Reshel. Masaya silang nagk-kwentuhan nung biglang maalala ni Jhuna na binully na naman ni Reshel yung isip bata na si Romilo.
“Nasan na kaya si Romilo? Alam mo Reshel, you’re so mean!”
Sabi ni Jhuna na alalang alala kay Romilo.
“Mean? I’m just having fun!”
Ngumiti si Reshel na parang proud na proud sa sarili nya. Mga babae talaga, di na lang nila gayahin si Abby na mabait sa lahat. Speaking of, anong oras kaya darating si Abby? Kailangan ko pang ayusin yung mga pictures niya sa scrap book ko. Tuloy lang sa pag-uusap sila Reshel kaya nakinig na lang ako sa kanila.
“Wait, sinasabi mo bang iniwan mo si Romilo kay Myca? Pero, diba takot siya dun?”
Ngumiti si Reshel sa tanong ni Jhuna. Syempre takot si Romilo kay Myca, takot siya sa maraming bagay and Myca is a perfect example ng lahat ng kinatatakutan ni Romilo. Mean talaga tong si Reshel, baby pa yung utak nung binubully niya.
“I know.”
Nakangiti pa rin si Reshel pero tinitigan na siya ng masama ni Jhuna kaya naging defensive siya.
“C’mon its not like Myca’s gonna eat him”
Depensa agad ni Reshel.
“Won’t she?”
tanong rin ni Jhuna.
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto nung bigla yung bumukas at pumasok si Rich Bitch. Siya na ang pinaka-mayaman sa School na ‘to at siya rin ang pinaka matapobre, maarte at mayabang. Siya si Angelica. Hindi bagay yung pangalan sa ugali niya. Kasabay niya yung isa sa mga kikay niyang alipores.
Kasunod naman niya ay ang takot na takot at pagod na pagod na si Romilo. Tumatakbo siya papunta kay Angelica na kasalukuyang rumarampa sa imaginary runway niya. Pinagyayabang yung bago niyang damit. Umirap lang sila Jhuna nung umikot ikot na parang tanga si Angelica. Napahinto siya nung biglang hinatak ni Romilo yung damit niya at nagtago sa likod niya.
“Angelica, please help me! Myca is coming.”
Umiiyak si Romilo, nairit naman si Angelica.
“Stop it Romilo! You’ll ruin my dress!”
Hinatak niya yung damit niya mula sa grip ni Romilo at naglabas siya ng kwintas mula sa bag niya. Ano yun? Alahas rin laman ng bag niya?
“Ok, see this?”
Pinakita niya kay Romilo. Huminto na sa pag-iyak yung isip bata.
“This is a lucky charm necklace”
Isinuot niya yun kay Romilo. At napatalon siya sa tuwa.
“OMG! You’re so cute! You look like my dog!”
Though may point siya dun, masama pa ring sabihin yun. Pasalamat siya hindi siya mage-gets agad ni Romilo.
“I look like a dog?”
Tanong ni Romilo na confused na confused. Para saan nga kaya yun?
“No, silly! I mean if you wear this, Hindi ka na sasaktan ni Myca. Do you believe me?”
Tatango si Romilo. Ngingiti uli si Angelica. Utu-uto talaga tong si Romilo.
“Good. Oh you’re such a darling”
Pina-pat ni Angelica yung ulo ni Romilo nung biglang dumating si Myca, hinahabol pala talaga niya si Romilo. Pero sa gulat naming lahat, ngumiti si Myca kay Romilo at para siyang baliw na namumula pa. Seriously? Has the world turned upsidedown?
“Whoa! Magic! Totoo nga! Thank you Angelica!”
Nilabas niya yung lollipop nya at binigay kay Angelica. Napatingin lang si Angelica sa kanya na parang sinasabing seriously?
Isa isa nang nagsidatingan yung classmates namin pero wala pa rin sila Abby. Dumating na din si Chaim at Erika nang sabay, nag-uusap sila ng hindi nagbabangayan. Ano na ba talagang nangyayari sa mundong to?
