Stories by Yun Ebreo
Awesome August
This site is not yet polished. Please bear with us." -Awesome August-

Chapter 2: The Stalker
David's [POV]
Hayy.. ang tagal naman nila Erika at Chaim. Kanina pa naghihintay dito sa bench sa labas ng school si Abby-my-love. Kawawa naman yung mahal ko.
"Abby!!!"
Napatingin ako sa likod ni Abby. Tumatakbo si Erika at Chaim papunta sa kanya. Sa wakas. Natuwa na ko. Kaso nakasimangot si Erika.
"sorry Abby, inutusan pa kaming ayusing yung bookshelves eh"
sabi ni Erika habang hinihingal at masama ang tingin kay Chaim. Dinedma lang siya nung isa.
"it’s ok."
sagot naman ni Abby.
"let’s go."
Tumayo na siya para umalis at naiwan ni Abby yung jacket niya. Pagkakataon na. Nung nasigurado ko nang wala na talaga sila, tumayo ako at lumabas sa pinagtataguan ko. Sinunggaban ko agad yung jacket. Niyakap at inamoy ko pa. Hmmmm... ang bango ni Abby-my-love.
"Hey! Hey! Slow down mate!"
Tumakbo pasunod sakin ang bestfriend kong feeling rapper na si Rey. Pakielamero talaga to sa lovelife ko.
Inamoy ko na lang uli yung jacket. Sobrang bango talaga.
"whoa! What ya doin’ man? Sisirain mo yung image ko!"
Hay naku. Pakielamero talaga.
"will you shut up?! Anong image bang pinagsasabi mo, jologs?"
"At least I’m not a maniac! Bakit ba di ka na lang magtapat sa kanya dude?"
"It won’t work. May iba na syang gusto."
Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko yung mga ngiti sa labi niya nung kausap niya yung Joshua na yun. Matagal ko nang hinihiling na mapangiti ko siya ng ganun. Kung ako na lang sana yung minahal niya, noon pa lang masaya na siya.
"oohh… that’s awful man! Ga-graduate ka ng High School ng hindi nakakapagsabi ng nararamdaman mo."
Tinitigan ko ng masama si Rey, kaso naawa lang ako lalo sa sarili ko. Sa totoo lang kasi, tama siya.
"it’s ok… at least… meron akong pictures niya."
Kinuha ko yung camera ko na puno ng pictures ni Abby at ipinakita sa kanya. Marami akong pictures niya, sa classroom, sa gym, sa cafeteria, pati sa labas ng gate at sa tapat ng Girl's CR.
"and I don’t mind admiring her from a distance."
Tinitigan lang ako ni Rey na parang awang awa siya sakin.
"Tara na nga, baka may makakita pa satin dito."
Hirap talagang maging stalker.
[Voice Over]
Gabriel: Ibang iba po sila kesa satin.
Voice: Ayos lang yan anak, masasanay ka rin.
Gabriel: Sana nga po.
Voice: Wag kang mag-alala, magpapadala ako ng tutulong sayo.
[Abby's Dream]
Magpapaliwanag ako Abby.
Please hear me out..
Parang awa mo na Abby, paniwalaan mo ko.
Wala akong ginawang masama... Abby.. Abby..
"ABBY KATE DALIDA!!"