Ang sarap nang umuwi, kakaiba na talaga yung mga pangyayari dito. Pero bago pa ko makatayo sa kinauupuan ko, huminto na ang oras, biglang pumasok ang pinakahihintay ko, pero imbis na matuwa, naasar lang ako dahil kasunod niya yung mayabang na si Joshua. Nagulat din si Erika at Chaim na paupo pa lang sana sa upuan niya.
“Abby…? Akala ko hindi ka pupunta.”
Tanong ni Chaim
Tumingin si Abby kay Joshua na ngumiti sa kanya.
“It’s the grades.”
Yeah, right, grades, if I know, pinilit ka lang pumunta ni Joshua. Ngumiti lang sila Chaim at sabay sabay silang umupo, may sasabihin sana si Abby kay Joshua nang bigla yung ngumiti sa likuran ni Abby at sumigaw.
“Jesica! Buti naman dumating ka!”
Nagpanggap siya na hindi napangiti. Napasimangot si Abby kay Jesica, ineexpect din siguro niya na hindi na pupunta yun. Hindi naman sa galit din ako kay Jesica, pero trinaydor naman talaga niya si Abby, and she has to pay for it.
“It’s the grades… Sana lang tuparin mo yung promise mo.”
Nakangiti pa rin si Joshua sa kanya, sinasadya na talaga niyang saktan si Abby ko. Magbabayad siya.
[Joshua’s POV]
“Oo naman, I won’t let you down!”
Ngumiti ako kay Jesica at ngumiti din siya. Mukha talaga siyang Anghel. Nakakatunaw yung mga ngiti niya. Pero ano ba tong nararamdaman ko? Hindi to pwede, ako ang Anghel, ako ang dapat maging matatag.
Bigla na lang nagsalita si Abby na nasa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya.
“ ahmm… Joshua, magsimula na tayo… Alam ko na! Mag decide muna tayo kung anong kakantahin.”
Tumango ako at pinaikot na namin yung mga upuan namin.
“Right, we should know what to sing first, any suggestion guys?”
Nagtaas agad ng kamay si Salve, siya yung isa sa mga kikay na alipores ni Angelica
“Alam ko na! What about Nobody? I want nobody nobody but you!”
Sumayaw siya at nagustuhan yun ni Angelica na pumalakpak at nagsasabi ng bravo.
Sumabat naman yung tahimik na si Regine, ngayon ko pa lang siya narinig na nagsalita.
“No it should be something inspiring, something na maiiyak yung mga tao.”
May point siya, pero parang masyado naman kung papaiyakin mo pa yung mga tao.
“C’mon Regine, maging masaya ka nga, pwede? Bakit mo naman papaiyakin yung mga tao?”
Depensa naman ni Salve.
Pero ngumiti lang si Regine na may sagot agad sa tanong niya. In English pa!
“To show that however hard it is to show what you really feel in this world full of trouble and fear, there’s still a place where they can show their true feelings, where they can be free.”
Natulala na lang kaming lahat sa kanya, ako, because of her awesomeness, pero mukhang iba yung pananaw ng iba naming classmates.
“Whoa! Whoa! Whoa! Nagde-declame ba tayo dito men? Kung ganun kasi, mag-iiyakan na kami ngayon dude.”
Sabat ni Rey na nagf-feeling na rapper. Bigla ata siyang may naisip kaya nagsalita siya uli.
“YO! YO! YO! I know, I know, Bakit hindi na lang tayo mag-rap? Huh? Swaggin’ all around”
Tumawa siya ng malakas at humarap kay David na bestfriend niya.
“Tell me who’s great men? Who’s the swaggernaut dude? I AM!”
Tuwang tuwa talaga siya sa suggestion niyang kinuwestyon agad ni Chaim. Kung sa kanta pa lang hindi na sila magkasundo, pano pa sa pagp-practice?
“Rap? Rey, this is a choir competition, pano tayo magra-rap ng sabay sabay? I think it would be better kung mag-mellow songs na lang tayo.”
Sumimangot lang si Rey at umayos ng upo. Sumunod naman na magtaas ng kamay si Romilo.
“How about Cuppy Cake?”
Natawa na lang ako sa mga suggestions nila, nakapanood na kaya sila ng totoong choir? Duda ko lang. Pero nakakatawa pa rin.
“Cuppy Cake? Hindi ba masyadong childish yun?”
Sabi ni Myca na nakaharang lahat ng buhok sa mata pero halata mong nag-worry nung sumimangot si Romilo sa sinab niya. Bumawi agad siya sa sinabi niya.
“But sometimes, ok din magpalit ng genre.”
Ngumiti si Romilo at ngumiti din siya. Ngayon ko lang sila nakitang magkatabi nang hindi natatakot si Romilo.
“Myca? Cuppy Cake? It doesn’t seem to fit someone like you.”
Tanong ni Chaim
“Ano bang sinasabi mo? I just thought that we should like, alam mo na, change something a bit sometimes, alam mo yun, not just the usual choir, diba Romilo?”
Ngumiti uli siya kay Romilo at ngumiti din yun sa kanya. Ang weird ng nangyayari pero mas ok yun kesa matakot si Romilo.
“Tama yun. That’s a very bad example but that's a great idea Myca. Usually diba church songs ang kinakanta? Let’s think about something different.”
Ngumiti silang lahat at sumangayon sakin.
“Tama yun, we can change the traditional way to something fun, para hindi boring”
Nakatingin sakin si Abby habang sinasabi sakin yun. Nakasimangot naman ako. Boring? I always thought choir is refreshing.
“Kaya nga sabi ko, let’s sing Nobody.”
Sagot ni Salve.
“Yeah Nobody would do.”
Suporta naman ni Angelica.
“Salve Nobody is not for choir.”
Sabi ni Chaim. Totoo naman eh, sino bang may gustong magsasayaw sa stage habang may choir competition? Sumimangot lalo si Salve.
“What are you talking about? Nobody is perfect.”
Pinipilit pa rin niya. Nakakatawa talaga sila. Ngumiti lang ako at tumingin kay Jesica na nananahimik.
“Ano sa tingin mo Jesica? Anong magandang kantahin?”
Nagulat ata siya na kinakausap ko siya, wala kasing pumapansin sa kanya. Ngumiti siya at yumuko, pero nag-suggest siya
“Bakit hindi na lang Greatest Love of all?”
Then it hit me, oo nga no. Kahit na anghel ako, naririnig ko pa rin naman sa langit yung mga kanta ng tao at isa yung Greatest Love of All sa mga nagustuhan ko. At hindi siya boring na kanta.
Tumingin ako sa iba na napaisip rin siguro. Ngumiti si Chaim kay Jesica at pinuri siya.
“Ang galing mo, tama, maganda nga yun.”
Puri ni Chaim, napayuko uli si Jesica pero nakangiti siya, maiiyak na ata dahil sa atensyon na nakukuha niya.
“Tama yun! It’s a great song at mapapakita pa natin ang true spirit of Christmas which is Love. Because God is Love and we should be thankful that we have him.”
Sabi ni Regine na maiiyak na rin ata sa sobrang proud sa mga sinasabi niya.
Sumangayon na din ang lahat. Kahit si Abby na nakasimangot, hindi niya maitatanggi na tama si Jesica. Naging masaya na si Jesica.
“Ok, bukas 8am ang practice natin. Bawal ma-late ah.”
Announce ni Chaim.
Masaya kaming lumabas ng classroom, maaga pa kasi para sa klase kaya naghiwahiwalay muna kami.
Everyone left with smiles and hopes in their faces.
Everyone except her.
Malungkot pa rin si Abby.